Gestational Diabetes
Hi there! 27 weeks preggy here and recently lang as per OGTT result, nalaman namin na may Gestational Diabetes ako. Advice ni OB na mag modify ng diet at blood sugar monitoring. So far, palaging above the limit ang mga blood sugar reading ko kahit okay naman na ang diet ko. Napakahirap din pong mag isip ng kakainin. Hindi na din po ako nabigyan ng meal plan ni OB. Anyone who shares the same experience as mine? Paano nyo mo na control ang blood sugar nyo? Any meal plan suggestions po? Thank you in advance.
Na-diagnose din ako ng GDM on my 31 weeks now im 32 weeks na.. 2 days pa lang akong nagmomonitor ung result palagi ng glucose sugar monitoring ko 200 pataas palagi isang beses nag 300 plus pa na stress ako nun kasi nagbawas na ako ng kinain ko half rice 1 slice ng bread pero still wala pa rin, naiiyak na ako kasi naggutom ako dahil hindi nman yun ung routine kong kinakain talaga.. kaya inadvise agad ako ng endo ko na mag insulin na actually 2 type ng insulin ang gamit ko kasi ung lavemir insulin hindi bumababa ang sugar ko kaya another insulin which is novorapid every before meal un tapos ung lavemir insulin before bed time na lang.. then nag change ako ng meal plan decision ko lang nag lowcarb ako kahit mahal ang low carb food bumili pa rin si husband kung un ang mas nakakabuti.. lowcarb na bread lowcarb na bananaloaf then sa mga niluluto make sure na walang mga ingredients na mataas sa sugar at carbs.. then ung way of eating ko ngayon hindi ako nagugutom. Kahit nakaka 2 slices ako ng bread sa umaga with palaman na lowcarb din hindi na tumataas ang sugar ko. Then sa hapon masaya ako kasi nakaka 3 slices ako ng banana loaf sugar free pero hindi na rin tumaas ung sugar ko. 3 days ng okay ung sugar ko every monitor ko hindi na ako umaabot sa 100 plus na result even after lunch or dinner kaya wala na rin akong insulin every before meals before bedtime na lang ang insulin ko which is lavemir insulin.. nagpa bps pala ako ng april 13 and nakita na malaki si baby ng 3 weeks compare sa age nya kasi nga GDM na pala ako. Then balik ako sa april 29 to check again the weight of my baby.. 4x a day akong nag checheck ng sugar ko.. sa lowcarb foods hindi ka magugutom 🙂 i hope this message will help those mami na may GDM. Godbless sa atin
Magbasa paDiagnosed gdm din po ako from the start pa lng po ng pregnancy ko, 30wks na po ako ngayon, so far controlled po cia kya d na aq binigyan ng insulin at 1/month lng po monitoring sugar ko, pero case to case basis po kc yun, sa case ko po tumataas ang sugar ko pag gutom,mababa pg busog ang advised po sa akin, pag lunch at dinner sa isang whole plate 1/2 ng plate is vegetable, 1/4 ng plate is either fish/pork/chicken/beef any kind ng luto tanggal lng lahat ng taba or balat ng chicken, 1/4 ng plate is rice (pwede half or whole) depende sa nacoconsume mo pero bawal ang dagdag, pag breakfast lahat ng servings ng food na kinakain tuwing lunch at dinner tig kalahati na lang, kung 1/2 plate mo is vegetable kalahiti na lng non, 1/4 plate protein half na lng non ganundin sa rice, bawal po isabay ang juice at milk sa mga yun so water lng ang pwede inumin during meals ang fruits pgkatapos ng meal hindi pwede una fruits bago ang meal kc mataas sugar ng fruits kaya kalahati lng ang pwede kainin lalo na tung matatamis na uri ng fruits, regarding sa merienda bawal ang carbohydrates, water at skyflakes or fita lng ang pwede, o kya veg salad,pwede rin milk or juice pero pag juice kalahating baso lng po a day.. pwede rin naman po tumikim ng matatamis like icecream,salad, lecheflan 2 spoon lng a day, chocolate mga 2 bites lang po.. anyway 3hours interval po ang merienda from meal, pag 2hours pa lng after ng meal water lng pede kc pregnancy cravings daw po yun..
Magbasa paI hope this could help. My OB taught me of no-fruit-no-rice before 10 in the morning. I am only allowed to eat oatmeal or 2pcs of pandesal (without palaman) pwede rin siguro 2 slices of loaf bread before mag10. Pwede lang ako kumain ng rice kapag 10am onwards na. Kasi hindi pa daw masyado napo-process ng natawan natin ang sugar in the morning. With that lumalabas na 2x a day na lang din ako kumakain ng rice. Kasi parang lunch ko na yung 10am onwards na rice tapos ang sunod na kain ko ng rice nun ay dinner na. Effective sya sakin and until now yun pa din ang ginagawa ko to maintain.
Magbasa pawag nyo pakinggan dito ung mga binalewala lang GDM nila, magkaiba kayo ng case. kung saknila wala nangyari yaan nyo po sila. choice nila di sundin ang doctor.. maging maingat na lang po sa mga kinakaen like sweets, sodas ska mga fruits na high in sugar po. contact nyo po OB nyo para mabigyan kayo advise sa diet nyo and search na lang rin po ng mga foods to avoid for gdm.. mahirap po magsisi sa huli. Godbless sis.. Hope you and your baby will be fine 🙏
Magbasa paSame meron din ako gestional diabetes iwas sa rice, fruits na may sugar content like manggang dilaw pati milk bawil rin sakin ang diet ko oatmeal lang at white bread. Yung nagsasabe wala daw effect yun kay baby meron po it can cause infection po kaya po karamahin sa may gestional diabetes ay na c-cs and specially drink more water try mo din gawin tubig yung water with lemon po wag lang lage kase citrus po sya mataas acid. :))
Magbasa paganyan din po case ko dati. nirefer ako ng OB ko sa Internal medicine, modified diet muna then pag di daw nacontrol insulin na. no sweets talaga mamsh. di ako kumain ng cakes and breads, konting rice puro gulay at meat. kahit sa fruits half half lang. at pina stop din pala muna yung anmum ko nun, water lang inumin. then walking ako palagi. numg next ogtt ko nag normal naman. sana maging ok na din sayo mamsh
Magbasa paNa-detect na mataas blood sugar ko at 2 months, diet and monitoring pinagawa sakin. Bawas rice at lahat ng matamis and more water. At wag kain ng kain mommy. Pag gutom lang talaga . From 61kg to 52kg. Controlled na ang sugar..
Thank you mga Mamsh for sharing your views on this matter.. I appreciate your advice as well. Sana po maging okay at ma control din ang blood sugar ko. Thanks again and Gid bless.
Bawal fruits, milk, buko juice, etc. Madami bawal pero di ko sinusunod yun. Binabalewala ko lang. Nag sosoftdrinks pa nga ako eh kabuwnan ko na. Good luck kay baby hehe.
Stupid Spotted!
GDM din here. Wala di ako nagdiet 🤣🤣 same same pa rin puro matatamis at chocolates ako ngayon na 35 weeks na akk 🤣 wala naman ata epekto talaga yan sa baby
Sabihin mo na hindi seryosong sakit ang Diabetes pag nabubulok na yang paa mo at pinutol na. kaya kung ako sayo magingat ingat ka na wag magkasugat. 😅