Gestational Diabetes

Hi there! 27 weeks preggy here and recently lang as per OGTT result, nalaman namin na may Gestational Diabetes ako. Advice ni OB na mag modify ng diet at blood sugar monitoring. So far, palaging above the limit ang mga blood sugar reading ko kahit okay naman na ang diet ko. Napakahirap din pong mag isip ng kakainin. Hindi na din po ako nabigyan ng meal plan ni OB. Anyone who shares the same experience as mine? Paano nyo mo na control ang blood sugar nyo? Any meal plan suggestions po? Thank you in advance.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Na-diagnose din ako ng GDM on my 31 weeks now im 32 weeks na.. 2 days pa lang akong nagmomonitor ung result palagi ng glucose sugar monitoring ko 200 pataas palagi isang beses nag 300 plus pa na stress ako nun kasi nagbawas na ako ng kinain ko half rice 1 slice ng bread pero still wala pa rin, naiiyak na ako kasi naggutom ako dahil hindi nman yun ung routine kong kinakain talaga.. kaya inadvise agad ako ng endo ko na mag insulin na actually 2 type ng insulin ang gamit ko kasi ung lavemir insulin hindi bumababa ang sugar ko kaya another insulin which is novorapid every before meal un tapos ung lavemir insulin before bed time na lang.. then nag change ako ng meal plan decision ko lang nag lowcarb ako kahit mahal ang low carb food bumili pa rin si husband kung un ang mas nakakabuti.. lowcarb na bread lowcarb na bananaloaf then sa mga niluluto make sure na walang mga ingredients na mataas sa sugar at carbs.. then ung way of eating ko ngayon hindi ako nagugutom. Kahit nakaka 2 slices ako ng bread sa umaga with palaman na lowcarb din hindi na tumataas ang sugar ko. Then sa hapon masaya ako kasi nakaka 3 slices ako ng banana loaf sugar free pero hindi na rin tumaas ung sugar ko. 3 days ng okay ung sugar ko every monitor ko hindi na ako umaabot sa 100 plus na result even after lunch or dinner kaya wala na rin akong insulin every before meals before bedtime na lang ang insulin ko which is lavemir insulin.. nagpa bps pala ako ng april 13 and nakita na malaki si baby ng 3 weeks compare sa age nya kasi nga GDM na pala ako. Then balik ako sa april 29 to check again the weight of my baby.. 4x a day akong nag checheck ng sugar ko.. sa lowcarb foods hindi ka magugutom 🙂 i hope this message will help those mami na may GDM. Godbless sa atin

Magbasa pa