Gestational diabetes

I have gestational diabetes po, base po sa OGTT.. As of now strictly monitored po ang blood sugar level ko daily, goal that was given by my doctor was 95mg before meal and 140 1hr after meal. Ang hirap po i-maintain nung after meals. Anyone here na mayroon din po gestational diabetes? Baka pwede po kayo magshare ng diet meal plan. Currently on my 32weeks, ang hirap magpigil ng katakawan ?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was diagnosed GDM on my 31 Weeks i used glucometer 4x a day and 1 time umabot pa ng 300 plus ung result ng sugar ko na stress ako ng super kasi onti na ng kinakain ko bakit d bumaba sugar ko umabot pa ng ganun. Then sabi ng endo ko i need to use an insulin na lavemir insulin nung una kaso hindi pa rin bumaba so sabi ng endo ko need na ng another type ng insulin natakot na talaga ako nun kasi 2 types na ng insulin tinuturok saakin inisip ko baka makasama na saamin ni baby.. then i tried a lowcarb diet kahit ma kamahalan ang low carb food pinush pa rin namin ji husband kasi baka un ang makabuti and i used low carb bread low carb snacks etc. then kahit maka 2 slices ako ng lowcarb bread nd na tumataas sugar ko sa hearty bread ako bmibili ng lowcarb almond bread and banana loaf sugar free nag brown rice na rin ako, then lahat ng alam kong food na may sweets iniwasan ko. On my 4th day bumaba ung sugar ko hindi na ako umaabot ng 100 na resultbsa glucometer even after meals. Kaya ngaun pang 2 days ko ng hindi nag iinject ng novorapid insulin.. lavemir insulin na lang tinuturok saakin before bedtime na may mababang dosage na. Dati kasi tag 35 units ako parehas sa dalawang insulin ko. Ang mahal pa pati ng insulin. Then prayers din na makaya ko and aun nga on my 8th day today normal na sugar ko. Nalaman ko pa lang GDM ako nung nag bps ako ng april 13.. then balik ako sa april 29 to check again my baby’s weight. Kasi malaki si baby ng 3 weeks compre sa Age nya.. hope this will help and inspire you. 🙂

Magbasa pa
5y ago

Wlaa siyang sympthoms unless magpa bps ka.. doon nalalaman.

Diabetic ako 2yrs na and buntis ako now.. sabe lang ng endo ko okay na dw ung 1cup every meal kase ayaw nia pumayat ako.. iwasan matatamis at carbs, powdered juice, canned juice bawal dn.. Small portion pf fruits lang kase my sugar dn ang prutas e then s gulay hinay lang dn like patatas, kalabasa mga ganyan kase carbs dw yon.. Mas damihan daw ang kaen ng protein.. so far okay naman sugar ko, naachieve ko naman ung binigay na sugar level pero minsan npapansin ko lumalagpas ako.. Ngayon 29weeks na ako, di ko na kaya mag 1cup rice every meal kase sobrang bigat n s tiyan kaya more on gulay nlang ako.. And stress dn nkakataas ng sugar level yan.. Pinagbawalan ako uminom ng gatas pambuntis, ang iniinom ko calcuim na gamot pero minsan umiinom ako bearbrand na gatas no sugar.. pampainit lang ng sikmura hehehe

Magbasa pa
VIP Member

Meron din po ako mommy. Naka monitor din ako til now. Pero na control ko na. Disiplima lang sa pagkain. Hindi naman malala sa akin kasi nung sinabi ng ob ko na meron akong gestational diabetes, sinabi nya lang na e monitor ko sugar ko. So every 2 weeks ako pumupuntasa kanya. At nakita naman nya na normal na ang sugar ko. Pinagbawalan ako kumain ng saging saba man o lakatan, watermelon, mangga, at yung mga starchy like potatoes (pero allowed ako ng sweet potatoe) at less sa rice and of course sweets and artificial drinks. Kaya ginawa ko, brown rice ang kinakain ko. Brown bread na may low GI, at mga whole wheat pasta. Tapos walking 30 minutes everyday. Buti pang kumain ka ng 2 cups ng brown rice kesa 1 cup na white rice.

Magbasa pa

magparefer ka po sa endocrinologist para irefer ka sa nutritionist para mabigyan ka ng tamang meal plan. kc ako 4times pinapakuha ang sugar level. tapos ung gatas pinagawang 2scoop kada timpla every morning/midnight. matabang pero nakasanayan ko na din. half rice lang every meal. ung fruits, 2 small pc lang every lunch/dinner. ndi pwedeng gawin snack. if bread nman 1slice lang. konting palaman para lang daw may lasa. pwede damihan kung gulay. matchbox size lang sa fish/meat.. pinaiwas sa lahat ng matatamis. sabi pa ng nutrionist ang paglilihi daw ay nasa isip lang naten.

Magbasa pa

Same tau momsh s 2nd baby q, monitor lage ang sugar, paulit2 lng kinakain q non 😅 breakfast q: wheat bread papalaman q ng century tuna n spicy aalisin q ung sabaw s can, pag nanawa s wheatbread and century tuna oatmeal naman kinakain q, then pag nagutom skyflakes or vegetable salad ang kinakain q. Lunch q is 1 cup of rice tapos fish. Pag nagutom uli skyflakes or wheatbread uli or vegetable salad, dinner q is fish uli then 1 cup of rice uli. Ganyan ung diet q non momsh. Nakakasawa pero kelangan mag tiis. S awa naman ng Diyos di naman aq pinag insulin.

Magbasa pa

sakin po 1st tri pa lng controlled n ung food intake ko... half rice sa breakfast and 1 rice each sa lunch and dinner... 3 pieces adobo cut na meat or 1 isda... walang limit sa veggies.... iwas sa starchy na veggies and rootcrops. bawal ang mango (inc. indian mango and unripe mango), half lakatan lang dn sa meal and glucerna for snacks. no chocolates, softdrinks, cakes, sweets, etc. so far, okay nmn. tumaas lng once nung nilantakan ko ung indian mango. btw, borderline ung fbs ko per pasado ogtt ko.

Magbasa pa
6y ago

sa breakfast pala, no fruits ako. usually ginagawa q sa snacks q sinasabay/kinakain ang fruits. research k ng fruits na may low glycemic index.

I have GDM din mommy. Nagpa check ako sa diabetologist and I was referred to a dietitian. They give me a list sa pwede kung kainin and ang mga bawal. They will provide you a meal plan. Sinunod ko lang ang diet at nag normal na blood sugar ko. Monitor and test then 2 times a day. Di naman ako pinagbawalan kumain ng sweets as long as di too much. Your dietitian will explain din when to eat the sweets para di mag spike ang blood sugar level. I hope this helps. :)

Magbasa pa
VIP Member

14 weeks nung nalaman ko na May GDM ako hindi na ko pinag OGTT kc sa fbs pa lang kita na. Nirefer po ako sa endocrinologist, advice sakin less rice, bread, pasta, sweets, sodas, fruits na may natural sugar like mango, apple, orange. Kung nagcrave naman po pwede tikim lang (bite size). Need kc mamonitor sugar. Sa una po mahirap pero kakayanin naman po basta laging iisipin para po sa inyo ni baby yung sacrifice na ginagawa po.

Magbasa pa

I have GDM den po mommy. 27weeks preg ako today. Bawas lang tlga sa carbs mommy. Pag morning oatmeal nlng kinakaen ko saka boiled egg and anmum. Afternoon brownrice and apple. Mrynda ko fruits nlng or brownbread monsan nagyoyougurt lowfat. Tas dinner boiled egg and anmum. Un lng momsh. Pde ka nmn mag prutas like banana pero dpt moderate lng kain. Tiis lng po pra kay baby.

Magbasa pa

nagkaroon ako nyan nung buntis ako sinabihan lang ako bawas sa sweets, kanin at maaalat (medyo mataas din kasi bp ko) tapos nagsearch ako kung ano maganda pangpababa ng sugar nakita ko oatmeal so ginawa ko almusal at merye nda amg oatmeal nung nag retest ako 1mo before ako manganak normal na sugar ko

Magbasa pa