SSS Maternity Benefit

tanong ko lang po kung ano dapat kong gawin. di pa ko nakapasa ng MAT1 sa sss. magchange status muna sana ko. 3x na kong pumunta laging offline dun sa sss na malapit samin kaya till now di ko naasikaso. april pa yung ultrasound ko. ang nangyari nakunan ako,kanina ko lang nalaman. pero di pa ko nararaspa. nakasched ako sa thursday para sa raspa. mahahabol ko pa kaya yun kung sakaling magpapasa ako ng MAT1 bukas (tuesday,May 14)? sayang din kasi. voluntary lang kasi ko sa SSS. thanks in advance po sa mga sasagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung nangyari sakin e since natapos na yung raspa ko, nagpasa lang ako ng mga medical records saka lahat ng requirements na NASA list na ibibigay nila sayo. Unemployed ako nun pero almost 3 months unemployed lang kasi nagresigned ako due to high risk pregnancy. Bale no need na ng mat1 and better na dun ka mismo sa malaking branch ng SSS mag apply for maternity reimbursement kasi mas mabilis sa kanila. If hanapan ka nila ng existing na savings account and wala ka okay Lang yun dahil i-issuehan ka nila ng LOI or letter of introduction para magkaron ka ng card, dun na rin mismo sa branch ibibigay sayo yung card wala pa 1hr basta complete na lahat ng requirements mo😊😊. Tapos dun nila ide-deposit yung amount na qualified ka. Akin 32K nakuha ko since max lahat ng hulog ko and updated pa. Di na problema if di nakapag notify lalo na pag tapos na yung operation mo. Saglit lang naman sila magreleased ng pera, sasabihin sayo up to 45 business days well in fact within a month nakuha ko na kaagad after ko ma-submit lahay ng requirements ko. 🥰😊😊

Magbasa pa
5y ago

Take note mommy na Hindi din ako nakapag notify. Niraspa ako within the day na nakunan ako kasi sinugod agad ako ng partner ko sa hospital. I made sure na sa public lang para mas Mira, pero it was such a relieved nung wala kong binayaran because of my PhilHealth and my SWA din kasi na nag o-offer ng financial assistance. Active yung PhilHealth ko plus yung yellow card pa na prinovide na SWA equals zero sa lahat na bayarin. Walang wala pa naman kami nung mga times na yun. Pero I hope maging magaan sayo kahit na pag aasikaso lang ng operation mo then ng maternity reimbursement application mo since I know it's tough to lose a baby.

condolence for your angel mommy 😢