Carylle Ashia profile icon
PlatinumPlatinum

Carylle Ashia, Philippines

Contributor

About Carylle Ashia

Proud BREASTFEEDING mom ‹3

Posts(96)
Replies(787)
Articles(0)

Guilty Mom

Watching my little one sleeping right now, napakadaming overwhelming memories sa motherhood ang nagflaflashback sakin lalo na yung mga frustated moments ko. I'm at the age of 20 and incoming college student when I found out that I was pregnant. Mixed emotions ako nun, parang di makapaniwala, takot, malungkot na mapag iiwanan ako ng mga batchmates ko. First time ko mag stop ng pag aaral, sa school at bahay lang umiikot mundo ko buong buhay ko at consistent honor student kaya sobra takot ko sa mga sasabihin ng ibang tao at ni mama. Ganun pa man ay never ko naisip na magpa-abort. Unti unti kong tinanggap kahit na madalas ay nagkakaroon parin ako ng emotional breakdown, sensitive kasi talaga pag buntis. Wala akong masabihan dahil wala akong tunay na kaibigan at takot naman ako kay mama na nagtratrabaho that time. Nasa bahay lang ako at nagkukulong, sa gabi lang kami nalabas ng bf ko pagkagaling nya sa work para iwas sa mga tsismosa. Ang pinagkaabalahan ko nun ay panay pagreresearch kung ano mga dapat at hindi dapat sa pagbubuntis like foods, exercise, paano maenhance yung physical at mental health ni baby habang nasa tyan like reading books aloud at playing mozarts. Ano mga dapat ko iprepare sa panganganak. Research about breastfeeding and cloth diapering. Itong app na TheAsianParent talaga ang pinakamalaking tulong sakin.😊 Hanggang dumating na si baby, excited ako, sobrang mahal na mahal ko anak ko, ang dami kong naging goals mula ng dumating sya sa buhay ko. Madalas ko iimagine yung mga typical moments like pag nadapa sya at umiyak, pag nagtantrum sya sa mall pag may hindi naibiling laruan, na magiging makalat sa laruan yung bahay, sabog sabog kumain, sleepless nights etc. at naeexcite na ako maranasan yun. Pero may ilang guilty moments ako na dahil sa stress sa schoolworks at mga tao sa bahay, lalo na nung magwork na si mama at ako na rin nagawa ng lahat ng gawaing bahay habang alaga bata tapos sasabay pa ang paglilikot ni toddler, magsisisigaw at mag iiiyak ay nastress ako at nauubusan ng pasensya. May iilang beses ko sya hinayaan umiyak mag isa o mapalo, masigawan. Yung onting beses na yun ay hanggang ngayon ko pinagsisisihan, sobra sakit sa puso maalala na nagawa ko yun, one night nga ay nag iiyak ako sa mga nagawa ko sa baby ko at nagsisisi tapos bigla nagising baby ko at nakatitig lang sya sakin habang naiyak ako at nagsosorry sa kanya, niyakap lang nya ko, ang tagal namin sa ganung posisyon, pinapakinggan lang nya ako ng tahimik, sobrang naappreciate ko yung pagdamay nya sakin knowing na 1 year and 5 months palang sya nun. Mula non ay nangako na ako sa sarili ko na pipilitin ko ng hindi maulit yung pananakit ko sa kanya at hindi pagpansin sa pag iyak. Hahabaan ko na pasensya ko. Nagbabasa ako ng mga articles about positive parenting, how to handle emotions, how to understand my toddler. Im not a perfect mom, sobrang dami kong pagkakamali pero sisiguraduhin ko na natuto na ako at patuloy na natututo upang hindi ko na ulit masaktan ang anak ko. The last thing I want is to hurt my daughter or made her cry. She's now turning 1 year and 7 months & I'm 21 years old. Sino pa po dito nakaranas ng ganito? Give me some parental advice and tips po :) I will be the best mother for my daughter :)

Read more
 profile icon
Write a reply