Mother in law
Taas ang kamay ng may epal na mother in law dito! Pakishare naman ang experience nyo sa kanila pagdating sa pagpapalaki nyo kay LO.

MIL ko naman sobrang epal din, Konting iyak ng anak ko nakasugod sa kwarto namin bakit daw umiiyak? Malamang gutom tapos karga ko na baby ko sasabihin nya ibaba para sya magkarga, kinukuha pa dati every night ng walang pasabi dinadala sa room nila, one time nga pinapakuha na mga gamit ni baby ko para dun nalang daw sakanila, kumusta yung tunay na nanay diba? naiintindihan ko naman na sabik sila sa apo (unang apo kasi) kaso sana intindihin din nila ako diba? Guidance lang ang kailangan namin pero parang sinasaklaw na lahat parang ginawa nya nanay sarili nya sa anak ko, yung tipong natatanggalan na ko ng karapatan sa anak ko? Pati isusuot sya nag dedecide lahat ng suggestion ko ayaw nya (walang tiwala saken) ultimo binyag pinakekealaman nya, sarap sana sumagot kaso nagpipigil pako dahil nirerespeto ko sya. Minsan pa nga patulog na anak ko sya naman kakantahan nya ng pagkalakas lakas hanggang sa magising anak ko di nya bigyan ng katahimikan yung baby nakakainis! At kahit kakadodo lang sinasayaw nya ng bongga at ako pa sinisi minsan kabagin anak ko (kasalanan daw ng breastmilk ko)
Magbasa pa