M I L
kamusta naman mga mother in law nyo? ?
ayun nung di pa ako buntis wala namang masamang nasasabi sakin except lang nung magkaron ako ng kasalanan sa anak nya dun na nagsimula lahat and naintindihan ko naman ng mga time na yun kase ako talaga ang may mali kaya nakakapag sabi sya ng ganun sakin.. pero bumawi naman ako sa abot ng makakaya ko para pagsisihan yung pagkakamali na yun. pero tong asawa ko medyo masama din kase ugali kaya ngayon nabuntis ako ang sama sama na ng tingin sakin ng nanay nya kinukwento na ko sa ibang kachismisan nya pati sa mga kamag anak nila. hndi lang ako makapag hugas at makapagligpit sa bahay kung ikwento na ko sa iba parang wala akong naitulong sa knila since magsama kami ng anak nya. ,ang hirap kase ng sitwasyon ko ngayon sobrang selan ko magbuntis konting kilos ko lang at mapagod ako nahihilo na ko na para akong matutumba kaya minsan paghuhugas lang talaga ng plato nagagawa ko ngayon.. di tulad nung di pa ako buntis halos araw araw ako nag gegeneral cleaning ng bahay nila.. 😏, tapos tong asawa ko lakas pa pasamain ng loob ko ,alam ng bawal ako maistress,pag nag aaway kase kame ng matindi sumasakit ang tyan ko dala ng iyak at bigat sa dibdib dahil sa sama ng loob.. para kasing di pa sya sawa sa pagkabinata may tatlong anak na sya sa unang ka lip nya tapos magkakaanak na sya sakin puro padin bisyo ang inuuna.. but now di na sya masyadong inom ng inom kase first check up namin talagang sinabi ng doctor di pwede mastress ang buntis kase makakaapekto sa bata yun.. kaya sabi ko kung mahal mo talaga anak mo sakin wag nya ko bigyan ng ikakastress kaya mukhang pinipilit naman nyang gawin, kaso ngayon ang issue yung nanay nyang ubod ng kaplastikan sa katawan.kagigil 👿👿
Magbasa paAyun, bossy at mayabang. Basta nalang pupunta sa bahay namin at derederecho di man lang binabati ang nanay ko. Nakatira kami ni hubby at baby sa bahay ng nanay ko. Oh diba nakaka stress. After ng binyag ng baby ko, alam nya na madaming nagbigay ng cash kay baby, gusto nya utangin yung pera. She's Unbelievable! At yung may nagpa abot sakanya ng papasko kay baby na cash, ginamit muna nya bago nya binigay saamin siguro mga 6 days after Christmas. Nung January 1 nga, basta nalang pumasok sa bahay namin, at sinabi isasama daw kami s a tagaytay, within 10mins susunduin daw kami ng sasakyan, ayoko sa ang sumama kasi hindi naman ako basta basta makakaalis kasi 4months old palang baby ko, ako lahat mag aasikaso sakanya at di ko kaya ng 10mins. Aba nagalit ang bagal ko daw kumilos. Pinaliguan ko pa si baby, inayos ko pa mga dadalhin na damit maliligo pa ako. Grabe nahiya lang ako sa tito ng asawa ko kasi mababait sila saamin kaya go. Tapos ayun inabot kami ng 11pm dahil sa traffic. Awang awa ako sa baby ko kasi halatang pagod na pagod na sya. Sa lemery batangas pala pupunta, hindi sa tagaytay. Ang sama talaga ng loob ko kasi hindi man lang nya ko tanungin kung gusto ko ba sumama, respeto man lang saakin. Kaso hindi e, umasta sya na parang boss at dinidiktahan ako. Until now di ko parin sya kinakausap, nagchachat sakin at video call di ko sinasagot, di ko siniseen ang mga chats nya at alam ng asawa ko, naiintindihan naman nya ako kung bakit ako nagkaka ganito. Mabuti nalang talaga at mabait ang asawa ko. Nakaka stress talaga yung MIL ko grabe.
Magbasa paOkay na sana siya, pero nakakawalang gana nung nagtampo lang siya sakin sa maliit na bagay lang. Nung dati panay update siya kay hubby pag may bagong balita sa buhay ng mga naging ex ni hubby. Topic niya palagi yung ex ni hubby nung bumibisita siya samin o kaya tumatawag talaga siya para lang pag-usapan nila ‘yon. Dinig ko pa talaga, bago pa lang kami ni hubby nun ah! Napapaisip tuloy ako baka kinokompara niya ako dun sa dati ni hubby. Kaloka. So far wala naman na, pinagsasabihan ko kasi si hubby na patigilin na si mil kaka dada sa mga ganyang bagay - pero hindi kaagad tumigil lol hanggat di nagagalit si hubby, na wala na talaga siya pakialam sa kanila. Ngayon alam ko na kung bakit lagi nababadtrip si hubby sakanya through call o pag nasa bahay si mil kasi hambog, mabilis magtampo, control freak(aniya ni hubby), walang consideration umagang umaga ang ingay ng pinapanood habang tulog kami ni hubby niyan ah or matutulog na, ayaw makinig kay hubby gusto niya opinion niya lang, ayaw niyang pinagsasabihan siya, demanding at iwan ko ba sobrang nega niya. Ramdam mo talaga yung negativity niya. Lagi ko kasi kinakampihan si mil dati pag nag aaway sila(sorry hubby, sobrang mainitin kasi ulo ni hubby pag andyan si mil kaya pinagsasabihan ko siya na wag siya ganyan. 😢) Now I know kung bakit ganun si hubby makaasta kay mil. 😅 Never daw talaga sa tanan buhay niya nakinig si mil sakanya lalo na nung harap harapan na niloko si mil ng step dad ni hubby. Juice colored.
Magbasa paokay naman, mahilig mangamusta saamin ni baby puro kamusta🤣 minsan parang nakikipag kompitensya sa atensyon ng anak nya, pag alam nyang may check up ako sa ob, sya din gusto magpacheck ng kung anu ano. Pag kami ang kasama puro daing at laging may sakit sa katawan pero pag kapatid ni hubby ang kasama niya puro sila lakwacha at out of town kahit puyat at pagod wala kang marrinig na may masakit. eto pa, nung buntis ako at nagsspotting ako lang mag isa sa bahay, laging nagmmessage na wag daw akong magkkilos muna, pero wala naman ibang gagawa ng chores kasi araw araw naman umaalis ang anak nya, kaya no choice ako na gawin pa din lahat. Nung pinagbedrest ako ng doctor at binantayan na ako ni hubby, si hubby na halos gumagawa ng lahat, aba! dun sya nag alok na tulungan si hubby sa paglinis sa bahay.
Magbasa paAyon di mo ramdam pagiging concern gusto cya pa ang aasikasuhin at selosa daming hugot sa fb panay parinig pa kahit anak nya iinis na sa ugali nyang ganon..sa anak nga walang concern sakin pa kaya na manugang lng nya..naaksidente anak nya di man kng nakitaan ng pag aalala or ask kung ok pa wa tlga tapos maselan ako mgbuntis wala man lng malasakit or payo na maririnig about sa pagbubuntis masaya na sya na kakain tambay sa labas ng kamag anak tulog magmumura pa pag nasa haus na eh di ako sanay na may ganon ako naririnig haysss wala nmn na sakit byenan ko kaya nmn na kumilos lahat asa pa sa anak konting galaw iutos pa nya kaya nmn nya gawin sa sarili nya walang magagawa kung ayaw nya sakin ayaw ko din sa knya basta ako di ko sya binastos at minura or sinagot sagot ..swerte ng may mabait na byenan
Magbasa paManganganak na ako, ni bisita o kamusta wala! Hahaha. As if malayo at di nila alam bahay namin. Palagi naman sila nandto sa subdivision kasi dto nakatira pastor nila sa church. 😂 Pero for sure pag umuwi na ang anak, always na yan bibisita. MONEY talks. 😂 Not in good terms kami kasi. Yung anak nya tagal2 na sa abroad. Di sila nakabili ng bahay o nakapagsave. Inuna kasi ang bakasyon grande, pa cater at extravagant lifestyle. Nung gusto na mag settle down ni hubby, dun na sya humingi ng house at maraming demand. E lubog pa sa utang anak nya dahil rin sa kanila. At tsaka ako pa pinalabas nya na naguubos ng pera ng anak nya... Hohoho. So not true. My family always provided me with the best things in life tsaka may hanapbuhay naman ako.😂
Magbasa paWhen it comes sa anak ko, wala naman akong masabi. Mabait naman siya. There are times lang na parang gusto niya sakanya pa nakatabi un anak ko pagtulog at kinukwestiyon pa kapag gusto kong isama dumalaw un anak ko sa bahay ng parents ko 😅 masyado lang syang madaming issue at drama sa buhay. Madalas rin tinotopak tapos bigla nalang magpaparinig or magtatanong ng sarcastic. Sakanila kami nakatira noon then may times na nag aaway sila ng asawa ko un pala ako un problema nya hahaha pwede naman sabihin sakin ng diretso 😂 never ko naman sya dinisrespect kasi mother pa rin sya ng asawa ko pero ngayon bumukod na kami para magkaroon ng peace of mind 😁
Magbasa paYung byenan kong babae may sama ata ng loob sakin ng dahil sa pera. Nung hindi pa kame kasal ng anak nya nakita nya ako sa banko para ipaupdate yung passbook ng momy ko pero diko sya nakita 😂 Tinext na nya ako na ano daw gingwa ko don ang dami na nyang sinasabi against me na sobrang masasakit na salita na pinagmumukha nya akong mukhang pera which is hawak naman nya yung passbook ng anak nya 😂 Magmula non sobrang di na kami okay. Lagi na nya pinapakialaman mga desisyon namin pati sa kasal gusto niya kasalang bayan kami magpakasal ng anak nya 😂 Ngaun buntis ako never niya akong kinakamusta ni hi o hello sa chat wala. 😂
Magbasa paMalakas ang saltik. Ayaw niya saken simula pa lang pero di na siya pumalag nung nagpakasal na kami ng paborito niyang anak. Akala ko okay na kami pero hanggang ngayon, di ko pa rin siya feel. 1st meeting namin with my family, kitang kita na kaartehan at pagiging cold niya, mabunganga at may topak, biglang di na lang namamansin. hmp! Buntis pa naman ako ngaun, sa isip ko.. sumasabay pa siya sa sitwasyon ko.. kung ayaw niya talaga ko edi wag. Hindi ko na naman ipipilit sarili ko s kanya. Huwag lang talaga siya manghimasok sa pagsasama namin ng anak niya.
Magbasa paOk c FIL q lage nyang kinakamusta bb namin ni hubby sa tummy.. At pinaparemind c hubby q na magsipag kasi may pamilya na.. Ok naman din c MIL kaya lang pansin q parang napipilitan nalang xa na tanggapin na buntis aq haha.. Sa hubby q kasi xa umaasa ng abot kada sweldo may kanya talaga.. D pdeng hindi.. Yung asawa din ng kapatid ng hubby q epal parinig ng parinig na wala ng diaper tska panggatas yung bb nya kesho nuon kasi nung d pa aq preggy xa bumibili nun tuwing sahod.. Ngayon NO no na kasi nga preggy aq kelangan namin mag ipon
Magbasa pagrabe naman yun mamsh. pati hipag ng asawa mo sa inyo nakaasa? wala bang trabaho asawa nya?
Mama bear of 1 sunny son