FTM here! SSS Maternity Cash Benefit Concern
Hello mga fellow mommies, FTM po. So first time ko lang din po mapafile ng SSS maternity benefit. ☺️ Ask ko lang po sana sa mga mom na nagwowork sa private companies, kelan nyo po natanggap yung SSS maternity cash benefit nyo? Bago po ba kayo manganak ay nabigay na po ni company? Or after nyo na po manganak? Nabasa ko po na pwede pong iadvance ni employer yung cash benefit even before manganak po. Nakapagsabi na rin po ako sa employer at nag notify na po HR sa SSS pero wala pa pong update. How soon or late nyo po na-receive ito? Para lang po may idea. 😊 Salamat po.

Dpende po sa company. Kasi ako po edd ko nov 1. Sept pa lang nagfile nko sa hr namin. Aadavance nila sss maternity benefits ko. Kaso nung nagfollow up ako sabi ng head ng hr namin need ko dw ng endorsement na possible mapaaga ako manganak like ngaun oct end. Bago nila ibigay sakin ung pera.
hello po ask ko lang po paano po mag apply nyan thru online ba or need ko puntahan yung sss office? d ko kasi gets yung sa online po. salamat po FTM kasi ako kaya wala ako experience paano.
Mostly sa private companies, 2 weeks or 1month before your EDD, binibigay na nila. As long as nkapag comply ka nung requirements. Confirm mo nlang sa HR nyo ksi bka iba policy nila.
Binigay po sa akin ng company bago manganak, I think 2 or 3 months before ako manganak nun binigay na po basta complete requirements po sa HR. :)
Half before manganak, then remaining after manganak. Kahit need nila yung mga docs mo like birth cert ng bata and other hospital records
full amount with salary differential na received ko 30 days before EDD
bago manganak ay binigay na ni company sakin.
Preggers