Mother in law

Taas ang kamay ng may epal na mother in law dito! Pakishare naman ang experience nyo sa kanila pagdating sa pagpapalaki nyo kay LO.

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gabi gabi, walang palya, nagpupunta saamin. Sa kabilang street lang kasi sila nakatira and sa kanila yung bahay na tinitirahan namin pero nagbabayad naman kani ng renta. Halos di ka na makaphinga kasi sa halip n sabayan mo ung tulog ni baby eh sya ang nakikisabay ng tulog sa baby at bonding daw nila yun. Tpos lagi akong hinahanapan ng gatas ko na pinump dahil gusto nya papadedehin ny din anak ko, kahit hindi gutom basta umiyak gusto nya papasakan ng bote, tapos si hubby naman panay bigay ng hilig sa nanay nya. Ang ending kapag kami na lang t tutulog na, iyak ng iyak yung baby kasi kinakabag, panay burp at utot tapos matunog ang tyan. Tapos maya’t maya kung palitan diapers ni baby kahit hindi pa puno, kung makapunas pa ng wipes ang diin diin, lagi pag alis nya namumula na yung pwet ni baby. Pinagsabihan ni hubby once na sayang ang diaper, ang sabi ba naman sa baby “hayaan mo sila marami tayong pambili” eh sa hindi naman kami nakaasa sa pera nya at may sarili naman kaming pambili may trabaho po kami parehas. Tapos alam nya naman na mommy at daddy ang itatawag samin ni baby pero pag dadating sya ssabihin nya s baby “halika na kay mommy”. Pinipilit nya pa kaming sumunod sa mga pamahiin na pg sinisinok ung bata lalagyan ng sinulid na may laway. May Pandemya diba tapos palagay nya papayag akong lawayan nya yung anak ko. At yun pa pala, bago pa kami umuwi galing hospital pag panganak ko, sinabihan na namin sil na pag bibisita sa baby kailangan nakaface mask at nag alcohol, ang nakakainis s matatanda akala nila special sila at hindi mahahawaan ng Sakit. Tlagang hindi sya nagface mask at panay pa halik aa anak ko kahit pa sawayin ko. Palagi na namin pinag aawayan ni hubby pagiging pakelamera ng nanay nya. Ayoko lang pagsalitaan at kumprontahin kasi kahit papano kailangan ko pa rin syang respetuhin

Magbasa pa
4y ago

No, momsh. You need to tell her! Hindi iyan matuto kung pababayaan mo lang. ikaw lang ma sstress. nakakainis din asawa mo imbes siya na kumausap sa nanay niyang pakialamera enabler pa. I hope you find your peace, mommy. :(

Hindi talaga siya nakikinig, buti nalang team kami ng asawa ko. Para akong mamamatay sa stressed nung andito siya sa bahay. Walang peace, sobrang ingay niya, minsan sasadyain niya pa mag-ingay para magising anak ko. Wala kaming privacy at wala pang respeto. Akala mo maka asta parang reyna. Gaga. Gusto pa tumira sa’min after ko manganak kasi matanda na raw siya. Luh kaloka. Nanay ko nga hindi maka trabaho dahil sa sakit niya pero hindi naman ganun makaasta. Gusto niya siya pa yung sineserve sa bahay. Sobrang choosy sa pagkain na akala mo siya nagbabudget ng pera, tapos kinekwenta niya malaki raw na grocery niya sa’min. Wtf? Kami nga nag gogrocery all the time pag andito siya kasi sobrang choosy niya tapos ito kami ngayon NC(No contact). Napaka control freak kasi pag hindi niya lang makuha gusto niya sisiraan ka or pagsasabihan family ko na ganito ganiyan para magalit sila sakin at gawin ko gusto niya. At kay baby naman, walang respeto sa bata. I told her kausapin mo muna bago mo kunin pero kinukuha pa rin kaya ayon umiiyak, naawa nalang ako sa bata. Nagdadrama pa hindi na raw siya kilala ni baby e potangina one week lang kayo hindi nagkita. Ayan tinotoo talaga namin ngayon 4 times niya lang nakita si baby sa loob ng 3 months at hindi na talaga siya kilala ni baby.

Magbasa pa
4y ago

hahahahaha natatawa ako. sana di ganyan MIL ko kapag lumabas na si baby kasi di ko talaga kaya lalo na't may ugali talaga

MIL ko naman sobrang epal din, Konting iyak ng anak ko nakasugod sa kwarto namin bakit daw umiiyak? Malamang gutom tapos karga ko na baby ko sasabihin nya ibaba para sya magkarga, kinukuha pa dati every night ng walang pasabi dinadala sa room nila, one time nga pinapakuha na mga gamit ni baby ko para dun nalang daw sakanila, kumusta yung tunay na nanay diba? naiintindihan ko naman na sabik sila sa apo (unang apo kasi) kaso sana intindihin din nila ako diba? Guidance lang ang kailangan namin pero parang sinasaklaw na lahat parang ginawa nya nanay sarili nya sa anak ko, yung tipong natatanggalan na ko ng karapatan sa anak ko? Pati isusuot sya nag dedecide lahat ng suggestion ko ayaw nya (walang tiwala saken) ultimo binyag pinakekealaman nya, sarap sana sumagot kaso nagpipigil pako dahil nirerespeto ko sya. Minsan pa nga patulog na anak ko sya naman kakantahan nya ng pagkalakas lakas hanggang sa magising anak ko di nya bigyan ng katahimikan yung baby nakakainis! At kahit kakadodo lang sinasayaw nya ng bongga at ako pa sinisi minsan kabagin anak ko (kasalanan daw ng breastmilk ko)

Magbasa pa
3y ago

same tyo , kmusta n po kyo ngyon kmi nkbukod na pero gnun prin MIL ko ,nabbliw nko sa knya

Madami ata tayong may same experience. May dalawa na akong Baby and pa-tatlo tong pagbubuntis ko hanggang ngayon they still having a doubt sa paraan ng pagiging magulang ko.😓 They even questioned me on how I discipline my children. I have this rule kasi sa mga anak ko na "when I say No, No." Ayoko kasi na ma-spoiled sila, na masanay na nakukuha kung ano ang gusto, especially sa toys at luho. Sa pagkaen naman if I see na ok and good for them I always say Yes. Pero yung mga in-laws ko against dun. They always say na kapag gusto ng bata ibigay. Kaya nga daw nagtatrabaho ang anak/kapatid nila to provide our children's wants and needs.😓 Galing kasi sila sa marangyang pamilya and I admit na ako ay hindi.😿

Magbasa pa
4y ago

Ay no momsh! Sila ang mali. Tama ka sa pag-disiplina ng mga anak mo. Madalas talaga mahilig mang-spoiled ang mga grandparents which is very wrong. Lalaki ang batang sunod sa layaw at may tendency pang iba ang attitude!

Ung ipinaparamdam sa'yo na mas may paborito siyang manugang kysa sakin. Ikinukumpara ako sa paboritong manugang na ang taas2 daw ng sahod, pero ung mga un sustentado mula kasal, panga2nak at pati allowance ng Apo nila meron doon. Kami ng Hubby ko kinasal ng Hindi humingi ng tulong, ngpatayo ng bhay. Ngaun 4mos na ako wla ipon dahil sa bahay. Ngsabi aswa ko na wla pa kmi ipon, sagot ng biyanan ko edi mag ipon kayo. Samantalang ung manugang nilang isa Sustentado lahat dahil bunsong kaptid ng Asawa ko ung asawa niya. Mhirap iparamdam sayo na gnun. Savhn pa akong wag daw ako puro Higa. Maglakad2 daw ako 3mos plng akong buntis.🤦

Magbasa pa

Ako nga buntis palang ako gusto na nya ako mag trabaho kahit lockdown at nag early leave ako kc mahirap trabaho sa hotel .. Gusto nya magtrabaho ako kahit buntis ako at ngayun na bago palang ako panganak at nung buntis ako sabi nya na tamad daw ako at hinding hindi nya hahawak ang anak ko . Eh hindi panga nya ako nakkita at nakakasama nag judge agad at yung sinabe nyang hinde nya hahawakan anak ko .. Sabi ko sa anak nya okay hinde yan mawawala sa isip ko hanggang mamatay ako . Hinde ko talaga ipapahawak sa kanya anak ko .. Nsstress nya na ko buntis palang ako at bagong pangaank

Magbasa pa

Wala naman ako reklamo sa MIL pero ung pagiging mahilig niya magkumpara, yun ang ayaw ko.. buti na nga lang at di na niya kinakausap yung pinsan ng asawa ko na isa.. baka kasi if ever may baby na yun, ikumpara pa sa baby ko.. ang siste lang, for some reason lagi siya pabor dun kesa sa asawa ko, yung kasal nga naming civil ikinumpara sa bonggang kasal nun sabi nga ng asawa ko sa MIL ko, nagpakasal nga ng bongga, di naman kanilang pera saka kung umuwi MIL ko para sa kasal na yun tyak magagalit asawa ko kasi nung kasal namin, di siya umuwi eh 🤣

Magbasa pa

Di ko kasundo family ng asawa ko 😅 Bwiset daw kase ako 😂 Pikit mata ko nlng tinatanggap lahat ng sinasabe skn. Alam kase nila high school graduate lang natapos ko. At mas favorite ng MIL ko yung dalawa nyang kapatid. Halos lahat ng gawaing bahay sa asawa ko inaasa sila walang ginagawa kapag trip lang nila 😂 Lagi ko nlng sinasabe sa asawa ko na "Hindi ka nila favorite wag kang mag alala ako sobrang favorite kita" Minsan naawa ako sa asawa ko kase ganun sknya yung mama nya. Masyado masakit magsalita pati mga tita nya at mga sumbungera.

Magbasa pa
4y ago

ganto din sakin ngalang wala akong Problem sa InLaw ko. pero sa mga tita niya at lola niya ang meron grabe sila halos palayasin pa asawa ko nung makasal kami 🙄🙄🙄

Mabait yung MIL ko nung "una". hahahaha. Noong mga panahong wala pa kaming pera at hindi pa sya nakakahawak ng pera. seaman yung asawa ko pero dhil hindi kami kasal sya yung humahawak ng allotment. Tuwing nagpapadala asawa ko, hindi nya agad binibigay yung para samin. pinangbabayad nya muna sa utang. eh ang hirap hirap magbudget kapag kulang yung pera. Sobrang sakit sa ulo. pinagaawayan na namin magasawa yung nanay nya. samantalang noon, halos hindi kami nagaaway ng asawa ko. Ang lalabas parang sya pa sisira sa relasyon namin magasawa.

Magbasa pa

Sobrang pakielamera din ng MIL ko, as in, preggy ako now, Pati ipapangalan ko sa anak ko, wag raw. Pangit raw ng pangalan. Buti nlang tlga bumukod kami ng lip ko. 3 years kmi magksma ngaun lng ako na buntis nung bumukod kami. Stress ksi tlga ako sa nanay nya. Pti kakainin kong ulam nung di pa ako buntis pinakikielaman, ultimo pagligo ko bago matulog. Eto pa matindi, gusto nya "Mama" ang itawag sa knya ng anak ko eh "mama" ang tawag sa akin ng anak ko. Haha baguhin ko raw ang tawag skin ng anak. Wow tlga. Hahahahah may nga ganyan tlgang tao

Magbasa pa
3y ago

same tyo kmusta na po nung bumukod kyo nnhingialam prin ba ? kmi bumukod nga dahil gnyn prng gusto ng angkinn ank ko untik ngyon nskabukod n kmi gnun prin sya . kyo po kmusta na lagay ? super kulit ba at nagtttmpo rin at selosa pag dting sa apo ? takot na takot hnde sya makilala. kaya nkkpgslitabng hnde mganda