Mother in law
Taas ang kamay ng may epal na mother in law dito! Pakishare naman ang experience nyo sa kanila pagdating sa pagpapalaki nyo kay LO.

Gabi gabi, walang palya, nagpupunta saamin. Sa kabilang street lang kasi sila nakatira and sa kanila yung bahay na tinitirahan namin pero nagbabayad naman kani ng renta. Halos di ka na makaphinga kasi sa halip n sabayan mo ung tulog ni baby eh sya ang nakikisabay ng tulog sa baby at bonding daw nila yun. Tpos lagi akong hinahanapan ng gatas ko na pinump dahil gusto nya papadedehin ny din anak ko, kahit hindi gutom basta umiyak gusto nya papasakan ng bote, tapos si hubby naman panay bigay ng hilig sa nanay nya. Ang ending kapag kami na lang t tutulog na, iyak ng iyak yung baby kasi kinakabag, panay burp at utot tapos matunog ang tyan. Tapos maya’t maya kung palitan diapers ni baby kahit hindi pa puno, kung makapunas pa ng wipes ang diin diin, lagi pag alis nya namumula na yung pwet ni baby. Pinagsabihan ni hubby once na sayang ang diaper, ang sabi ba naman sa baby “hayaan mo sila marami tayong pambili” eh sa hindi naman kami nakaasa sa pera nya at may sarili naman kaming pambili may trabaho po kami parehas. Tapos alam nya naman na mommy at daddy ang itatawag samin ni baby pero pag dadating sya ssabihin nya s baby “halika na kay mommy”. Pinipilit nya pa kaming sumunod sa mga pamahiin na pg sinisinok ung bata lalagyan ng sinulid na may laway. May Pandemya diba tapos palagay nya papayag akong lawayan nya yung anak ko. At yun pa pala, bago pa kami umuwi galing hospital pag panganak ko, sinabihan na namin sil na pag bibisita sa baby kailangan nakaface mask at nag alcohol, ang nakakainis s matatanda akala nila special sila at hindi mahahawaan ng Sakit. Tlagang hindi sya nagface mask at panay pa halik aa anak ko kahit pa sawayin ko. Palagi na namin pinag aawayan ni hubby pagiging pakelamera ng nanay nya. Ayoko lang pagsalitaan at kumprontahin kasi kahit papano kailangan ko pa rin syang respetuhin
Magbasa pa
Au contraire.