Long Distance Relationship

Sobrang hirap na nga kapag wala pang anak, eh pag buntis or may anak na? Paano yun?! Kakayanin pa ba yun? Share your stories with us, mommies.

Long Distance Relationship
77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kinaya mommy! Long distance aq sa asawa at anak q since ngdecide ako lumuwas ng Maynila. College Grad ako while ang husband ko college undergrad. dahil malakas ang loob ko, naconvince ko ang husband ko na bumalik siya ng pag aaral hoping makapag apply sya ng managerial o profesional position in the future after niya grumaduate. Nagwork ako dito sa Maynila while sinusuportahan ang pag aaral ng asawa at anak ko. isa akong ARM sa isang kilalang cake store. then almost 2 years after, nagbakasyon silang dalawa dito sakin just to spent the christmas vacation with me. then since 3 months nalng gagraduate na asawa ko, we decided na sundan na ang panganay namin. after christmas vacation, bumalik din sila ng province. mahirap at malungkot. LDR kmi at nagtatrabaho ako habang buntis. yung sasama pakiramdam mo pero ikaw lang ang bahala sa sarili mo dahil di mo sila kasama. unfortunately, naglockdown. dapat month of May plng nakaluwas na sila kaso walang byahe. katapusan pa ng july senwerte makabyahe asawa ko pero naiwan anak namin dahil ayaw ng byanan ko ipasama dahil maraming kaso ng covid dito sa maynila. Masaya na malungkot, kasama ko na asawa ko, pero hindi ang anak namin. Then, to cut it short, nawala 2nd baby namin this sept. ang bigat. pero kinaya dahilsa suporta ng asawa at family ko.. Healing nako ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

Yes. I remember when i was pregnant sa panganay ko (diko makakalimutan 😂) syempre mahirap pa ang buhay namin since we are starting to build our family, wala pa syang exp sa pagtatrabaho and both 19 years old that time. Mahirap pa mag apply kasi need ng exp sa pag aaplyan etc. Nag decide sya na mamasukan sa constructions and kasama nya pa nun tito ko kasi sila gagawa ng bahay kontrata. Then stay in sana sila duon for 1 week. Magka text pa kami nung araw na yun until mag gabi, pero diko alam na otw na pala sya pauwi 😂 wala pang isang araw sila dun, akala ko nagpapahinga na sya since gabi na nun. 😂 Nagulat ako nung nasa bahay na sya. Sabi kopa 'oh? Bat ka umuwi?' parang yung reaction nya pa nahiya na ewan. Tas ayun gumawa na sya ng excuse parabdi ako magtaka. Pero kalaunan inamin nya naman sakin na kaya talaga sya umuwi nun kasi namimiss na daw nya ko agad 🤣😅 HAAHAH. tawa ako ng tawa syempre kinilig din kasi alam mona bago bago palang pabebe moment namin together. 😂 Pero kinabukasan pumasok naman uli sya duon sa pinag gagawan nila kaso ayun namasahe ulit sya kasi from qc to Marikina 🤣 di daw sya mag stay in.

Magbasa pa
VIP Member

Yes. Sobrang hirap but communication is the key. Consistent ang usap thru phone pero dimo parin talaga maiiwasan na magdoubt sakanya. Well, I just pray always na sana hindi niya magagawa yun. Mahirap lalo na ngayon I'm pregnant, hindi madali, nakakainggit yung mga kasama nila si hubby lagi pero parang nasasanay narin akong mag-isa. Sa isip ko nalang lagi, diko siya kasama dahil call of duty, serbisyo muna. Kailangan kayanin at maging strong, di naman namin choice ang maging ldr kundi dahil sa nature ng work niya. Most of the occasions or important events sa buhay namin ni baby I know wala siya, need talaga ng mahabang pang-unawa. Lastly, put God at the center of your relationship. Ipagdasal mo nalang lahat kay God yung mga negative thoughts and worry mo sakanya. Be optimistic at sana pagtibayan pa lalo ni God yung relationship namin sa isa't-isa despite of the distance. Alam ko marami pang pagsubok na darating samin since nasa nag-uumpisa palang kami.

Magbasa pa

Sa part naman namin ng asawa ko. Hindi kami totally LDR, parang LDR lang. Halos magkalapit bahay lang kami pero dahil nga bata pa ako hindi pa kami pwede magsama. That's one of the reason why I feel like we're in a LDR relationship even though buntis ako right now. Another reason was, he's busy through his work at panggabi siya. Halos buong araw akong walang kausap kasi pag sa umaga, tulog siya hanggang bago mag gabi. Kapag oras na ng pasok saka lang magigising. Dahil nga rin sa sobrang pagod at puyat araw-araw kaya gano'n na lang ang set up. Kaya akona flexible ang time kahit na alam ko sa sarili kong inaantok na ako, pinipigilan ko lahat ng antok ko hindi ako matutulog o di kaya naman hanggat kaya kong gumising at mabitin sa pagtulog ayos lang makausap ko lang siya bago siya magpahinga. Malapit sa isa't-isa pero yung pakiramdam parang LDR kahit na ilang kanto lang naman ang layo sa isa't-isa.

Magbasa pa

kami from the start.. LDR na.. since nsa abroad ako nun mgkakilala kmi...kaya once a year lng kmi mgkita pg nauwi ako nun dto s pinas. tumagal un ng 4 yrs and i decided n mg stop n abroad and dto nlng s pinas mgwork until magdecide n din kmi mgsama sya naman ang ngwork s malayo and once a week lng umuwi s amin..ngaun my baby boy n kmi turning 7 months na din at ganun p.din.sistema nmin mula mgbuntis ako at mkapanganak once a week p din ang uwi nia pero nun mg lockdown inabot ng 3months di nkauwi since bagong panganak p ako at cs pa.. nsanay nlng kmi s ganun ang sistema namin.. kahit na my gabi talagang namimiss ko sya ktabi no choice ehh andun ang work nia.. Awa naman ng Diyos ok n ok nmn ang relationship namin khit n mlayo kmi knya.. his doing the best he can pra sa future namin mg iina.. Tiis tiis lng tlaga at tiwala sa isat isa...distansya lng yan..

Magbasa pa

We've been together for a total of 6 years. Sinagot ko sya nandun na sya. OFW sya sa Qatar. So yes buong relationship namin LDR kami.Mahirap lang sya samin sa part na pag magkaaway kami hindi magawang manlambing. Or kapag may times na bad trip sa work at gusto mo ng yakap nya, kaso nasa malayo sya. Pero generally hindi naman. Siguro kasi sanay na kami. Buong pregnancy ko nun wala sya dito. Pinauwi ko lang sya 2 weeks na akong nakapanganak. Wala namang nagiging problema sa mga third party. Minsan bad trip lang pag naglalambing ka gusto mo sya kausap magdamag habang tulog ang bata kaso mas inuuna ung tinamaan ng magaling na Dota. 🤷🏻‍♀️

Magbasa pa
VIP Member

yes.. almost 7yrs n kami ldr n hubby koh nagstart ldr namin mag bf/gf plang kami mahirap na lalo na pag may tampuhan, ngaun magasawa na kami at baby mas mahirap pala.. yung time na buntis ka pero ala cya, nanganak ka ng ala din cya at ngayon na 7mos.na baby namin lageh lang kami video call every breaktym nya, hindi makauwi due to pandemic, pero last uwi naman nya is nung jan.lang.. laban lang kasi yung totoo kung mahirap para saten na naiwan nya dto sa pinas eh mas mahirap sakanya yun na nag iisa dun sa malayong lugar at nag ttrabaho para samen ni baby.. hopefully next yr makauwi na cya pag nawala ang pandemic.. 😊🙏😊

Magbasa pa

last uwi ng asawa ko 3 mnths plng tiyan ko..pag ngpapa check up ako c mama ko or ate ko ung kasama ko..nanganak ako ecs c ate ko kasama ko sa ospital..ako lng din mag isa nag aalaga ky baby buong araw at buong gabi..ung pamangkin ko na 10 yrs old pinagbabantay ko ky baby pag need ko maligo at kumain..ok nmn din..hindi nmn nag kukulang ung asawa ko sa financial needs nmin ni baby and everyday nmn ung chat at video call nmin...nkka pagod man.malaki din ang sakripisyo ng asawa ko na malayo samin .na sa phone nya lng nkikita c baby kc hindi pa xa maka uwi dahil sa pandemic....

Magbasa pa
VIP Member

YES it is at some point. Una, ang iisipin natin kasi ay yung katuwang. Iba parin yung feeling na asawa mo ang kasama mo, kayo ng anak mo. Iba prin yung anjan siya sa tabi mo. Pangalawa ay yung set up na lumalaki yung anak mo na wala si partner na nakakasubaybay nito o ng mga milestone ni bagets. Mapa emotional, mental and physical sakop yan na maaapektuhan. Mahirap talaga. Pero when it is needed naman, we don't have a choice but to be strong enough kasi para naman sa kinabukasan. Na, tiis tiis muna, hanggang sa time na magkakasama na ulit ☺️

Magbasa pa
Super Mum

Yes mahirap kasi para kang single parent. Hindi maiwasan malungkot kapag may nakita kang complete family sa mall or sa tv, then malukungkot ka rin kapag meron milestone si baby na hindi nakita ng daddy nya at kinikwento mo nlng sa video call, kasama pa jan yung magkasakit anak mo pero ikaw lang andon. Umalis daddy nya nung 2 months pa lang si baby then umuwi sya 10 months na. Nasa airport kame sinundo si daddy nya, iyak ng iyak anak ko nung kinarga ng daddy. Kaya be thankful tlaga kapag magkasama kayo as a family.

Magbasa pa