Long Distance Relationship

Sobrang hirap na nga kapag wala pang anak, eh pag buntis or may anak na? Paano yun?! Kakayanin pa ba yun? Share your stories with us, mommies.

Long Distance Relationship
77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kinaya mommy! Long distance aq sa asawa at anak q since ngdecide ako lumuwas ng Maynila. College Grad ako while ang husband ko college undergrad. dahil malakas ang loob ko, naconvince ko ang husband ko na bumalik siya ng pag aaral hoping makapag apply sya ng managerial o profesional position in the future after niya grumaduate. Nagwork ako dito sa Maynila while sinusuportahan ang pag aaral ng asawa at anak ko. isa akong ARM sa isang kilalang cake store. then almost 2 years after, nagbakasyon silang dalawa dito sakin just to spent the christmas vacation with me. then since 3 months nalng gagraduate na asawa ko, we decided na sundan na ang panganay namin. after christmas vacation, bumalik din sila ng province. mahirap at malungkot. LDR kmi at nagtatrabaho ako habang buntis. yung sasama pakiramdam mo pero ikaw lang ang bahala sa sarili mo dahil di mo sila kasama. unfortunately, naglockdown. dapat month of May plng nakaluwas na sila kaso walang byahe. katapusan pa ng july senwerte makabyahe asawa ko pero naiwan anak namin dahil ayaw ng byanan ko ipasama dahil maraming kaso ng covid dito sa maynila. Masaya na malungkot, kasama ko na asawa ko, pero hindi ang anak namin. Then, to cut it short, nawala 2nd baby namin this sept. ang bigat. pero kinaya dahilsa suporta ng asawa at family ko.. Healing nako ngayon.

Magbasa pa