Long Distance Relationship
Sobrang hirap na nga kapag wala pang anak, eh pag buntis or may anak na? Paano yun?! Kakayanin pa ba yun? Share your stories with us, mommies.


Yes. Sobrang hirap but communication is the key. Consistent ang usap thru phone pero dimo parin talaga maiiwasan na magdoubt sakanya. Well, I just pray always na sana hindi niya magagawa yun. Mahirap lalo na ngayon I'm pregnant, hindi madali, nakakainggit yung mga kasama nila si hubby lagi pero parang nasasanay narin akong mag-isa. Sa isip ko nalang lagi, diko siya kasama dahil call of duty, serbisyo muna. Kailangan kayanin at maging strong, di naman namin choice ang maging ldr kundi dahil sa nature ng work niya. Most of the occasions or important events sa buhay namin ni baby I know wala siya, need talaga ng mahabang pang-unawa. Lastly, put God at the center of your relationship. Ipagdasal mo nalang lahat kay God yung mga negative thoughts and worry mo sakanya. Be optimistic at sana pagtibayan pa lalo ni God yung relationship namin sa isa't-isa despite of the distance. Alam ko marami pang pagsubok na darating samin since nasa nag-uumpisa palang kami.
Magbasa pa