Long Distance Relationship
Sobrang hirap na nga kapag wala pang anak, eh pag buntis or may anak na? Paano yun?! Kakayanin pa ba yun? Share your stories with us, mommies.


Sa part naman namin ng asawa ko. Hindi kami totally LDR, parang LDR lang. Halos magkalapit bahay lang kami pero dahil nga bata pa ako hindi pa kami pwede magsama. That's one of the reason why I feel like we're in a LDR relationship even though buntis ako right now. Another reason was, he's busy through his work at panggabi siya. Halos buong araw akong walang kausap kasi pag sa umaga, tulog siya hanggang bago mag gabi. Kapag oras na ng pasok saka lang magigising. Dahil nga rin sa sobrang pagod at puyat araw-araw kaya gano'n na lang ang set up. Kaya akona flexible ang time kahit na alam ko sa sarili kong inaantok na ako, pinipigilan ko lahat ng antok ko hindi ako matutulog o di kaya naman hanggat kaya kong gumising at mabitin sa pagtulog ayos lang makausap ko lang siya bago siya magpahinga. Malapit sa isa't-isa pero yung pakiramdam parang LDR kahit na ilang kanto lang naman ang layo sa isa't-isa.
Magbasa pa