Walang kwentang ina
2 yrs old Boy 4 months girl Sorry mga mommy... Sobrang stressed na kase ako πππ May kaibigan ako pero ni isa wala manlang akong makausap sa kanila. D ko alam kung kanino ko pwede ilabas lahat ng gusto kong sabihin π Pwede nyo po akong husgahan but pls! Baka naman po pwede husgahan nyo na lang ako sa isip nyo π ano po kaya dapat kong gawin? Galit na galit na ko sa sarili ko π Kung bakit nagkakaganto ako! Kung bakit kase ang hina ng pang intindi ko. Bakit kase napaka iksi ng pasensya ko! Kanina lang Halos mapatay ko na anak kong lalake π Madaling araw na kase di pa sya natutulog at sumisigaw, naglalaro at palaging hinaharot kapatid nya. nagrereklamo na mga kapitbahay namin at yung bunso ko na babae gustong gusto na matulog, dahil di makatulog bunso ko nagwawala sya. Sobrang ingay ng bahay! Yung mister ko Madaling araw ang pasok ngayon. Paiba iba sya ng schedule ng pasok pero madalas uwi nya 12 midnight na, palagi syang inaantay ng panganay ko kaya nasanay siguro sya na gising pa din sa madaling araw. Kanina nada banyo ako, pinaglalaruan nya switch ng ilaw sa banyo, sinaway ko sya. Pag labas ko bigla syang sumigaw, nagulat yung bunso ko at iyak ng iyak. Binuhat ko bunso ko at sinabihan ung panganay ko na humiga na. Pero naka titig lang sya, sumigaw ako, sabe ko matulog ka na! Wag mo na antayin papa mo dahil bukas pa yun uuwi. Tapos sinigawan lang ako. Dahil dun siguro sa pagsigaw nya natrigger ako. Pinagbabato ko sya ng Wipes, ng laruan nya, ng bote at ng teddy bear. Sabe ko humiga na sya pero umiiyak lang at ayaw pa din humiga. Lumapit ako sa kanya sinabunutan ko πππ Pinag sasampal ko, hinahampas ko ung kamay at paa, sinisipa ko, nginungudngod ko ung ulo sa sahig πππππ Oh diba?? Napaka walang kwenta ko diba?? Di lang ngayon nangyare yan, pati mga nakaraan. Nakita ko pagbabago mg ugali nya mula nung dun sya nag stay sa byenan ko. Sobrang sweet nya na bata at matalino. Pag gising nya libro palagi hawak nya kahit andyan lang mga laruan nya. Pero ngayon lahat ng tinuro ko nakalimutan na nya, sinisigaean na nya ko palagi, hinahampas na din ako bigla at d na sya marunong mag sorry. Dahil din sa pagbabago ng ugali ng anak ko kaya napapalo ko na sya ng grabe! πππ Hanggang ngayon nanginginig mga kamay ko. Awang awa na ko sa anak ko pero di ko mapigilan kamay ko sa pagpalo π Sabe nya sakin "Tama na! Tama na!" Habang umiiyak. Napaka brutal ko πππ Pagod na pagod na ko sa totoo lang. pagod na kong saktan anak ko. Kaya palagi kong iniisip na Magpakamatay na lang kaya ako? Kesa naman kamuhian ako ng anak ko dahil palagi ko syang sinasaktan π O di kaya lumayas na lang ako! Baka mas maging masaya pa anak ko.. Natatakot akong ma trauma sya sa pinag gagawa ko, pero nakakainis kase bakit di ko mapigilan? Sumasabog ako palagi sa galit π Pagod na kong umiyak at mag sorry sa kanya tapos uulitin ko din naman π Di naman ako ganto dati. Kapatid ko kahit may ADHD at sobrang kulit di ko naman sinasaktan. Kaya inis na inis talaga ako sa sarili ko. Di ko alam gagawin ko. πππ Pagod na ko sa gawaing bahay at mag alaga ng dalawang bata ng sabay sabay na ako lang mag isa. Di ko masabi sa asawa ko dahil ayoko na madagdagan mga gawain nya, d ko masabi sa magulang ko dahil nahihiya ako sa pinag gagawa ko sa mga anak ko. Natatakot ako na dumating yung araw na di kami magkasundo ng anak ko pag lumaki na sya. Yun na siguro ang pinaka masakit na part para sakin. Ang iignore nya ko,, masakit na para sakin yun. Natatakot ako na magsisi sya kung bakit ako pa naging nanay nya, natatakot ako na di na nya ko mahalin π Natatakot ako na mangyari ang mga bagay na yun kase ganun din yung mga nararamdaman kong galit dati sa Nanay ko, natatakot ako na yun din yung galit na maramdaman sakin ng anak ko habang lumalaki sya. Hanggang ngayon masakit pa din ang dibdib ko. Ayokong mag stay ung mga panget na memories na yun sa anak ko, ayokong matakot sya sakin πππ Jusko!! Sobrang depressed na ko πππππ