Walang kwentang ina

2 yrs old Boy 4 months girl Sorry mga mommy... Sobrang stressed na kase ako 😭😭😭 May kaibigan ako pero ni isa wala manlang akong makausap sa kanila. D ko alam kung kanino ko pwede ilabas lahat ng gusto kong sabihin 😭 Pwede nyo po akong husgahan but pls! Baka naman po pwede husgahan nyo na lang ako sa isip nyo 😭 ano po kaya dapat kong gawin? Galit na galit na ko sa sarili ko 😭 Kung bakit nagkakaganto ako! Kung bakit kase ang hina ng pang intindi ko. Bakit kase napaka iksi ng pasensya ko! Kanina lang Halos mapatay ko na anak kong lalake 😭 Madaling araw na kase di pa sya natutulog at sumisigaw, naglalaro at palaging hinaharot kapatid nya. nagrereklamo na mga kapitbahay namin at yung bunso ko na babae gustong gusto na matulog, dahil di makatulog bunso ko nagwawala sya. Sobrang ingay ng bahay! Yung mister ko Madaling araw ang pasok ngayon. Paiba iba sya ng schedule ng pasok pero madalas uwi nya 12 midnight na, palagi syang inaantay ng panganay ko kaya nasanay siguro sya na gising pa din sa madaling araw. Kanina nada banyo ako, pinaglalaruan nya switch ng ilaw sa banyo, sinaway ko sya. Pag labas ko bigla syang sumigaw, nagulat yung bunso ko at iyak ng iyak. Binuhat ko bunso ko at sinabihan ung panganay ko na humiga na. Pero naka titig lang sya, sumigaw ako, sabe ko matulog ka na! Wag mo na antayin papa mo dahil bukas pa yun uuwi. Tapos sinigawan lang ako. Dahil dun siguro sa pagsigaw nya natrigger ako. Pinagbabato ko sya ng Wipes, ng laruan nya, ng bote at ng teddy bear. Sabe ko humiga na sya pero umiiyak lang at ayaw pa din humiga. Lumapit ako sa kanya sinabunutan ko 😭😭😭 Pinag sasampal ko, hinahampas ko ung kamay at paa, sinisipa ko, nginungudngod ko ung ulo sa sahig 😭😭😭😭😭 Oh diba?? Napaka walang kwenta ko diba?? Di lang ngayon nangyare yan, pati mga nakaraan. Nakita ko pagbabago mg ugali nya mula nung dun sya nag stay sa byenan ko. Sobrang sweet nya na bata at matalino. Pag gising nya libro palagi hawak nya kahit andyan lang mga laruan nya. Pero ngayon lahat ng tinuro ko nakalimutan na nya, sinisigaean na nya ko palagi, hinahampas na din ako bigla at d na sya marunong mag sorry. Dahil din sa pagbabago ng ugali ng anak ko kaya napapalo ko na sya ng grabe! 😭😭😭 Hanggang ngayon nanginginig mga kamay ko. Awang awa na ko sa anak ko pero di ko mapigilan kamay ko sa pagpalo 😭 Sabe nya sakin "Tama na! Tama na!" Habang umiiyak. Napaka brutal ko 😭😭😭 Pagod na pagod na ko sa totoo lang. pagod na kong saktan anak ko. Kaya palagi kong iniisip na Magpakamatay na lang kaya ako? Kesa naman kamuhian ako ng anak ko dahil palagi ko syang sinasaktan 😭 O di kaya lumayas na lang ako! Baka mas maging masaya pa anak ko.. Natatakot akong ma trauma sya sa pinag gagawa ko, pero nakakainis kase bakit di ko mapigilan? Sumasabog ako palagi sa galit 😭 Pagod na kong umiyak at mag sorry sa kanya tapos uulitin ko din naman 😭 Di naman ako ganto dati. Kapatid ko kahit may ADHD at sobrang kulit di ko naman sinasaktan. Kaya inis na inis talaga ako sa sarili ko. Di ko alam gagawin ko. 😭😭😭 Pagod na ko sa gawaing bahay at mag alaga ng dalawang bata ng sabay sabay na ako lang mag isa. Di ko masabi sa asawa ko dahil ayoko na madagdagan mga gawain nya, d ko masabi sa magulang ko dahil nahihiya ako sa pinag gagawa ko sa mga anak ko. Natatakot ako na dumating yung araw na di kami magkasundo ng anak ko pag lumaki na sya. Yun na siguro ang pinaka masakit na part para sakin. Ang iignore nya ko,, masakit na para sakin yun. Natatakot ako na magsisi sya kung bakit ako pa naging nanay nya, natatakot ako na di na nya ko mahalin 😭 Natatakot ako na mangyari ang mga bagay na yun kase ganun din yung mga nararamdaman kong galit dati sa Nanay ko, natatakot ako na yun din yung galit na maramdaman sakin ng anak ko habang lumalaki sya. Hanggang ngayon masakit pa din ang dibdib ko. Ayokong mag stay ung mga panget na memories na yun sa anak ko, ayokong matakot sya sakin 😭😭😭 Jusko!! Sobrang depressed na ko 😭😭😭😭😭

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pls don't do it sis. Sumigaw ka ng malakas, huminga ka ng malalim, murahin mo mister mo (Wala Naman siya). Baka makagawa ka ng bagay na hindi mo na maibabalik pa na pagsisisihan mo ng habang buhay. Alam mo sis yung panganay mo eh maliit pa kaya kailangan pa Niya ng atensyon mo na Hindi mo na nga mabibigay dahil may Isa kang maliit. Frustrated din siya tulad mo. Pero dahil ikaw ang nanay, ikaw ang kailangang mag-adjust. Bakit hindi mo tawagan ang nanay mo oh ang kapatid mo, Hindi ka nika mapupuntahan pero for sure eh may maipapayo sila sayo. Huwag mo na gagawin yan pls... Maawa ka.

Magbasa pa

Wag ka maooffend sa sasabihin ko ah? Dapat kasi talaga may family planning eh, medyo malayo layo ang agwat ng edad dapat para yung isa medyo nakakaintindi na. Para di nangyayari yung ganyan na nasasaktan mo sila o isa sa kanila kasi stressed ka sa pag aalaga sa dalawang bata. Nature ng toddler ang pangungulit eh, di mo maaalis sa kanila yan. Seek help, umamin ka sa asawa mo sa nagawa mo para matulungan ka. Baka need nyo mag hire ng kasama sa bahay para kahit papaano mabawasan ang load mo. Hindi solusyon ang saktan at sigawan ang bata kasi mas lalo lang titigas ang ulo nila.

Magbasa pa
VIP Member

Meron po akong mga cousin na girls. Ang kukulit nila and nowadays parang hindi na nakikinig pag pinapagalitan, dahil na rin siguro sa pag didisiplina sa kanila ng mga mom nila nung mga 2 years old pa lang kasi sila, grabe na maka sigaw yung mom nila at napapagbuhatan talaga ng kamay yung mga kids. Usually kasi sabi ng mom ko, hindi pwedeng pag buhatan ng kamay yung kids habang hindi pa nila naintindihan kung anong nagawa nilang Mali. Kasi instead na makinig yung bata, mas sumusobra pa yung attitude nila dahil sa ganung treatment.

Magbasa pa

napapalo ko din ung anak ko nung mga nakaraan sa sobrang pagod at inis, kaya mo yan mommy! mapipigilan naman yan ang ginagawa ko nag ttime out ako pag sobrang naiinis ako or nagagalit, uminom ka ng tubig manuod ka sa cp or sa tv pakalmahin mo lang ung sarili mo tsaka mo sya kausapin pag mahinahon kana. wag mag isip ng mga bad thoughts, positive lang isipin mo kung gano ka cute mga anak mo, be gentle pag naiinis ka, minsan pag sobrang kulit ng panganay ko kinikiss ko lang ung inis ko sa kanya nanggigil kana nawala pa ung inis mo

Magbasa pa
5y ago

bawas sugary foods at chocolate mommy! hanap kayo ng magagawa nyo na activity para mabawasan energy nya

VIP Member

pray ka lang po mommy! nasa stage ka po ng post partum!better po mag open ka po sa family mo,kahit sa asawa mo wala nman po mawawala kailangan mo po ng help ni hubby para sa pagpapalaki nyo sa mga anak nyo.minsan kailangan mo rin mg open sa asawa mo po ng nangyayari sa inyo ng mga anak simpleng kwentuhan lang kapag andyan si hubby marerelax din po ang isipin nyo sa mga ganung simpleng bagay!be strong po mommy,keep fighting!

Magbasa pa

You are right he might one day grow up hating you, pero a child is a child pwede mo pang baguhin ang perspective niya sayo, huwag mo nang papuntahin sa biyenan mo kung sa tingin mo may pagbabago sa attitude niya. Turuan mo ulit, kausapin mo lagi, hug him and tell your child that you love him. Baguhin mo ang ugali mo sa kanya. If you need help, kausapin mo mister mo hindi pwedeng sinosolo ang problema ng pamilya.

Magbasa pa

Postpartum yan mamsh. Siguro, naisip nya na wala kanang time sakanya. Try mo syang kalaruin minsan. tapos kausapin mo. kumbaga, mag bonding kayo habang inaalagan mo si Baby Girl. kausapin mo na, isa na syang kuya. Siguro, nag seselos kasi bata pa. Saka, pag iwasan mo muna sya sa gadgets minsan kasi sa napapanood din nya yan.. kahit may inaalagan kang Baby, pwede mo padin syang gawing Baby kahit Big Boy na..

Magbasa pa

Hugs mommy, nakakagalit man yung ginawa mo pero please find a way to make yourself calm sa ganyang situation. Try to make time kay panganay mo kasi baka nafefeel nya na may kahati sya sa attention mo. Don't ever make them feel na may mas lamang sa attention and love mo. Please mag open up ka na kay partner and parents mo dahil sa ganitong sitwasyo sila lang makakatulong sayo. Maiintindihan ka nila.

Magbasa pa

Please don't hurt him. He's 2 YEARS OLD. He has all the energy and you don't. A child is a child. Ikaw ang mag adjust. Wag mo intindihin kapitbahay mo. Hindi ba sila dumaan sa pagkabata or nag alaga ng bata? Wala silang pakielam. Wag mo na sasaktan anak mo. Maaapektuhan development nya. Mag sorry ka sa kanya at iparamdam mo na mahal mo sya. What you did is already violence and abuse.

Magbasa pa
5y ago

From what I understand, She knows what she did is wrong and already afraid of the consequences thats why she's asking for help. Sabi nga niya husgahan mo siya sa isip mo, meaning she doesnt need you to rub it in that what she's doing is violence and abuse. She might probably be suffering from PPD and she needs help. Yung sa kapitbahay, sometimes we have to be sensitive also, napaka selfish rin kung iintindihin mo lang sarili mo at dahil sa may anak ka pwede ng mamerwisyo ng ibang tao. People doesnt need to be inconvenienced because of your child.

Nakakaiyak po ang story nyo.. Ako po pag nasstress na ako sa anak ko dahil sa sobrang iyak or gulo, nilalagay ko po muna sya sa crib maski umiyak sya. Kailangan nyo irest utak nyo maski 5 minutes lang pag pakiramdam nyo na masasaktan nyo na anak nyo. Kawawa po si baby. Baka po mapilay o mag kainjury sa knila mas mahirap po yun..Hwag nyo po saktan sa ulo ang anak nyo.

Magbasa pa