Single Mom

Sino single mom dito while pregnant?

95 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im on my 20th week ng pregnancy nung naging single mom ako. Reason di nya sinbing may gf na pala sya for almost a year and naging kami din. Nalaman ko nalang nung may nagsabi din sakin na kilala ang gf nya. Mas pinili nya ang gf nya kaysa samin ng baby nya. Dumating pa sa point na itinanggi nya na baby nya to sa family nya and sa gf nya. For me as a soon to be mother masakit kasi sarili nyang anak tinanggi nya. Dun ko napagdesisyunan na lumayo na sa kanya at d na kami magparamdam. Walang chat walang call or txt. Then ngayong 2 weeks nalang bago ang due ko nagparamdam sya gusto nya ko samahan sa mga check up ko, gamitin din surname nya, magsusustento din naman daw sya pero hindi sa ngayon dahil wala pa din daw syang work. Sa halos 8months na pagbubuntis ko di ako humingi ng kahit magkano sa kanya. Ngayon sila parin ng gf nya. And still tinatanggi parin nya na baby nya to. Ang gf nya alam na buntis din ako and alam na sa bf nya tong dinadala ko. Napag desisyunan ko tamana d ko sya pagbibigyan sa gusto nyang mangyari na makita anak nya, gamitin surname nya at sustentuhan sya, dahil kaya ko naman mabuhay at ni baby kahit walang tulong nya. 😔 Masakit, stressful promise. Kaya saludo ako sa mg single mom.

Magbasa pa
3y ago

May experience din po akong ganyan pinagpalit din kami ng baby ko sa bago nyang gf. Although sinabi ko sa family nya na may babae sya sa work pero parang wala lang sa kanila na ganun ginagawa ng anak nila so i decided na lumayo din dahil hindi deserve ng anak ko yung tatay na katulad nya

VIP Member

Ako cguro Oo magiging single mom na ako. 10 weeks pregger today. nag usap kami ng taty ng baby(nung nalaman ko na buntis ako) sabi nya babalik sya after this pandemic(before mag ecq naka alis na sya ng bansa 1 week before nalaman ko na buntis ako), di nya daw kami e ggave up ni baby hntayin ko lang daw sya peru mag dalawang buwan na wala syang paramdam. I dont know, nasanay na ako na wala sya kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko dhil dito ako now manila parents ko nasa province. gusto na nla na umuwi ako kc kawawa kami ng baby dito,wala akung malapitan na kamag anak at masilan pa tlga ako ngayon 1st baby ko to. kung babalikan nya kami, ok ipapakita ko yung baby nmin peru kung hndi na, di ko ipipilit. nasasaktan ako pag naiisip ko yun peru di ako nagpapadala sa sakit minsan pag di ko na kaya yan bibigay na iniiyak ko.Prqy nalang ako kailangan ko magpakatatag para sa baby ko. 😊

Magbasa pa

Di ko po naranasan to pero ansakit makabasa ng mga ganto. Pero parang mas malala sakin eh. Sobrang pagmamahal ng ex ko sa baby namin, di na nya ko pinapansin. Naging cold na sya simula nabuntis ako, anak na lang namin ung priority nya. Parang nakikisama na lang sya sakin dahil ako nanay ng anak nya. Ending naghiwalay din kami at kinuha nya ung anak ko. Ilang beses ako nagsuicide dahil ako nag alaga sa anak namin, lagi syang wala. Ako nagaalaga magisa sa baby namin. breastfed un ng 1year. sobrang lapit sakin ng anak ko kaya sobrang sakit din nung kunin nya.. Nasa ibang bansa na sila kaya di ko na mabawi. Maganda naman buhay nya dun, nakakausap ko padin. Pero di na ako nagpalaki. Malayo na ang loob sakin. 8yrs old na sya ngayon. Ngayon di ko alam kung magaanak pa ba ko ulit, trauma na ko sa nangyari. 5years nadin nung naghiwalay kami.

Magbasa pa
2y ago

College kami, papalayasin daw sya ng mga tiyahin nya kapag nalaman na nakabuntis sya at yun nagpapaaral sakanya. Wala na kasi syang magulang. Buong pagbubuntis ko pangit trato nya sakin at di ako pinupuntahan hanggang sa nakipag break sya kasi gusto ko lang naman na bisitahin nya ako.

On the way. I just don't know kung oa lang ba ko or part to ng post partum pero nakakainis na kasi yung paulit ulit na lang yung palaging pinag-aawayan. Been living in with my partner for a year now, ever since nabuntis ako naglive in na kami. Walang napalampas na inuman at gatherings yun ng mga tropa niya. Pinagbigyan ko nung buntis ako kesyo kapag daw lumabas na yung anak niya mababago na lifestyle niya. Isang buwan na anak namin ganun pa rin, mas lumala pa. Triggered talaga ko nitong holiday season eh, busy raw sa tindahan kaya hindi kami mabisita ng anak niya (dun kasi kami nagstay ng baby ko sa mama ko for a week after ko manganak para may gabay ako sa pag-aalaga kay lo) pero nakapagdota ang walangya.

Magbasa pa

Me. Im 30weeks. Tinanggi nya si baby nung umpisa hanganh nakausap sya ng mother ko with his sister and napagusapan na sustento kay baby. He wants his last name so its ok for me kase may sustento naman. Pauwi na sya this month sa pinas from guam. Cos due date ko na next month or nexnext. I ask some individuals why ang aga umuwi. They said that my ex told them na gusto daw nya ako samahan manganak and i was like "for what? Di ba tinatanggi naman nya si baby? Pwede naman sya umuwi pag pipirmahan na ung papers ng birthcert" so i have no idea if mabubuo pa ba kame or what. Pero ayoko mag expect isa pa may babae na sya sa guam. So baka pagpalit na din kame ng bby nya dun. :)

Magbasa pa

Hands up...mas mahirap s akin kasi 1yr na kmi pro dis dec.9 k lng nalaman na may asawa at anak cya,kala ko nga joke e pro nong nkausp k na ung aswa nya don na gumuho mundo ko, still communication kmi pro parati kmi ngaaway to d point na sinasabi nya na d nya anak tung dinadala ko, di ako mghahabol s knya ksi ayw k din makasira nang pamilya. Sana gabayan ako ni GOd taung lahat mga moms..ngmahl tayo sa mga maling lalaki at sana sana kung mayrun pang darating s buhay natin sana ung tanggp yung mga anak natin..love love mga moms.. 😘😘😘

Magbasa pa
5y ago

Relate much sis😊

Me. Tinatanggi nya si baby. Hindi daw kanya tong bata. And lagi nya sinasabi "iyong iyo na yang anak mo. Hanapan mo yan ng bagong tatay." He wants me to chase him kasi sya daw ang tatay dapat ako daw ang mag habol. And lagi sya may consequences bago sya mag sustento sa bata. So I decided na solohin si baby. Pinutol ko communication ko sa kanya. Dagdag lang sya sa stress ko nung 1st trimester ko. Now I'm 33 weeks pregnant. Ready to meet my baby boy. 🥰🤱

Magbasa pa

Going there. 3 years na po kame pero lagi kaming nag hihiwalay kase mas babae pa ugali niya sakin. Tapos nung nabuntis ako, nag dodoubt siyang skanya. Manloloko kase siya kaya natatakot siyang baka lokohin ko siya. Sinasamahan niya naman aako sa check ups at handa daw siyang panindigan si baby. Pero kame hiwalay na daw. Pero minsan bigla nalang siyang magtetext ng iloveyou. Tapos di ulit mag paparamdam. I feel like im fighting alone. And patungo nga po ata ako sa single mom.

Magbasa pa
3y ago

im single mom din actually 2 na anak namin yung pangalawa e pinagbubuntis ko ngayun pero sad to say na kung kelan naging 2 na anak namin tska naman nya to tinanggi at di pinanagutan im just 20nyrs old at at yung isang anak namin e nasakanya di ko kaya kunin kasi nga buntis nanaman ako at need ko mag work para mabawi anak ko lalo dalawa na sila di naman ako nanghingi sustento pero yung apilyido sana e pumirma sya pero ayaw nya sa ibang lalaki daw to diba gago talaga kaya napag disisyunan ko na putulin nalang comunication at sa anak ko nalang ako focus at career ko after ko manganak mahirap pero kinakaya saludo ako sa mga single mom na tulad ko na kinakaya ang araw araw and eventually meron na sya kinakasama ngayun good luck nalang sakanila😂🤣😅

me.. 😊 nag hiwalay kami ng tatay ng anak ko 3months plang tyan ko nw 8 na.. exited na ako lumabas sya.. kahit wala syang tatay ok lng atlst masaya ako na magiging mommy na ako.. di ko pinag sisihan kasi ito ung hiling ko sa itaas kahit anak lang masaya na ako.. maging strong lng tau mga mommy para sa baby natin.. mas matibay taung mga single mother.. 💪💪💪

Magbasa pa

Me 🙋‍♀ super love ko parin ung daddy ng baby ko pero no choice ako at putulin na connection ko sa kanya kc may asawa at anak na sya.. Masakit man pero kailangan para nlng din sa baby ko wala man ako sustento na makukuha sa daddy ng baby ko ok lng papatunayan kong kaya kong buhayin ung baby ko kht single mom ako.. 36 weeks and looking forward to seeing my little princess

Magbasa pa
5y ago

akala ko ako lng may sitwasyon na ganyan ... kaya ntin to mga sis ...laban lng 😊😊