single mom

Pano nyo, nalampasan ang criticism as single mom? Thanks

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di pa kami kasal ng partner ko. Dito samin, di ako palalabas kaya di nila alam na me jowa ako. Lage LDR kami ng partner ko dahil sa work nya tsaka lumipat kami ng tirahan sa ngayon. Kaya pag nauwi siya, dun kami sa mismong hometown namin nauwi. Kaya laking gulat ng mga kapitbahay namin na biglang lumaki tyan ko 😂 kahit di ko kinakausap nuon, nagtatanung sa magulang. Eh napipikon na parents ko kakasagot sa kanila na me jowa ako di pa nga lang kami kasal. Meron pa dito sa harap namin nagpaparinig. Hiyang hiya ako sa 3 nyang anak puro panganay. Pero pag naririnig ko pinagsasabi nila, natatawa nalang ako na parang naaawa kasi dami nilang kuda ni walang alam sa tatay ng anak ko. Kaya hinahayaan ko na lang sila. Let them see do the talking. Hanggat wala kang inaapakan, magpatuloy ka lang. Lalo na ngayon me nagdedepende na sating bata. Ipakita mo na strong ka, para maging strong din anak mo.

Magbasa pa
4y ago

True momsh wala din naman sila maitutulong sayo kundi chismiss lang

Ako naging single mom ako almost 5 yrs. Dahil sa walang kwentang lalaki at walang paninindigan. Andon sa point na may mga chismosa na nagsasabing kabit daw ako, at kung anu ano pang masasakit na salita but di ko ininda. Sa una nakakaiyak, kase simula ng mag umpisa ko magbuntis hiwalay na kami pero kinaya ko lagpasan sa tulong ng pamilya at magulang ko.. Diko na ininda yung mga sinasabi nila sakin. Patuloy lang ang buhay. Maging masaya. Hanggang sa ako mag isa nagtaguyod sa anak ko, at ngayon im 8 months preggy and nahanap ko na yung lalaki na tanggap ako at tanggap ang anak ko.. ❣️

Magbasa pa

Wala saken single mom ako for 6yrs. Parang nung magstart kase ako mging single mom, ung buhay ko umikot sa work, pguwi saka mgkkron ng time mgalaga sa anak, mgrest din syempre at mgisip ng mga ways para m suportahan ko ng maayos ung 2 kids ko. I am too busy that time para pansinin pa ung ssbhin ng iba. saka mindset ko rin is wla silang alam sa hirap ko as single mom kaya wla rin sila halaga sa life ko. pero God has plans for me kase binigyan nia ako ng mkakatuwang. Just got married last March po and now preggy ng 3mos 😍

Magbasa pa
4y ago

Glad to know you find hapiness momsh. Congrats

Learn the art of deadma mamsh. Wag mo hayaan makaapekto sayo mga comments nila dahil iba iba naman tayo ng backstory kung bakit tayo humantong sa ganyan. Ang importante ay yung baby natin at dun tayo magfocus. Ipakita nyo na kahit single mom ka Kaya mong itaguyod ang anak mo at masaya kayo. Queber lang sa mga chismosang insekyora. Jeske 2020 na, minsan choice din ang pagiging single mom. Basta Kung feeling mo hindi mo deserve matali sa partner na irresponsible, immature, at walang goal sa buhay, wag ka papatali.

Magbasa pa
4y ago

Thanks momsh

VIP Member

Deadma lang.. The more na happy ka sa pinili mo, lalo silang maiingit sayo.. Naging single mom din ako before.. And i never regret my decision na iwan amg tatay ng unang anak ko.. pag positive ang outlook mo sa life.. Positive lang din mangyayare sayo.. Now im 2 years married sa husband ko.. 8 months pregnant.. Wag mong hayaan sirain ng ibang tao yung satili mo.. Cheer up! May anak ka.. Gawin mo syang inspiration sa lahat..

Magbasa pa
VIP Member

Single parent rin ako, and wala ako paki sa sasabihin ng iba. Kasi focus ko baby ko, mas magiging kawawa baby ko if kami parin nung tatay niya na palagi naman nag aaway tortured physical emotional and mental. Kaya laban parin. ❤

Show them na kahit single mom ka you can raise your child well. Kapag nakita nila Yun no need n magexplain p sa kanila. They will change their mind. Sa ngayon practice the art of deadma. Hindi naman sila ang magpapagatas sa baby mo

Walang pake. haha, learn not to listen and stay focus kiber sa mga sinasabi ng ibang tao. As long as your doing your role yaan mo sila. It might be easy to say pero trust me its easier to do. :) Stay safe!

Single mother din ako at so far wala pa naman ako naririning na iba dahil makakatikim sila sa akin.😂 joke! Wala ako paki alam sabi nga dedma lang.

VIP Member

Gusto mo gumanti ,WAG KA DAPAT APEKTADO SA SASABIHIN NILA MAIINIS PA YAN PAG LAGI KA MASAYA AT HINDI SILA PINAPATULAN.