Single Mom

Sino single mom dito while pregnant?

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Im on my 20th week ng pregnancy nung naging single mom ako. Reason di nya sinbing may gf na pala sya for almost a year and naging kami din. Nalaman ko nalang nung may nagsabi din sakin na kilala ang gf nya. Mas pinili nya ang gf nya kaysa samin ng baby nya. Dumating pa sa point na itinanggi nya na baby nya to sa family nya and sa gf nya. For me as a soon to be mother masakit kasi sarili nyang anak tinanggi nya. Dun ko napagdesisyunan na lumayo na sa kanya at d na kami magparamdam. Walang chat walang call or txt. Then ngayong 2 weeks nalang bago ang due ko nagparamdam sya gusto nya ko samahan sa mga check up ko, gamitin din surname nya, magsusustento din naman daw sya pero hindi sa ngayon dahil wala pa din daw syang work. Sa halos 8months na pagbubuntis ko di ako humingi ng kahit magkano sa kanya. Ngayon sila parin ng gf nya. And still tinatanggi parin nya na baby nya to. Ang gf nya alam na buntis din ako and alam na sa bf nya tong dinadala ko. Napag desisyunan ko tamana d ko sya pagbibigyan sa gusto nyang mangyari na makita anak nya, gamitin surname nya at sustentuhan sya, dahil kaya ko naman mabuhay at ni baby kahit walang tulong nya. πŸ˜” Masakit, stressful promise. Kaya saludo ako sa mg single mom.

Magbasa pa
2y ago

May experience din po akong ganyan pinagpalit din kami ng baby ko sa bago nyang gf. Although sinabi ko sa family nya na may babae sya sa work pero parang wala lang sa kanila na ganun ginagawa ng anak nila so i decided na lumayo din dahil hindi deserve ng anak ko yung tatay na katulad nya