College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

More on college schools, pumapayag sila na pumasok ka sa school kahit buntis ka as long as kaya mo. About naman sa ex mo na classmate mo na di ka pinanagutan, its okay kung magkita kayo dahil nga mag classmate kayo at eh ano naman kung malaman nilang nabuntis ka non? kung may dapat mang mahiya dapat siya yon dahil ang kapal nyang pumasok pa sa school kung sa simpleng pananagutan lang nya bilang ama ng anak nya di nya magawa. Actually turning 7 months nako and currently 4th year college and ojt nalang ang subject ko gagraduate nako☺️ Hindi ako f2f kasi inadvice ng prof ko na online nalang ako para sigurado daw kami sa safety ko. If kaya mo naman pumasok f2f and walang ibang choice, okay lang. Wag mo intindihin yung sasabihin ng ibang tao na makakakita sayo. Dapat na mas mag sikap ka ngayon lalo at hindi nanagot ang ama nyan. Ikaw at ikaw lang sa ngayon ang tutulong sa sarili mo. 3rd year kana, kaya mo yan. Mabilis lang ang semester sa totoo lang☺️ Mag iingat ka lang palagi sa school, pag hindi kaya or may nararamdaman ka maiintindihan ka naman ng mga professors dahil buntis ka, pero palagi mo padin ipakita na kahit buntis ka kaya mo ipag patuloy yung pag aaral mo. Ako nga nung nabuntis ako 4th year 1st sem ako☺️ Pamilya ko ang unang humusga sakin at sinabi na di na ko makakapag patuloy ng pag aaral. Pero eto ako ngayon, ojt nalang ang tinatapos ko gagraduate nako☺️ Kung ako na hirap din sa buhay kung minsan nakaya ko, ikaw paba? Go lang mi. 🥰

Magbasa pa
2y ago

yung partner ko naman tapos na ng college. I prioritize ko daw ang pag aaral ko at si baby. Para pag dating ng panahon walang masasabi yung ibang tao dahil kahit na at the age of 22 magkakaron kami ng pamilyang sarili, eh hindi namin parehas binitawan ang pag aaral namin. Hindi naman kasi porket nabuntis tayo eh hanggang dun nalang tayo at wala na tayong mararating sa buhay. Siguro para sa iba ganun ang tingin nila, pero kasi ako sa sarili ni hindi ko nga makita yung sinasabi nila na tapos na ang kinabukasan ko dahil magkakaanak nako. Syempre nakakaproud din yung ibang hindi man pinanagutan ng nakabuntis sakanila is nandyan sila willing magpatuloy.❣️

VIP Member

I think pwede ka humingi ng letter sa school nurse niyo informing that you are pregnant para hindi mo na kailangan mag-uniform. About naman sa ex mo, Wag mo na lang siyang pansinin. Hindi niya kayo deserve ni Baby. Nalaman lang niya na buntis ka tapos hiniwalayan ka na. Walang balls yun! Ang advice ko ay ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo para sayo at para kay Baby. Lahat naman ng tao may masasabi if malaman na buntis ka at totoo naman na buntis ka. May opinion sila at di mo maaalis yun sa tao. May masasabi silang di maganda pero atthe end of the day, kayo ni Baby ang mas mahalaga. If may mangdiscriminate sayo, hayaan mo na lang if kaya mo. As long as ginagawa mo yan for you and for your Baby. Lahat makakaya. Alam ko madaling sabihin para sa akin na hayaan na lang pero if iseset mo yung mindset mo na magpakatatag and wag ng pansinin ang ibang bagay at tao at kayo na lang ni Baby at pag-aaral ang iisipin mo, mas sasaya ka. Mas makakapagfocus ka sa mga bagay na mahalaga. Yes, mahirap sa una dahil dapat katuwang mo yung ex mo na kaklase mo pa, pero di niya kayo deserve. Siya ang dapat mahiya dahil niya kayo kayang panindigan.

Magbasa pa

2nd yr college na din ako at 7mos na pero pinupush through ko pa rin yung pagaaral ko kahit hirap na at stress kasi gusto ko makapagtapos at hindi lahat nabibigyan ng opportunity na makapagaral. Kung kaya mo pa magface to face go lang mhie, pero wag mo pilitin kung hindi na kaya ng katawan mo kasi kayo ni baby magsusuffer. Kapag pinayagan ka naman ng school mo na maghome schooling or online class kahit may ftf na dun kana lang para safe kayo ni baby. Hayaan mo yung tatay ng bata, simula ng iwanan nya kayo wala na syang karapatan sa bata kaya wala din syang karapatan na pagsalitaan ka o kung ano man. Wag kang hihinto hayaan mo yung ibang tao, wag mo isipin sasabihin nila isipin mo para sa future niyo yan ni baby kaya ka nagaaral. Isipin mo palagi anak mo hindi ibang tao, kailangan mo magpakatatag kasi mommy ka na.

Magbasa pa

NABASA KO PO LAHAT NANG MGA MESSAGES NYO MGA MOMS 😍 AT MARAMING SALAMAT SA MGA SUMUPORTA, IPAPAGPATULOY KO PAG AARAL KO, KAKAUSAPIN KO DEAN NAMIN BUKAS 😊 FIGHT LANG. AT SA LONG TIME BF KO, SISTER NYA MISMO NAG SABI MAY IBA NA SYA ARAW2 DAW NAGTATAWAGAN, IISIPIN KO NALANG NA HINDI SYA NAG EEXIST, AT KUNG MAY MAGTANONG MAN IBANG KA KLASI NA SINO AMA NANG ANAK KO SASABIHIN KO TALAGANG SYA KASI DAPAT SIYANG MAHIYA SA GINAWA NYA, OKAY PA KAMI NUONG HANGGANG NAG 5MONTHS TIYAN KO BIGLA NALANG SIYANG NANG IWAN WALANG DAHILAN NGAYON KO NALAMAN MAY IBA NA PALA. SALAMAT MGA MI 😍PARA KAY BABY FIGHT LANG. NAIIYAK AKO SA MGA MESSAGE NYO. 😥😍

Magbasa pa
2y ago

yes mi . dapat lang na ipagpatuloy mo ang pagaaral mo para sainyo ni baby wag kang maihiya siya dapat ang mahiya kasi napaka lalaki niyang tao pero tinakbuhan ka niya . napaduwag at iresponsable siya be proud na magiging mommy kana hindi handang ang pagiging ina para hindi mo ipagpatuloy yan. dapat pa nga maging inspiration mo si baby go lang .

Madali lang namin masasabi sayo na pakatatag ka para kay baby since may mga tumutuloy pa rin sa pag-aaral kahit buntis sila at dapat mas mahiya yung ama ng baby mo. True naman yan, pero iba-iba rin kasi magproseso ng pinagdaraanan ang mga tao. Kung gusto mo tumuloy sa pag-aaral, kailangan sigurado ka sa sarili mo na hindi makakaapekto yang mga yan sa mental health mo. Tandaan nating kailangan panatag tayo habang nagbubuntis kasi maaapektuhan ang welfare ni baby. Kung sure kang hindi ka mapapanatag, better choose another option--either change modality (kung allowed ng college o univ) or pause to take care of your baby more. Wala naman kasi masama sa options na yan. Ang mahalaga, okay kayo pareho ni baby.

Magbasa pa

nung college ako may mga classmate akong nabuntis at pinayagan naman sila mag civilian, sabay padin kami grumaduate. Pero public school yun, pag private lalo na pag catholic school medyo mahigpit sila. Kung ako sayo ituloy mo lang kung kaya mo naman ihandle, nung sa classmate ko andami namin activities and events at hospitality management kami, binibigyan namin sya ng consideration at di naman pinag gagawa ng mabibigat sa school na ikaka stress nya para lang maka graduate sya on time, pero it depends nadin sa mga classmates mo. ilang buwan nalang din naman yan titiisin ko kayang kaya mo yan. At sa bf mo, hayaan mo sya at sya naman ang mapapahiya sa inyong dalawa dahil wala syang balls.

Magbasa pa

Humingi ka ng approval sa school mo na payagan ka mag civilian dahil sa preggy ka naman, bibigyan ka naman ng consideration sa sa sitwasyon mo. About sa ex bf mo na nang iwan saiyo, girl push mo ang pag aaral mo at kahit na nagkamali ka dahil nabuntis ka ng maaga wag mo ikahiya yang tyan mo. Anjan na yan kaya kahit mag isa panindigan mo at sana may lesson ka napulot sa nangyari sa iyo. Ipakita mo sa ex mo na carry mo panagutan ang naging resulta ng pagkakamali mo, pero sya na naturingan lalaki ay duwag at walang silbi. Sooner kapag nakita nya anak nya lalambot yan at magsisisi. Yun ang sweetest revenge ika nga. For your future ng baby mo kaya dapat push mo maka graduate girl.

Magbasa pa

mahirap sis, pero itawid mo ang iyong pag-aaral sa abot ng makakaya mo kung physically fit and financially kaya mo naman. tao will always be judgmental and marites. don't let them dictate your future. natural na apektado ka emotionally. yung age mo, talagang emotional, plus pa 'yung pregnancy hormones mo. kung mayroong taong mga nagdidiscriminate, may mga taong magsusupport pa din 'sayo. 😊 pray for God's guidance and mercy. magpasalamat ka pa din kung hindi kayo nagkatuluyan ng ex mo, kaysa magsama kayo tapos ganun ugali niya. bata ka pa, may mga wrong choices perhaps sa life, pero it's never too late to turn it around. Seek the Lord and He will deliver you. God bless. 😊

Magbasa pa

continue mo studies mo mamsh. ang laki ng regrets ko kasi hindi ko tinuloy yung pag aaral ko while preggy. wag mo isipin yung sasabihin ng iba. alam ko sa una mahirap pero you'll get used to it. wag na wag ka papaapekto kasi masama sa buntis yung nasstress. about sa father ng baby mo, so what kung classmate mo siya? ang kapal ng mukha niyang pumasok pa sa school at iwan ka. siya dapat makaramdam ng kahihiyan sa ginawa sayo. sa school uniform, pwede ka naman magsabi sa school mo. they'll give you consideration for sure kasi preggy ka kasi by that month kailangan naka maternity dress ka na para mas comfortable ka din. laban lang mamsh. cheer up!!! ❤️

Magbasa pa

Continue, and laban lang po. Same case lang po tayo pero ako gr 12 graduating palang po ako. Unplanned pregnancy yung sakin. Nabiktima ako ng pills at nabiktima rin ako ng pagiging makakalimutin ko nanaman kaya naka buo ulit. I'm 37weeks now and wala akong choice kung hindi mag patuloy sa pag aaral dahil sayang ang panahon at nakapag start na rin naman ako mag aral. Kaya natin to mamsh. :) i have that feeling also about discrimination. Di maiiwasan yan pero kailangan talaga natin isa isip na laging unahin ang sarili at wag ang iisipin ng iba. Dahil tayo lang ang makakapag ayos ng buhay natin, hindi sila.

Magbasa pa