College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😒 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😒😒😒 Pa advice mga moms 😒 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mahirap sis, pero itawid mo ang iyong pag-aaral sa abot ng makakaya mo kung physically fit and financially kaya mo naman. tao will always be judgmental and marites. don't let them dictate your future. natural na apektado ka emotionally. yung age mo, talagang emotional, plus pa 'yung pregnancy hormones mo. kung mayroong taong mga nagdidiscriminate, may mga taong magsusupport pa din 'sayo. 😊 pray for God's guidance and mercy. magpasalamat ka pa din kung hindi kayo nagkatuluyan ng ex mo, kaysa magsama kayo tapos ganun ugali niya. bata ka pa, may mga wrong choices perhaps sa life, pero it's never too late to turn it around. Seek the Lord and He will deliver you. God bless. 😊

Magbasa pa