College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I think pwede ka humingi ng letter sa school nurse niyo informing that you are pregnant para hindi mo na kailangan mag-uniform. About naman sa ex mo, Wag mo na lang siyang pansinin. Hindi niya kayo deserve ni Baby. Nalaman lang niya na buntis ka tapos hiniwalayan ka na. Walang balls yun! Ang advice ko ay ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo para sayo at para kay Baby. Lahat naman ng tao may masasabi if malaman na buntis ka at totoo naman na buntis ka. May opinion sila at di mo maaalis yun sa tao. May masasabi silang di maganda pero atthe end of the day, kayo ni Baby ang mas mahalaga. If may mangdiscriminate sayo, hayaan mo na lang if kaya mo. As long as ginagawa mo yan for you and for your Baby. Lahat makakaya. Alam ko madaling sabihin para sa akin na hayaan na lang pero if iseset mo yung mindset mo na magpakatatag and wag ng pansinin ang ibang bagay at tao at kayo na lang ni Baby at pag-aaral ang iisipin mo, mas sasaya ka. Mas makakapagfocus ka sa mga bagay na mahalaga. Yes, mahirap sa una dahil dapat katuwang mo yung ex mo na kaklase mo pa, pero di niya kayo deserve. Siya ang dapat mahiya dahil niya kayo kayang panindigan.

Magbasa pa