College enrolled at buntis

Sino po nag aaral dito while pregnant? 😢 3rd year college napo ako at 6 months na tiyan ko, required sa School namin ang mag uuniform. At ka classmate ko lang yung ama nang baby ko, long time boyfriend ko kaso iniwan ako nang malaman na buntis ako, awang awa ako sa sarili ko, sa tuwing nakikita ko sya na bwebwesit ako. Kaya isa rin sa dahilan na hindi ko gustong ipaalam mo na na buntis ako kasi may ibang classmate namin na alam na magka relasyon kami. Pa advice naman po, mag sto-stop nalang ba ako nang pag aaral? Or continue nalang kaso mas lumalaki na tiyan ko, ayaw ko ma discriminate 😢😢😢 Pa advice mga moms 😢 ayaw ko makita ama nang baby ko.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madali lang namin masasabi sayo na pakatatag ka para kay baby since may mga tumutuloy pa rin sa pag-aaral kahit buntis sila at dapat mas mahiya yung ama ng baby mo. True naman yan, pero iba-iba rin kasi magproseso ng pinagdaraanan ang mga tao. Kung gusto mo tumuloy sa pag-aaral, kailangan sigurado ka sa sarili mo na hindi makakaapekto yang mga yan sa mental health mo. Tandaan nating kailangan panatag tayo habang nagbubuntis kasi maaapektuhan ang welfare ni baby. Kung sure kang hindi ka mapapanatag, better choose another option--either change modality (kung allowed ng college o univ) or pause to take care of your baby more. Wala naman kasi masama sa options na yan. Ang mahalaga, okay kayo pareho ni baby.

Magbasa pa