More on college schools, pumapayag sila na pumasok ka sa school kahit buntis ka as long as kaya mo. About naman sa ex mo na classmate mo na di ka pinanagutan, its okay kung magkita kayo dahil nga mag classmate kayo at eh ano naman kung malaman nilang nabuntis ka non? kung may dapat mang mahiya dapat siya yon dahil ang kapal nyang pumasok pa sa school kung sa simpleng pananagutan lang nya bilang ama ng anak nya di nya magawa. Actually turning 7 months nako and currently 4th year college and ojt nalang ang subject ko gagraduate nako☺️ Hindi ako f2f kasi inadvice ng prof ko na online nalang ako para sigurado daw kami sa safety ko. If kaya mo naman pumasok f2f and walang ibang choice, okay lang. Wag mo intindihin yung sasabihin ng ibang tao na makakakita sayo. Dapat na mas mag sikap ka ngayon lalo at hindi nanagot ang ama nyan. Ikaw at ikaw lang sa ngayon ang tutulong sa sarili mo. 3rd year kana, kaya mo yan. Mabilis lang ang semester sa totoo lang☺️ Mag iingat ka lang palagi sa school, pag hindi kaya or may nararamdaman ka maiintindihan ka naman ng mga professors dahil buntis ka, pero palagi mo padin ipakita na kahit buntis ka kaya mo ipag patuloy yung pag aaral mo. Ako nga nung nabuntis ako 4th year 1st sem ako☺️ Pamilya ko ang unang humusga sakin at sinabi na di na ko makakapag patuloy ng pag aaral. Pero eto ako ngayon, ojt nalang ang tinatapos ko gagraduate nako☺️ Kung ako na hirap din sa buhay kung minsan nakaya ko, ikaw paba? Go lang mi. 🥰
Magbasa pa
Excited to become a mama