byenan

Sino po dito nagpipigil nalang lumaban sa byenan dahil sa nanay sya ng asawa mo? Ako po yun nalang pinaghahawakan ko palagi ko nalang iniisip nanay sya ng asawa ko pero alam naman ng asawa ko ano ugali ng nanay nya kaya nga po minsan sabi nya bakit hindi daw ako magsalita sa nanay nya..

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nkbukod kming mg asa kc sabi ko bgo kmi iksal nde aq pang byenan dhil tamad aq sa gawaing bhay pero mcpag aq sa hnapbuhay. cgurdo kako mpipuntasan aq kc kpintas pintas nmn tlga. in short bumukod kmi, nkpgpgawa kmi ng bhay. ung byenan ko nmn umuwe sa amin. asawa ko at mga kptid lng nya ngplano nde mn lng aq tinanong. ngulat nlng aq nasa amin n byenan ko. oh d ok. nandun na eh saka icip ko nde nya ko mpipintsan dhil bhay ko un. minsan kumkain kmi. inopen nta n ing ate ng asawa ko humihiram ng pera dat time wala kmi mphiram aba kumakain kmi ngtaas ng boses cya pa galit "kung wala kyo mpphiram sbhan nyo ung tao ng nde umaasa" ngulat ako. aba prang kslnan p nmin. so, nde ko tinpos pgkain nmin tumayo aq umkyat kmi sa taas ng anak ko ng wlng cnsbi. kinbuksan hbang nasa offce aq ngtxt asawa ko kung ano2x cnbi s akin dhil ngsumbong byenan ko umiiyak pa byenan ko. sa galit ko din dhil pingbibintangan aq s bgay n nde ko ginwa ngkgalit kming mg asawa s txt. pgdting ko s bhay wla asawa ko confront ko agad byenan ko. ano b kako pingssbi nya s anak nya at inaway aq hbng nasa offce. nde nmn daw cya cgurdo dun s cnbi nya. eh kung nde nmn pka kako kyo cgurdo sana nde nyo kyo ngsumbong ng kung ano2x tuloy kmi ng aaway. ilang araw, nhiya cguro byenan ko umalis n sa bhay. ngkusa cya. after that kpg may nde aq gusto s sinsbi nya o cya kung my nde din gusto sa arte at gawa ko ngppaparaanan nlng kmi. dindaan s walang kibo ayleast thmik at nde pa mhhrapan mgbalanse asawa ko s pgitan nmin mgbyenan. npahaba kwento ko hehehe

Magbasa pa

Plastik biyenan ko, nung wala pa kami anak ng mister ko dapat daw mag anak na kami dahil may edad na mister ko, nung nabuntis ako at nagresign sa work dahil sa selan ng pregnancy bakit daw nagresign ako wala daw ipon eh sagot daw lahat ng mister ko ang ilaw, tubig, pagkain sa bahay at dapat daw ako umaasikaso sa mister ko since wala na ako work. pero di yun sinasabi directly ng biyenan ko samin, naririnig ko lang biyenan ko na ikinukuwento niya yun sa kapatid niya at sa hipag niya kapag nasa work ang mister ko. tas kapag sahod ng mister ko ayun nauuna nang manghingi ng pera ang biyenan ko. badtrip pa yun kapag di bigyan agad ng mister ko.

Magbasa pa
VIP Member

Opo momsh pigil na pigil ako. Pinagluluto ko pa po yon ng meryenda na hindi naman nya kinakain. Tapos yong x gf ng hubby ko patuloy padin nyang chinachat at sinasabi pa sken. Tsismosa ang mother in law ko kahit nasa bahay lang ang dami nya nasasagap na mga kwento kaya nong d kona makayanan lumipat na ako ng tirahan sumunod nalang hubby ko kasi feeling ko stressed sya sa buhay ko. Nong nakalipat na kmi ako nman ang chinachat. Super plastik ng mother in law ko gusto ko nga minsan iblocked nalang sa messenger since nagawa kona before. Ayaw ko mag pa stressed kasi sa mga taong toxic.

Magbasa pa
VIP Member

mabait mga biyenan ko pero may ugali silang di ko gusto, konsintedor, dahil kakakonsente nila sa anak nila na asawa ko mismo muntik ng mapariwara nung binata siya, sa panganay ko ganun ang ginagawa niya, 2 yrs old palang ang anak ko nun, hindi ako nakatimpi, nasagot ko siya. sabi ko ayokong kinokonsente niyo ang apo niyo kung alam niyong mali ginagawa niya bakit di niyo pagsabihan at huwag ibigay ang lahat ng iniiyakan. hayun natauhan yung biyenan ko. tpos sabi ko asawa ko gusto ko bumukod tayo, pag uwi ko galing office, iba na bahay namin.

Magbasa pa

Tama lang po ata momy na magpigil ka una sa lahat dba khit di natin nanay basta matanda dapat igalang natin tapos mgpasalamat ka nalang kc ang asawa mo always on your side padin khit sabhin nya na mgsalita ka sa nanay nya pero tama mgsalita ka din po talaga yung kalmado lang po wag pagalit or sigaw para lang maparating or malabas mo na din sama ng loob sa knya malay mo matauhan so magging ok na kayo bandang huli kayo na mgkakapi🙏🙏

Magbasa pa

I feel you po! Jusko, di lang talaga ako nasagot kasi nanay pa rin sya ni hubby pero super duper. Di niya tinuturing na anak si hubby ko, kakumpetensya sa mana ang tingin niya samin pati apo niya 😂😂 tapos bumukod na kami kasi di ko na keri, pag nadalaw siya samin, naku ginagawa kaming tanga lahat pagdating sa anak ko. Kung pinapakain daw ba namin, dapat daw dinudurog kanin. Kesyo dapat ganito ganun. Heler!! 😆😆

Magbasa pa

wala naman akong problema sa mama nya pero sa tatay nya jusko naman tlga sa sakit ng ulo although close kme ng papa nya nakakarindi lang tlga minsan napakaliit na issue pinapalaki pa lalo na yung kapatid ng asawa ko sinasabihan akong di daw makakalapit sakanya anak ko ay dahil talagang hindi lalapit sakanya anak ko ni hawak di nya magagawa baka kung ano pa ituro nya baka aging salbahe pa anak ko paglumapit sakanya🤦🏻‍♀️

Magbasa pa

Mas okay na quiet ka nalang when it comes to your hubby's parents esp. if nakikitira lang kayo. It's okay to vent out to your hubby about it but never ka sumagot sakanila para wala silang masabi sa'yo. Forever na kasi tatak yon sakanila and toxic non if ever. Syempre ibang usapan na if sinasaktan ka na physically and pinagmumura la na or iniinsulto. Tiis tiis lang, mommy. Dadaloy din and ginhawa and peace. 🙏

Magbasa pa

Ako di talaga ako lumalaban. Umiiwas nlang ako. Kahit pa nung buntis ako sa first baby namin sinabi nila na baka di daw anak yun ng anak nila. Masakit sobra. Iniisip ko nlang na mapapahiya din cla paglabas ng bata. Kaya nung makita nila ung baby ko tapos xerox copy ng anak nila alam kong napahiya cla sa mga sarili nila at may binunga ng maganda ang pananahimik at di ko pagsagot.

Magbasa pa

hahahah relate much, ganyan din ako noong una, nananahimik para walang gulo, pero dumating sa point na kung tanga tangahin ako ng byenan ko ay inam na yun sumabog ako sinagot ko na dahil hindi ko na kayang magtimpi, sa ngayon panay parinig siya pag nainis pero pag slight lang pinalalampas ko naman pero pag sobra saka ako umaalma😂😂😂

Magbasa pa