Tulog

Si lo laging tulog. 1 month na po sya pero most of the day tulog sya. Ginigising ko sya minsan para mag laro kame kaso nakakaAwa kasi nakakatulog sya. Normal ba yun sa age nya. Di kasi sya namumuyat. Iyak lang sya pag gutom tapos tulog ulit. Pinaka mahaba nyang gising siguro 30 minutes to 45 minutes. Minsan kasi gusto ko sya kausapin kaso laging antok na antok.

Tulog
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung baby ko ang sipag gumising hahaha may times na tulog lang talaga siya at may times na gising na gising siya pero di naman siya naiyak gusto lang eh may kausap. Nakikipaginyeract na kase siya. Quarter to 3am na nga kami nakatulog kanina 😅 1month 21 days na siya. 😍 Magbabago din sleeping pattern niyan mommy. Sa ngayon hayaan mo muna matulog wag mo gisingin kawawa naman

Magbasa pa

Parang tanga lang. Bakit mo gigisingin, nagpapalaki ung baby gigisingin mo? Ikaw man natutulog at gisingin ka matutuwa ka kaya?,🙄 Ayaw mo ba nung natutulog cya atleast makabawi ka ng pahinga?? Pag naman namumuyat or laging gising reklamo ka din.. Hay nako

Magbasa pa
2y ago

As FTM nkaka praning din po kasi minsan kasi paiba iba yung mga nasa google. Just answer her question and don’t use foul words nlng. Or just ignore if wala kng sasabihing maganda

normal yan mommy, wait ka lang pag nag 2mos. na sya medyo mahirap na patulugin.. kasi magiging sensitive na sa mga tunog. Konting ingay magigising at matagal na nila makuha himbing ng tulog nila..

Baligtad po sa baby ko. 7 wks plang baby ko pero hindi xa palatulog kahit ihele eh gising pa din. Buti nlng sa gabi eh 2log xa, unlike nung b4 xa mag 1 month, gising sa gabi then 2log sa daytime

VIP Member

mas mainam po yung ganyan mommy more on tulog si baby gigising lang pag gutom, pwede mo naman siya kausapin kahit tulog ramdam at rinig naman niya lahat ng sasabihin mo sa kanya.

Ok lang yan sis ganyan ung bunso ko minsan nakakainip kasi lagi siyang tulog pero diko ginigising kasi nag papalaki siya sis wag mo gisingin sis.. Cute baby sarap tulog😍😘

TapFluencer

Normal po yan..ako nga po mas nag aalala kapag more than an hour na syang gising...1 month dn po ang baby ko..pag gising xa nag xa play time, music time and tummy time kmi..

VIP Member

Baby ko kusang nagigising 3-4hrs para kumain tas tutulog ulit. Nung tumungtong ng 2-4 mos sobrang puyatan na hahahahaha hirap na patulugin at mabilis magising

VIP Member

yes po...lo ko dn lagi tulog...mga kuha ko sknya puro tulog sya..pag gcng kc iiyak lang at dedede..sbay tulog ulit..3 weeks n sya ngaun..

VIP Member

Hindi pa po dapat nilalaro pag 1 month pa lang. mga 2-3 months pa po sila makikipag interact talaga. Hayaan nyo lang po matulog.