Jessa Acala profile icon
PlatinumPlatinum

Jessa Acala, Philippines

VIP Member

About Jessa Acala

First-Time Mom

My Orders
Posts(28)
Replies(78)
Articles(0)

She’s here

Feb 14,8 am. Pagtayo ko from bed biglang may parang pumutok down there then lumabas yung kulay tubig. Not sure kung panubigan ko na ba yun since ftm ako hindi ko alam. Nakita ni hubby yung paglabas ng tubig so inaya nya ko puntang hospital. Sabi ko mamaya na baka naman naihi lang talaga ako. So nagpalit ako ng undies with panty liner tapos natulog ulit after kumain kasi balak namen nun mag date sa mall since valentines day at maglakad lakad na rin. I was 39w 2d that time. Pag gising ko around 2pm, drenched na yung panty liner ko and nararamdaman ko din na may lumalabas talaga saken so I chatted my ob, punapunta na nya ko sa hospital to check kung nag rupture na ba talaga bag of water ko. Hesitant pa ko pumunta kasi kinabukasan na rin naman yung sched check up namen so naisip ko bukas nalang ako punta sa kanya. Anyway, si hubby hindi na pumayag, do we went there. Sa ER na IE ako, sabi wala naman daw leak at 1 cm palang daw ako. They called my ob and my ob wanted to check me to be sure so they had me admitted. I was induced into labor. Around 10 pm, my ob arrived tapos pag check nya saken, nakita nya sa hospital pad na may kulay green discharge na ko. Pag ie nya madumi na yung nasa gloves nya meaning naka poop na si baby sa loob while I was induced. She decided to proceed with caesarean delivery kasi maka mainfect na daw si baby. Around 10:48 nakalabas na si baby but she had to stay sa NICU kasi nagkaron na ng infection at mabagal ang paghinga. Hanggang nakalabas ako after 3 days di ko nahawakan si baby dahil naka oxygen sya. That was the scariest and hardest time of my life. Makita mong hirap anak mo, hindi mo mahawakan, hindi mapadede. I almost don’t want to see her kasi it hurts. Iyak ako ng iyak. Yung asawa ko kahit anung pigil nya naiyak na rin. First time parents kame so talagang bago samen lahat. Gusto kong e comfort si baby and tell her it’s going to be okay, na uuwi na kame soon pero di ko sya mahawakan. I went home without my baby pero as per her pedia hopefully bukas pwede na sya iuwi. Yun yung happy thought ko ngayon. Na malapit ko na syang mahawakan for the first time. There’s no reason not to celebrate valentines day dahil bday ng baby ko. Her name is Summer and she’s 2.9kl and I’ll be meeting her soon.

Read more
She’s here
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply