Our Love Story

Share ko lang sa inyo love story namin ni husband. Very common, yung tipong napapanuod sa tv tapos alam mo na yung next na mangyayari haha. Classmates kami nung high school. Kung tutuusin never talaga namin inexpect na magkaka-spark (arte! ?) kasi kalat sa classroom namin na may crush sya dun sa isa naming classmate. Sya yung tipo ng student na comedy lagi lalo na pag may mga presentation. Until naging magpartner kami for practice ng prom. Ayun, puro kalokohan ang nangyari! ? Tapos that time uso pa yung GM. Ako naman bilang isang jejegirl, nag GM ng mga good morning msgs & quotes. Tanda ko may sinend pa kong "aamin na ba ko kay crush?". Aba etong si koya nagreply sabihin ko na daw, feeling ko talaga akala nya sya yun haha (niloloko ko sya tungkol dun until now). Hanggang sa nagka text-an na. And to make the story short, pinakilala ko sya as mangliligaw sa parents ko, nagkaron ng deal na wag muna magjjowa hanggang di 18 y/o eh 16 pa lang ako nun pero dahil mahaba ang hair ng ate mong girl, ayun naghintay sya hanggang maging legal na kami sa parents namin. Then early 2019, pareho na kaming may stable na work, na-blessed-an kami ng mini-me. At since legal naman kami both sides, nag decide na kami na magpakasal para rin kay baby. Yung love story namin kagaya lang halos ng sa iba, may masayang moments, may awayan, may tampuhan, etc. Pero at the end of the day, we still choose each other and I think that what makes us strong. P. S. Mukha lang talaga kaming nene at totoy pero legal age na kami haha.

Our Love Story
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

❤❤❤