DEMANDING BRIDESMAID

I need advice on how to deal with "demanding bridesmaid". I'll be having an intimate wedding this year. Limited guests due to pandemic and limited din ang budget. So family and close friends lang ang invited, I invited one of my close friends. Then ngayon sya nagsabi gusto nya mag abay para di masayang punta nya. So kinuha ko syang abay. Sabi nya dapat daw provided namin yung dress, hindi ako aware dun to be honest kasi yung iba kong abay kanya kanya sila ng dress, siya lang yung nag iisang nag ask sakin ng dress. So yun binilhan ko na lang sya ng dress naisusuot nya, tapos ngayon naman nagdedemand sya ng hair and make up artist. Then bukod dun gusto nya sya kukuha ng abay na ipapartner ko sakanya, eh yung sinusuggest nya na ipartner ko sakanya hindi ko naman close friend at hindi invited sa wedding. Stress and pressured na ko sa madaming bagay dumadagdag pa sya 🥺 Sa lahat ng bridesmaid sya lang yung demamding sa dress, hair and make up pati sa ipapartner sakanya. Gusto daw nya maganda sya at bagay sakanya yung dress, gusto din nya yung maayos daw mag make up, tapos dapat daw yung partner nya mas matangkad sakanya saka wag daw sobrang payat ng ipartner sakanya, dapat daw maganda katawan ng partner nya etc... Paano ko ba to ihahandle? 😩

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let her go sis. To begin with, being invited in a wedding is already a privilege, nung sinabi palang niya na make her as abay para hindi sayang punta niya off na yun. Kung guest lang siya sayang agad? Sa dami ng need niyo pag pilian as guest sa wedding napili niyo siya tapos back of her mind sayang lang on her part. Hindi mo rin responsibility ang dress. The abays whether male or female is also your choice. If she's a real friend she'll support you on your wedding. Remember, this day is YOURS hindi sa kanya kaya wag siya mag pa special. Added burden yan sayo sis, let go mo na. Share ko lang, my ate got married a year ago. Same, there is this bridesmaid who volunteered herself. Taas na agad kilay ko nung nalaman ko kasi may atraso pa yung girl na yun sa younger sister namin. So anyway, sa fitting palang ng damit and all dami na niyang demands. Finally the dress is finished, my sister has been trying to tell her na puntahan na sa bahay yung dress for her to fit. Weeks passed and she didn't go, until 2 weeks before the wedding inaaway niya yung ate ko kasi bakit daw hindi siya ang nagdadala sa bahay nila kung gusto niya talaga maayos yung dress. Other than the dress dami niya ring kyeme kyemeng demands but the dress was my ate's last straw. Tinanggal niya sa list and told her she's removed from the guest list. My sister gave the dress to my cousin to take her place and specifically told the wedding planners not to let that girl enter if ever she gate crash the wedding.

Magbasa pa

yung HINDI pagdedemand ay isang tulong narin sa inyo dahil magsisimula na kayo sa buhay may asawa. kung closefriend siyang maturingan dapat naiintindihan niya iyon.. magpaliwanag ka po ng maayos sa kanya na hindi ganoon kaluwag ang budget nyo.. since nagprovide ka na po ng dress, at nagvolunteer namn siya, it time for her to give her part.. if hindi pa rin siya kumporme, much better na huwag nalang po siya kunin.. Maging masaya ang goal nyo sa kasala nyo, hindi mastress. hindi namn mahalaga ang maraming abay.. ang mahalaga sa kasal ay ang mismong COUPLE na ikakasal.. i know, iba talga ang makasal sa simbahan, but i prefered na sa civil nalng kinasal kasi wala masyadong chichi bureche sa mga abay abay at less gastos pa. and lastly, ipagdasal nyo po sis... hingi po kayo guidance kay God. best wishes po at congrats in advance, 😊😊🎊🎊🎊

Magbasa pa

hehe sis be honest with her. Kung ano lng kaya mo Yun lang.. wag mo sundin lahat. hayaan mo siya mag provide Ng mga needs Niya. Kung d kaya wag mo n siya kunin.. kumuha k n lng Ng same built Ng katawan Niya.. Kung kaibgan mo siya sabhin mo Yung totoo na Hindi mo kaya lahat Ng request Niya dahil marami k pang iniintindi. pero Kung ako nasa position mo.. sasabhin ko n lng lahat Ng ayaw Niya " sorry _____ wla kAsi make up Artist na makuha n magaling and maliliit magging partner mo. at d ko kilala sinusuggest mo Kaya d Kita mapag bibigyan, maiintindan ko Kung aatras k Ng mging bridesmaid ko. pasensiya n Ang dami ko p kasi inaaasikaso kaya d ko magagawa gusto mo, if hassle sayo Pwede ko nmn ipalit si _______, " 😁😁 ✌️ wag masyado pa ka stress sis. pag d Keri i-ligwak ganern mo n lng.

Magbasa pa
Super Mum

Kung mag demand naman parang sya yung ikakasal. Pag ako siguro sa situation mo sis di ko rin alam ang gagawin kasi ayaw mo din masira ang friendshi nyoan you still want to have a good relationship with her after the wedding. The best way is to talk to her na lang po regarding sa set up na yung ibang mga bridesmaid is provided nila ang dress at make up. Try to explain din na depende na sa coordinator ang magging set up ng kung sino magging partner kasi kung pagbigyan mo pa sya sa lahat, sobra na, you have so many things to attend to, hindi lang sya.

Magbasa pa
VIP Member

Siya nag insist na maging abay tapos yun pala kayo mag aasikaso s knya. Gaano ba kaimportante na makarating sya s kasal nyo at pumyag k sa mga demands nya? Sa una p lng na nag demand sya maging abay, may something off na dun. Hndi dpat un hinhingi, kusa dapat yun. Anyway, habang nsa planning stage p lng, mas mbuting kausapin mo na. What more kung sa kasal nyo na, baka sya pa umastang bride. 🙄 Mga gnyang klaseng tao, walang satisfaction yan. Bka laitin pa nyan kasal mo. Mabuti nlng ung mga bridesmaids ko super supportive at open-minded.

Magbasa pa
VIP Member

to be honest, SHE DOES NOT EVEN DESERVE TO BE YOUR BRIDESMAID! sobrang bait mo pa nga na kinuha mo parin sya. But a real BRIDESMAID must be your REAL AND CLOSEST girl/s. They must be one of the first people to understand your situation. hindi yung sila pa magdedemand. so kung ako sayo, I'll evict her as my bridesmaid. She has too many demands. dapat nga hindi sila ang magbibigay ng stress sayo ee..Its your wedding! Not hers!

Magbasa pa

Kung ako sayo momsh sasabihin ko sknya " tight kasi budget namin kaya nga lahat ng entourage sila nagprovide ng susuotin nila pero sayo ako na nagprovide. Pasensya ka na di na namin kaya yung iba mo pang demands. Okay lang kung di ka na makakaattend. Pasensya na talaga. Mukhang kulang na lang hingin mo sakin yung role bilang bride. Gusto mo ikaw na din magsuot ng wedding gown?"😂

Magbasa pa
4y ago

hahaha up for this!

haha!! kng ako sayo,direct to the point mo na yan!! aba eh!! may balak yatang agawan ka ng eksena sa sarili mong moments sa big day mo!! ay,naku!! big NO!! wag mo hhayaan na mangyari!! tapon mo na sya!! arte arte nya s ah!!wag na kamo sya pumunta,kulang na space para sa knya!!kkaloka sya!!😂

VIP Member

ay una sa lahat sya nag presentar na gawin mo syang bridesmaid momsh, learn to say NO sa mga demands nya, bruha sya.hahaha🤣😂 kaloka gndang ganda sa sarili ah. sya nalang kaya magpakasal at ikaw nalang abay momsh.😁😁 Best wishes po sa inyu at congrats in advance😊🙏

TapFluencer

Hindi lang sya demanding, eh nag aabuso na.. hay nako, signs ng Toxic people yan momsh,. yung gusto nya ang masusunod, sino ba sya? Grabe, ikaw yung ikakasal ang sarili mopo ang asikasuhin mo at ikaw dapat ang pinakamagandang bride, wag kapo mag pa stress sakanya..