Anong Laban ko sa ex nya. ?

Share ko lang po sana yung sama ng loob ko. May live in partner po ako, 32 sya ako 20. 5 months pregnant po ako sa fisrt baby namin. 2 years na po kami nagsasama. Nakilala ko po sya sa isang company event nila kasi nagmomodel ako minsan pag may event. Branch manager po partner ko sa isang car dealer company. May ex sya at 10 years sila mag bf gf. 5 years silang naglive in pero wala silang anak. 2 years na silang break ng ex nya nung magkakilala kami. Magkasama po sila ngayon sa company at area manager naman yung ex nya. Nung birthday po ng mama ni live in partner, nagpunta po lahat ng workmates ni partner sa bahay. Magkakasama po kasi kami ng parents at bunsong kapatid ni partner dahil dun sila nakatira sa bahay ng partner ko. Yung dalawang ate nya may mga asawa na. Doon ko lang po nakita sa personal ex nya at parang nanliit ako sa sarili ko. Napakaganda nya, elegante, mayaman, may pinag aralan. Samantalang ako sa bahay na lang dahil di na ko makaraket sa pagmomodel dahil buntis ako. High school grad lang din natapos ko. Nasa probinsya mga magulang ko at galit sila sakin dahil di ko napatapos mga kapatid ko kasi nabuntis ako. ?? Tapos ayun sobrang close ng ex ni partner sa mama at kapatid ni partner ko. Samantalang ako di ako kinikibo kahit kinakausap ko sila sa bahay. Alam kong di naman ako tanggap ng pamilya ng partner ko nung una pa lang kaming magsama. Ang sama sama lang po ng loob ko at naiinggit. Narinig ko pa mama nya na binibiro nya si ex at yung pangalan daw ni ex ang gustong ipangalan ng mama nya kung babae daw magiging anak namin ni partner.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May Laban ka, kahit nb matagal n sila. Unang una sila hndi ngka anak noon.kayo ng partner mo meron na, buntis ka nga ngyon eh, edi ikaw panalo.tska wag ka mainggit. Hndi maiaalis ng mom nya na maging close sya sa ex ng anak nya, eh natural ilang years sila naging sila.that's normal.. be confident.. ganun itsura nya ksi wala nmn syang ibang aasikasuhin kundi sarili nya, eh ikaw buntis ka eeh.. you are not feeling so well to fix yourself that much.. bago ka palang sa Family nila. You have to win his mom. Matuto kang makisama, talk to her a lot, cook with her, hang out with the mom... hanggang sa marealize ng mom nya na kaya pala ikaw ang naging wife. Be extra nice. Don't rush yourself to the top, it will Come on the God's perfect time. Pag may ganyan occation,make sure to look your best, bonding and mingle with his friends, or pati na sa ex. Para atleast maging friends kayo makilala mo din sya...

Magbasa pa

Ano pong laban mo sa ex nya? Una ikaw na yung present nya, pangalawa, magkakaanak na kayo. Naiinsecure ka sa kanya kase successful na sya at ikaw wala pa, gawin mo yan na inpirasyon na magsikap para sa sarili mo pati sa anak mo. Wag ka makuntento kung ano pa lang nararating mo ngayon. Hindi porket magkakaanak na o may anak na titigil ng mangarap. Saka isa pa advantage mo e 20 ka palang, yun babae na ba yun ilan taon na sya. Pangarapin mo at gawin mo na pagdating mo nan age na yun mas malaki naachieve mo kesa sa kanya. Ganan lang. Though easier said than done..still nothing worth having comes easy.

Magbasa pa

ang hirap naman niyan mamsh. nakaka insecure talaga. kahit na.buntis ka..parang sa ex parin ng partner mo nakatingin lahat ng mata nila lalong lalo na ang mga pamilya ng partner mo. ang tanging makakatulong lang sayo e yung partner mo. dapat ipakita niya sayo at iparamdam na ikaw lang nagiisang babae sa buhay niya. kaso kung palage niyang kasama yung ex niya. pano mangyayare yun. 😔 kung pwede lang sanang lumayo kayo ng partner mo. lumipat siya ng trabaho.kaso di ganun kadali yun.dahil nandun ang trabaho niya. pag usapan niyo nalang po dalawa ng partner niyo yan.mahirap sa buntis ang mastress.

Magbasa pa

Ang saklap naman nyan. Mahirap talaga kalaban ang ex na mas gusto pa ng parents nya over you. Parang samin ng asawa ko, almost 8 years na kasi kme mag bf/gf at may mga time na nag bebreak kme, may nagu2stuhan syang iba during that time and same with me. Pero pag dating sa mga parents nmin, ayaw nila sa mga nagiging ka fling nmin they end up saying na mas gusto parin nila kme para sa isat-isa, until kme din naging mag asawa sa huli.

Magbasa pa

Bakit may mga parents ng partner/biyenan na nabuhay lang yata para magmaldita? Wag kang mag self pity mommy. Wala kang dapat iprove sa mom ng partner mo, or kahit sa partner mo. Be the best that you can be pero kung hindi parin sapat yun sa mom ng partner mo, sya na may problema. Basta ikaw, nakikitungo ka sakanila ng maayos, sila na yung masama kung itreat ka pa nila ng hindi maganda.

Magbasa pa

Di talaga maiiwasan mag selos sis lalo nat ang tagal tagal nila at lalong lalo na araw araw sila nagkikita . .Tsaka close pa sila ng family niya .. nakaka bweset lang na narinig mo pinag usapan nila tsaka pag babae ipapangalan nila sa ex niya.. nako nako ... Kaya be strong sisi .. wag mag papaapekto ..dapat happy lang para happy din si baby ... 😍😊

Magbasa pa

Hayaan mo lang sis.. isipin mo nalang c baby, wag ka pakastress. Magpray kalang palagi at wag mo hayaan sumama loob mo se nararamdaman ni baby yan. Oo nakakasama naman talaga ng loob yung narinig mo at yan in laws mo pero isipin mo nalang maisilang mo lang c baby pwede ka pa ulit makapag ayos kahit panu.. Ex naman na sya, ikaw yung present.

Magbasa pa
VIP Member

Sa ngayon na buntis ka wala kang magagawa iba kundi alagaan mo ang sarili mo at ang baby mo..kc yan ang bala mo. Mahalaga mahal ka ni bf mo. Ipakita mo s kanya na karapat dapat ka. Saka sa mga inlaws mo makisama ka ng ayos..kung anung tugtog yun ang sayawin mo hangang sa makuha mo ang loob nila.. wag ka masyado magpastress..go lang girl..

Magbasa pa
TapFluencer

Wag mo nalng silang pansinin Sis as long as ung partner mo nag-aassure sau na ikaw ang mahal nia,and besides mgkaka-baby na kau un ang mahalaga.Pakita mo sa side ng ka-live in mo na worth it ka khit di ka nakatapos wala na nmn sila mgagawa ndi nga nabigyan nung girl ng anak ka-live in mo eh.Be strong for ur baby and pray lagi.

Magbasa pa

Naku girl .. wag kana malungkot makaka affect pa yan kay little angel mo .. wala na sila kung ano man meron sila dati past na yun ano kaba.. THINK POSITIVE ka nalang girl at alagaan mo ang baby mo pati na bf mo wag ka rin manliliit sa sarili mo focus on positive sides and always pray..