Child support

Hi mga mommy sana po walang judgement or hate. Hingi po sana ko ng advice about sa child support ng partner ko sa ex nya btway 4 months pa lang po yung baby and preggy po ako now. Ang sitwasyon po ksi is ayaw ipahiram nung ex nya yung baby pero since buntis si ex nya until manganak po supportado po ni partner needs ng baby. Ngayon po nung lumabas na yung baby hanggang picture lang po nakikita ni partner anak nya alam kong super mahal nya yung mga anak nya and gusto ko po na maramdaman din nung anak nya sa ex nya na mahal sya ng daddy nila at gusto syang makasama pero pinagdadamot po nung ex nya. If hihiramin daw po ni partner yung bata dapat po kasama sya ayaw naman po ng partner ko ng ganun dahil nakakabastos daw po sakin yun at baka stress lang kasi mahilig po silang magtalo kahit po sa napakaliit na bagay. To add po dun magsesend lang po ng pic nung bata sa partner ko pag may ipapabili na gamit.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

4 months pa lang mi kahit ako di ko ipapahiram better be safe na sa mga sakit ngayon di rin sure if maalagaan ng maayos baby nya if sakaling ipahiram.. better sguro mag visit nalang sa baby para makita nya total sustendado naman.. pag medjo lumakilaki mga 3-5yrs old na dun nalang pag usapan kung paano ang co parenting..

Magbasa pa

This should be settled sa brgy para may susundin silang written agreement.

Related Articles