:(
Share ko lang po mga mommies. Currently 22 years na po ako, may regular work same din ng partner ko. nalaman ko na pregnant ako last june. Ngayon napag-usapan namin ng partner ko na sabihin na namin sa magulang ko na buntis ako. Magkasama sila sa ibang bansa kaya via VC lang. Si partner lang kasi yung nagsalita samin kasi ako alam kong maiiyak lang ako that time pag ako nagsalita. Suddenly, binaba nila ung tawag tapos chinachat ko magulang ko ni isa walang sumasagot. share ko lang mga mommy kasi nakakasama ng loob ung mga nangyari, ako hindi ako naging mabigat sa pamilya namin natulong ako financially unlike ng mga step brothers ko na mas matanda pa sakin eh hanggang ngayon nakatira pa rin sa bahay ng nanay ko at ung isa walang trabaho kahit pangbisyo hinihingi pa. Pag ganun sinasabi ko sa nanay ko nagagalit sya. Ang expected kasi nila eh ako na ang bubuhay sa kanila lalo na pagtanda nila(di kasi sila nakaipon kasi sa pag-ispoil sa mga anak ni nanay at iniinvest nila tapos lagi silang niloloko). Oo alam ko hindi pa kami kasal pero we're planning na at sinabi na rin namin un sa kanila. Sa buong buhay ko nakasama ko lang sila ng halos 10 years lang. At di rin kami nakakapag usap ng tatay ko mga once in a blue moon lang. Hindi ko magets bat hanggang ngayon eh hindi nila ako kayang kausapin tapos mageexpect sila na maging retirement plan nila ako. nakakasama lang ng loob.