Away mag asawa

Ask ko lang mga mhie, nag away din ba kayo ng mga mister or partner niyo pag nag kkwento paminsan minsan about sa buhay mo sa magulang mo? Hindi naman lahat kinekwento ko like pag mag tanong lang sila ng "Papasok ka ba ngayon?" Ganon tapos Mapapakwento Isng ako ng konti sabihin ko oo pasok ako ganito ganyan, pero sa ganito dito lang ako sa bahay mga ganon ba. Super simple parang sinagot mo lang tanong nila. Masama ba yun? lisang anak na babae kasi ako so nasanay ako dati pa nag pala kwento sa magulang ko and ngayon naiintindihan ko naman na hindi lahat ng bagay ay dapat kong ikwento sakanila. Pero alam mo yun pag may konting information sila na nalaman tungkol sakin tapos nalaman ng partner ko na alam na nila, nagagalit siya. Hay nako napaka babaw sobra. Siya naman lahat kinwkwento niya sa nanay niya ulti mo trabaho ko kinekwento niya tapos ako bawal ako mag kwento ng trabaho ko sa magulang ko. Wala kasi siya work ngayon kaya ako lang may trabaho so naeexcite ako mah share ng konting info sa magulang ko. Achievement kasi dib so parang nakakaproud at gusto ko maging proud sila sakin kaya napapakwento na konti lang. Pero ewan ko, pinag aawayan din talaga namin toh. Ang hirap.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Unica Hija din ako at tulad mo open din ako magkwento sa parents ko. ang kaibahan natin ako ang walang work ngayon dahil pinafocus ako ni hubby ko sa 2nd born namin at siya naman ang nagwowork. I think ayaw ni hubby mo mapuna siya ng magulang mo na ikaw ang may trabaho imbes siya.. kasi db nag iisang anak ka lang tapos ikaw kumakayod.. Pero sana imbes na magalit siya maging motivation sana yun na maghanap siya ng work hindi yun idadaan niya sa galit.

Magbasa pa

Ako baliktad. Sa MIL ko ako nagssumbong ng ugali ng anak nya. Jusko. Di ko masumbong sa parents ko kasi syempre iiba tingin nila sa asawa ko. Dun ako nagssumbong sa mismong nagpalaki sa asawa ko. Kulang na lang gusto ko sana sabihin, wag nya kasi laging isolve problema ng anak nya kaya nagiginng bonjing eh

Magbasa pa

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5001919)

TapFluencer

naiinsecure sya mi saka ayaw nya majudge ng parents mo syempre ikaw ung bumubuhay ngayon sa family mo kasi wala sya work. pero to be honest, dahil sa ego talaga yan.

baka ayaw niya lng maijudge siya ng magulang mo kasi ikaw lng ung my trabaho sa inyu dalawa..siyempre mainsecure o mahurt ung ego niya kasi lalaki siya ei...