Pwede na ba mag Cloth Diaper and Newborn? Tipid ba talaga?
Usually pagkauwi galing hospital e pwede na mag CD si baby. Yun nga lang iba pa yung poop nila sa simula, medyo sticky pa at mahirap tanggalin. Cover type CDs + lampin o flats ang maganda for 0-3 months. Madalas umihi at tumae ang mga newborn, kaya sakto ang covers kasi pwede mo gamitin ng ilang ulit as long as hindi pa soaked sa wiwi yung mismong covers, need mo lang palitan yung inserts. Recommended talaga ang cover types for newborn kasi manipis lang ito, hindi bulky kay baby at madali pa matuyo pag nilabhan. If talagang nagtitipid, pwede naman lampin lang talaga sa simula then mag invest sa mga pocket types na CDs na matagal namang magagamit. Pros: - eco friendly - reusable/Washable - newborn up to 3yrs old - iwas UTI and rashes - can be handed down to other babies - pwede ibenta ulit if hindi na gagamitin - saving tons of trash and cash At kung tipid ba talaga ang Cloth Diapers, YES! Hindi mo naman kailangan ng madaming CDs and hindi rin kailangan ay mamahalin. Ang mahalaga lang ay mayroon kang schedule ng iyong paglalaba para maka pag establish kana ng routine. Kapag na potty train na si baby, pwede mo ng itago para sa susunod na baby, ipamana sa ibang kakilala or ibenta para magamit pa ng iba. #clothdiaper #clothdiapering #ClothDiaperingJourney #ecofriendly #newborn
Read more