Frustrating

Share ko lang dahilan ng frustration ko this early morning. Yung kagigising mo pa lang tas eto bubungad sayo. Message eto from my lip's younger sister (pero may chat din sa akin na ganyan ayaw ko lang iseen) Don't get me wrong, I'm in good terms with his family, pero when it comes to my baby, ayaw kong nangingialam sila. My baby is just 4 months old and gusto nila subuan ko na ng Chocolate? Take note ha, SUBUAN hindi tikim. Kase yung pinsan ng daughter ko (which is a month older than her) ay nasa kanila, sila nag-aalaga since working ang mommy. Eh pinapakain na daw nila kahit paonti-onti 🤦‍♀️Oh God! Any advice on how to respond to this message? Ayoko ko silang sundin kase alam ko what's best for my baby, pero ayoko ring sumama ang image ko sa kanila just because hindi ko sila sinunod. But knowing his mother's attitude, magagalit yun pag hindi sinunod ang gusto at sinabi nya. Matanda na kase. Tho nabasa ko sa acc ni lip na nireplyan nya sister nya, sabi nya pag 6 months na daw namin pakakainin. Pero talagang iniinsist nila na pakainin na daw namin para hindi mapili sa pagkain paglaki. And may same experience po ba kayo like mine? Ano po ginawa nyo? Thanks in advance.

Frustrating
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm proud of you momsh na hindi mo sinunod gusto nla...mother knows best. at alam ntin ano mkakabuti or mkakasama sa baby ntin..khit wag mo na replyan yan...

saakin nga pa 3months pa lng bukas gusto na patikimin ng father in-law ng pula ng itlog. nun sinabi ko na per pedia 6mos pa pwede. tanga daw yung pedia🤦

VIP Member

pwdeng replyan mo na, not yet po. we are planning na pakainin siya when she's already 6mos old. hintayin nlng nmin tutal saglit nlng nmn. salamat. 😊

4y ago

Yun nga mommy eh. Eh pano pag kumakain daw sila eh nang aagaw na daw kaya pinakain na nila hays.

haayys..hindi tlga maiwasan mga pkialamerang byenan. gnyan n gnyan din byenan ko tpos pgnapano ung baby wala nmang ginagawa. maninisi pa😏

wag balunbalunan .. jusko pwede pa siguro kung liver ng manok na dinurog. pero wag muna sa ngaun masyado pang maaga para pakainin jusko nman

Wag po mommy...Kahit lagpas pa nga po ng 6months wag nyo po muna pakainin ng Hindi angkop sa kanya... Breast milk Lang talaga muna.

VIP Member

nku un lng mamsh pero kung ikaw ang ngaalaga sa baby m wlang problema dhil 6mos.m tlga cya mppkain sabihin m nlng oo kht d m gnawa

Di mo naman ata sila ksama s bahay e. Sbhn mo nlng nasubuan nyo na hahahahaha chocolate amputs! Eh di nagtae yang bata tsktsk

Balunbalunan? Gusto ba nilang mabulunan yung bata parang iba yung motibo nila. Matanda na sila Alam nila dapat na bawal yun

4y ago

Kase nga momsh ang katwiran nila, matanda ako sayo kaya alam ko ang tama. Like duh!

kung di namam kayo nakikita, de wag mo sundin. replyan na lang ng ok. pero wag mo gawin. wag na gawing malaking issue..

4y ago

Same, ganan po ako momsh, okay lang ng okay. pero di ko ginagawa, my child my rule. 🙄😂Para lang walang issue or gulo, Okay na lang lagi since hindi nila kita. 😂