Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
A mum of my Evening Star ⭐
Solid foods
Need advice mga inay. My baby is turning 6 months next month and balak ko all pure fruits and veggies lang muna kase that's what it is needed naman po diba? Ang kaso nag-aalala na ako ngayon pa lang kase baka bigyan na agad ng mga kapatid ko ng sweets/junk foods or baka subuan ng mga lutong pang matanda na which is may mga salt and seasoning na. Any advice po on how to prevent it from happening? Or baka may link or articles po kayong alam na pwede ishare sa Facebook para naman mabasa nila. Salamat sa makakapansin. Nawoworried na kase ako ngayon pa lang eh.
Frustrating
Share ko lang dahilan ng frustration ko this early morning. Yung kagigising mo pa lang tas eto bubungad sayo. Message eto from my lip's younger sister (pero may chat din sa akin na ganyan ayaw ko lang iseen) Don't get me wrong, I'm in good terms with his family, pero when it comes to my baby, ayaw kong nangingialam sila. My baby is just 4 months old and gusto nila subuan ko na ng Chocolate? Take note ha, SUBUAN hindi tikim. Kase yung pinsan ng daughter ko (which is a month older than her) ay nasa kanila, sila nag-aalaga since working ang mommy. Eh pinapakain na daw nila kahit paonti-onti 🤦♀️Oh God! Any advice on how to respond to this message? Ayoko ko silang sundin kase alam ko what's best for my baby, pero ayoko ring sumama ang image ko sa kanila just because hindi ko sila sinunod. But knowing his mother's attitude, magagalit yun pag hindi sinunod ang gusto at sinabi nya. Matanda na kase. Tho nabasa ko sa acc ni lip na nireplyan nya sister nya, sabi nya pag 6 months na daw namin pakakainin. Pero talagang iniinsist nila na pakainin na daw namin para hindi mapili sa pagkain paglaki. And may same experience po ba kayo like mine? Ano po ginawa nyo? Thanks in advance.
My Evening Star has finally arrived
My Evening Star has finally arrived. EDD via LMP: Sept 13 EDD via UTZ: Sept 23 DOB: Sept 7, 2020 3160 grams Normal Delivery Everyone, meet Jade Yvaine G. Vasquez 9am ng September 6 nagising ako na may white discharge. Then inantay ko kung may pananakit ng tyan o puson. Bandang 12nn ayun na nasakit na nga pero tolerable pa naman. Inantay ko nalang mag out sa work partner ko para diretso na kami pupunta sa lying in. By 5.30 nakarating na kami dun pero wala pa kami dalang mga gamit kase sabi ko baka pauwiin lang din kung 2-3 cm pa rin ako. Nung pag ie sakin nasa 3-4cm na daw kaya di na kami pinauwi. Pinahatid ko nalang sa bayaw ko yung mga gamit. Mga 10 pm in-ie ulit ako, 5-6 cm na daw so antay antay ulit. Lakad at squats lang ako. Medyo di ko na rin kinakaya ang sakit, naiyak iyak na ako sa partner ko. After 4 hrs ie ulit, 6-7 cm na. Hanggang sa nag 1pm na 8cm pa lang. Nafufrustrate na ako kase ambagal ng progression. Kaso di naman ako makapaglakad lakad o squatting since di ko na kaya ang sakit. Sobrang nanghihina na ako non. By quarter to 4 saka lang nila naagdesisyunang insertan ako ng apat na evening primrose oil. So ayun, mga ilang minutes lang sobrang hilab na ng tyan ko. After makapagdeliver ng isang nanay doon, pinapasok na ako sa DR by 4.30 pm. By 5:03 pm ng September 7, my baby's out. Sobrang hirap ng labor kesa iluwal si baby. Although natagalan din ako ilabas sya since madami daw ihi na nakabara kaya ayaw bumaba ni baby. Buti mababait ang midwives and staffs doon. It's really all worth the wait and pain. Napa-thank you Lord talaga ako pagkalagay kay baby sa dibdib ko. Mga mommies, your turn naman. Let's all pray for your safe and normal delivery. Kaya nyo yan! 😘
Betadine Vaginal Douche
mga mamsh pahelp naman po. ask ko lang if same lang po eto sa betadine feminine wash? Betadine Vaginal Douche kase nakalagay. yan po kase nabili ng kapatid ko. tia.