Frustrating

Share ko lang dahilan ng frustration ko this early morning. Yung kagigising mo pa lang tas eto bubungad sayo. Message eto from my lip's younger sister (pero may chat din sa akin na ganyan ayaw ko lang iseen) Don't get me wrong, I'm in good terms with his family, pero when it comes to my baby, ayaw kong nangingialam sila. My baby is just 4 months old and gusto nila subuan ko na ng Chocolate? Take note ha, SUBUAN hindi tikim. Kase yung pinsan ng daughter ko (which is a month older than her) ay nasa kanila, sila nag-aalaga since working ang mommy. Eh pinapakain na daw nila kahit paonti-onti 🤦‍♀️Oh God! Any advice on how to respond to this message? Ayoko ko silang sundin kase alam ko what's best for my baby, pero ayoko ring sumama ang image ko sa kanila just because hindi ko sila sinunod. But knowing his mother's attitude, magagalit yun pag hindi sinunod ang gusto at sinabi nya. Matanda na kase. Tho nabasa ko sa acc ni lip na nireplyan nya sister nya, sabi nya pag 6 months na daw namin pakakainin. Pero talagang iniinsist nila na pakainin na daw namin para hindi mapili sa pagkain paglaki. And may same experience po ba kayo like mine? Ano po ginawa nyo? Thanks in advance.

Frustrating
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

follow your instincts mommy, ganyan din saakin, lola ng hubby ko kasama namin sa house. 70plus na. eh nurse sya dati, bininida nya na nung 3months yung mga anak nya e pinakain na daw nya ng boiled egg, sagot ko lang sakanya "diba po nurse kayo? okay lang po ba talaga yun?" tapos maya maya binawi nya yung sinabi nya so di nila ako napilit na pakain si baby ko. but nung 4months sya sabi ng pedia start ko na sya pakainin since nakakaupo na sya but make sure na pino and almost liquid ang texture ng food na isusubo kay baby. pero pag di mo pa feel wag mo pilitin. ikaw lang nakakaalam kung ano makakabuti kay baby mo. goodluck mommy! 😊

Magbasa pa

I have the same situation din mumsh. 4months din si LO and gusto na pakainin or patikimin ng Cerelac and other food, like sabaw sabaw, kamote,saging. Same reason, may apo yung kumare ng MIL ko 1 month ahead din, pinpakain na din kasi nang ganyang age. Good terms din kami ni MIL kaso ang hirap nga tanggihan. Aware din kami prehas ni Hubby na 6 months pa dapat. Nakakastress din talaga 😅 Lagi kong sagot since magkalapit kami ng bahay at halos everyday sya andito eh opo, ay bukas nalang po, or pag uwi nalang ni Hubby para mkita nya, then di namin ginagawa hahaha.

Magbasa pa

mommy. advise ng pedia. 6 months kung papakainin ng food si baby. sa ngayun milk lang muna kasi yung bacteria sa tyan nila. di pa kaya yung mga ganyang pag kain. para hindi maging mapili sa food. chocolate pa takga papakain! ang sweet food sa bata 3x ang panlasa nila saatin. mas magiging pihikan yan kung matatamis agad ang ipapakain mo. kaya nga nag uumpisa ang baby sa gulay, sa mga puree. lugaw. wav kamo sila mag magaling. ikaw ang nanay ikaw ang masusunod.

Magbasa pa

sa generation ngayon hnd pwedeng pakainin ang baby hangga't hnd pa nag 6mos..pero before sa mga kapanahunan ng matatanda pinapakain na kpag umabot na ng 4mos..pero momshie over nman yang chocolate at balunbalunan..ang pwede lng is ung mga mashed na gulay like patatas o kalabasa o di kaya mga fresh fruit juices..or patikim tikim na mga sabaw na putahe..un lng usually.. but still ung decision mo pa rin ang masusunod..kng ano sa tingin mo ang mkakabuti sa baby mo.

Magbasa pa
4y ago

Naku momsh kumulo talaga ang dugo ko pagkabasa ko nyan. Kase alam ko pinasabi yan ng nanay ng LIP ko.

VIP Member

meee .. ganyan MIL ko iniinsist nila na pwede n daw para d pihikan .. aun nung una ini explain ko n my tamang edad. teacher po kasi ako so pinagaaralan ko dn kung ano best for my child then aun dumating kami s point n asar sila kasi matigas daw ulo ko ... sav ko sa hubby ko alam ko gnagawa ko .. hndi makakasama s anak ko. if my gusto sila gawin gawin nila ng d ko nakkita pero wag ako uutusan o ssavhan n gawin un kasi d ko tlaga gagawin ..

Magbasa pa
VIP Member

Ang mama ko din ganyan pero kinakausap ko ng maayos, tulad ng sa pagligo nilalagyan niya ng oil sa likod si LO pag siya nagpapa ligo kasi daw ganun naman daw dati nung kami pa ung inaalagaan nia wala naman daw nangyari.. Kaya I explain ko ng maayos na syempre mas nag-iimprove at nag update ang mga napag aaralan ng mga pedia ngayon, may mga na di discover sila na di pa napag aaralan noon. And yun naiintindihan naman niya. 😊

Magbasa pa
4y ago

Di nako nag attempt sis na magpaliwanag kase baka sabihin nagmamarunong pa ako sa kanila

VIP Member

Magmatigas ka po mommy. Kahit itwxt mo yung pedia nyo tapos ipakita mo sa kanila yung reply. Problem ko din yun sa mga matatanda kasi gusto nila laging balot na balot si LO tapos bawal electric fan eh pawis na pawis na anak ko. Sabi ko hindi naman pwede ganun maheat stroke anak ko. Di bale na masungit tingin nila sayo, di naman sila sasagot pag may nangyari sa anak mo.

Magbasa pa

Reply ka lng nang ok... hihihi di namn kayo nakatira sakanila so di nila malalaman na di mo pa pinapakain c baby😊😊😊 ang mama ko rin sinabihan ako na pakainin na kasi 5months na baby ko, di ko sinunod sabi ko sa kanya kapag 6months na ang baby ko jan ko na papakainin... at the end momsh ikaw pa rin masusunod kung paano mo palakihin/alagaan c LO mo...😊😊😊

Magbasa pa
4y ago

tama ,wala naman sila magagawa kung di mo sila susundin . Tsaka kung sakali na sinunod mo sila tapos napahamak un anak mo ikaw pa ang sisihin ng mga yan . Kung anu ang tingin mo ay tama un ang sundin mo . Kapag nagtanung sila sabhin mo na lang na sige pero wag mo gagawin sa baby mo baka mapahamak pa ang anak mo.

mil ko nga newborn plng pinainom na ng mga herbal para dw sa taon nya hayss grabe naiiyak nlng ako minsan pag napainom n kase tinatapat nyang ipainom pagka pinahawak sknya at alm nyang my ggwin ako. Sabi ko sa lip ko sabihan na wag munang painumin ng mga Kung ano2x,. kc pag ako nagsabi hnd ako ppkinggan kc dw first time mom hayyss.. kasma ko pnmm sa bhay

Magbasa pa
4y ago

I feel you sis.. Ung first baby ko nga noon gusto painomin ng castor oil pra mkatae dw... Nyeta..

VIP Member

Ako dati momsh.. sinasabi ko okay po. Tapos pagnangumusta sila sasabihin ko.. nakalimutan ko po 😅 haha. Tas sasabihin ko nagiging makakalimutin na po kase ako start manganak. Ganun lang momsh. Para din di na magkasamaan ng loob. Sila naman ganun gusto nila mangyare kase ganun ginawa nila pero kase tayo naman ang nanay so tayo pa din masusunod.

Magbasa pa