Home remedies for uti

Hello po, sabi sakin ng kakilala ko may uti daw po ako, ang next schedule ko pa po sa ob ko is july 9 pa. sa public hospital lang kasi ako ano kayang pwedeng remedies para di sya lumala? pls accommodate me😭 nag woworried ako sa baby ko.

Home remedies for uti
27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi ma. mataas po yung 40-45.. pero don't worry ma di ka nagiisa and makukuha yan sa tamang diet, hygiene and if bigyan ka ng antibiotics itake mo po. Ganyan din ako ma may UTi nung buntis.. di bumababa sa normal pus cells yung sakin.. pero ang laking tulong na hydrated ka (water .. pagsawa na sa water buko juice naman).. nakatulong din talaga saking malaki yung dahon ng pandang lalaki ma.. yung may tusok2 sa gilid.. pinapakuluan ko yun tapos iniinom atleast maka 1L akong ganun. Tinanong ko rin si OB about that naging okay naman.. and nirecommend ko rin sa friends ko, nagwork naman din sakanila.. try mo ma! 😊

Magbasa pa
3y ago

yes ma.. malaking help ang water therapy .. pero pagmataas talaga wag ka magatabuli na inumin yung bigay ni doc na antibiotic.. kasi ganyan din ako noon hesitant pero sinundan ko parin dahil sa mga nabasa ko e TRUST YOUR OB palagi. totoo naman okay naman si baby. mahirap kasi na makuha ni baby yung infection. kaya ayun.. iwas din sa maaalat para di magkawater retention parang manas ganun.

VIP Member

buti nga sayo few lang yung bacteria mo mamsh. yung akin nga many tsaka yung epithelial cells ko rin many tapos sabi lang ng doctor sakin okay naman normal lang. pero di parin ako nagpakampante uminom parin ako ng maraming tubig tsaka buko juice everyday nun ngayon water nalang mga 2-3L a day lessen lang din sa foods na nagcacause ng UTI. hygiene din mamsh wash pempem pagkatapos umihi tapos magwipe ako ng towels or tissue para di basa si puday.

Magbasa pa
3y ago

okay lang yan mamsh para sakin mas better na walang symptoms kasi di ka maiistress kakaisip sa sitwasyon mo. Sasabihan ka naman ni Ob pag nakatingin na sya sa lab mo, para mas maging kampante ka pwede mo naman ipabasa yan sa Ob mo nextweek pwede ka naman magpaschedule anytime, ako nga malapit na maging bahay ko yung clinic ni doc kasi halos everyweek ako pumupunta. 😂 Kaya wag pakastress mamiii Sabayan mo lang ng dasal mamsh ♥️😇

Hello po sis 9weeks pregnant po.. Nung nalaman kopo na buntis ako 8weeks preggy na po ako nagpa test po ako ng urine acute lng po ung uti ko then niresitahan ako antibiotic ng 7days pagkacheck po ulet lumala then nag gamot po ulet ako for 3days na antibiotic peru ininom kopo un hanggang may nkapagsabi po saken na pang hugas is ung delmonte na suka very effective po nawala po ung uti ko sana makatulong

Magbasa pa
3y ago

Isang tabong tubig po at ung takip ng delmonte vinegar 2 takip lng po nun un na po pinanghuhugas ko

May UTI po kayo. Medyo mataas po yung sneo kasi 0-6 lang daw po ang normal as per my OB. Ako po 5-10 yung PUS Cells ko and niresetahan ng antibiotic for 1 week and pinagrest for 2 weeks. Inom ng maraming maraming tubig. Maghugas po after magwiwi. Pero much better po macheck up na po agad kayo para maresetahan po kayo ng tamang gamot.

Magbasa pa

inom ka po lagi ng tubig. pwede rin buko juice. hugas din po lagi sa pem. if gumagamit ng feminine wash, once a day lang and make sure nabanlawan mabuti. extra tip na rin po mamsh: if mag urinalysis ka ulit, mid-stream po dapat sahurin nyo. wag po unang ihi or patapos na kasi loaded ng bacteria po yun. get well soon po.

Magbasa pa
TapFluencer

My UTI Ka moms mataas po PLUS CELL mo 40-45 update mo po si ob mo para mabigyan ka ng antibiotic.. Ganyan din ako ung una 5-10 plus cell ko after ko uminim ng antibiotic for 1week hindi umepek un gamot mas tumaas pa 27-30 ngaun plus cell ko kaya pla sumasakit balakang ko.. Mataas uti ko..

luh mii ang taas ng PUS mo po. please consult to your OB immediately. kasi mataas po yan, wag nyo na po sana hintayin next check up niyo sa July. need nyo na po magresitahan ng antibiotics niyan. Medyo Delikado po sa nagbubuntis ang UTI mi... Habang maaga pa po pa-check up na po kau.

haynako sis ako nga 1 month na umiinom ng gamot ayawpadin mawala. pinagrest muna ko sa antibiotics. sa halip na bumaba yung sakin, lalong tumataas ma. 35-38 😢 more on water naman ako tsaka nagbubuko juice din ako halos araw araw. bat kaya ganon! 😢

3y ago

magpa-Urine Culture kau mii para madetect kung bakit di po bumababa kht nag antibiotics na po kau.

TapFluencer

Pag may reseta sayo take mo gamot mo wag papalya sa oras, kung Ayaw pdin pa urine culture ka. Then good hygiene nadin down there wag hayaang basa,ask ka sa ob ano fem wash pwede nakalimutan ko na kasi Ung gamit ko nun,iwas sa maalat, more water.

Hindi pa naman yan sobrang lala mommy, Few palang parang nag uumpisa palang yung UTI mo if Loaded yang nasa bacteria mo dun mona kailangan mag antibiotic, for now water kalang mommy iwas sa salty foods mawawala din yan.

3y ago

masyado pong mataas yang sayo mommy pacheck nyo napo iyan para maagapan . Yung sakin po 25-30 pinag antibiotic napo ako after 1week nagnormal napo uli . basta more on water and fresh buko juice po kayo nakakahelp po iyon :)