Payo para sa mag-isa habang buntis

Hello po, I am just 19 years old, and naka-buntis po sa 'kin ay 18 years old, alam na po ng mother niya and hindi nila masabi sa father niya up until now, hiwalay na din po kami. Gusto ko lang po mang-hingi payo on what to do kasi hindi naman din kami mayaman, but my parents told me to continue it po, pinutol ko na rin po ugnayan ko sa mother ni guy kasi wala din naman po sila pagkukusa. Salamat po.

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for you ate pkatatag ka kaya mu yan! belve nga ako sau at pnagpatuloy mu dyn palang hanga na ako sau lhat nmn tayo ngkakamali ng dcxon sa buhay at dhil dyn sana kapulotan mu ng aral. sana after nyan tapusin mu pag aaral mu hnd para sau kundi para na din sa baby mu na mbgyan mu sya ng mgndang buhay w/o his/her father. yaan mu na un wag mu na clang intndhin sa ngaun. punta ka sa health center ninyo para libre ung chck up mu icpn mu swete ka pa din at andyn mga magulang mu na tanggap ung stwasyon mu at umaalalay sau. kakastress tlga sa una yan unti unti mkakapag adjust ka naman. sana after that mgicp ka ng goal mu wc sana mkapagtapos ka. yaan mu na ung ssbhin ng iba just continue and mg pray ka kay god at mgpasalamat sa araw araw. cnasabi ko agad sau hnd gnun kadali ang pagdadaanan mu andaming mgbabago pag my anak kana PROMISE!! in time pag lumabas na c baby I think marrealize din ng ex mu at magulang nya ung lahat kc ung iba pag mkita nka ung apo nla hnd nmn din cla mkakatiis at ngkakaayos din. sana mangyari sa iyo kc alam ko bilang nanay din gsto ntn my dather ung anak ntn. wag ka mgpakastress sa ngaun hnd mgnda kay baby yan. praying for you at kay baby muπŸ™πŸ™β€β€ dasal ka lang walang imposible kay godπŸ™πŸ™ kaya mu yanπŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

Magbasa pa
TapFluencer

i don't support teenage pregnancy pero 'di mo deserve ng hate. payo ko sa'yo, huwag ka muna papasok sa isang relationship ulit to avoid another pregnancy and complications. focus on yourself especially sa magiging anak mo. you're lucky since suportado ka rin ng parents mo, hindi ka nila itinakwil. be thanful and bumawi ka sa kanila. magtrabaho ka rin para sa ikabubuhay nyong dalawa ng baby mo, huwag lang iasa sa mga magulang ang financial lalong-lalo na ang pag-aalaga ng anak mo. matuto kang mag-alaga and magtaguyod ng kinabukasan nya. if gusto mo pa mag-aral, go ahead para magkaroon ka rin ng mas magandang chances sa careers. side line ka na lang while studying. alam kong nakakatakot pero dapat mong tapangan dahil may anak ka nang umaasa sa'yo at kailangan ng lakas mo. be independent and strong. payo ko rin, wag mo hayaan na walang ambag sa responsibility ung jowa mo. mamimihasa yan. huwag mo saluhin lahat ng responsibility, parehas nyong binuo ang baby, dapat tulungan kayo kahit hiwalay na. kaya mo yan. pray and learn to forgive yourself pero dapat matuto ka rin. maging wise na lalo na ngayong magkaka-anak ka na.

Magbasa pa

Hi 26 yrs old here and on the same situation, naghiwalay kami during my pregnancy (it's almost my due date btw 😁). Hayaan mo na yung lalaki, for now focus ka sa health mo, kay baby, so yes ituloy mo yan! Walang kasalanan si baby sa mga nangyari kaya di dapat siya madamay. Sa gastos? Oo sobrang hirap, lalo na't literal ako lang lahat (no support from the guy since day 1 and may edad na rin parents ko), good thing na may maayos ako na trabaho. Pero if you need help with finances during pregnancy, pwede ka naman pa-checkup sa health center sa barangay niyo, libre lang pati vitamins. Hindi lang maiiwasan gastos if irequire ka ng mga tests like ultrasounds. Pero at least once every trimester lang naman yun, para ma-monitor si baby. For delivery naman, start ka na mag hanap ng lying in para mura or public hospitals. Kaya mo yan mommy! Bata ka pa naman, sure na healthy yan si baby kaya ituloy mo lang, just avoid stress. And congrats nga pala for the new life, consider it a blessing from God! πŸ₯°

Magbasa pa

hi soon to be momma! continue mo lang po then balik ulit sa pag aaral after mo po manganak. hindi mo pa man ramdam ngayon pero blessed po kayo kc maaga darating yung little one mo and pag nasa 30's ka na mamshie naku makikita mo na malaki na little one na magkasingtangkad na kayo. sana wag mo na pong ulitin at continue mo na po ang pagbabagong buhay. hindi madali ang daraanan mo pero makakaya mo yan mamshie! ako late na akong naglandi mga early 30's kc inuna ko muna ang profession ko pero naiisip ko din maigi din pala ang mga batchmates kong highschool na nabuntis kc malalaki na yung kanilang mga anak at ngayon chill nalang sila sa kanilang buhay habang ako pasimula palang sa motherhood journey. may pros and cons naman ang maagang mabuntis pero nasasaiyo na yan mamshie hiw to handle and bloom sa pagsubok na pinagdadaanan mo. wag mawalan ng pag asa! God will always make a way when it seems to be no way ❀

Magbasa pa
2y ago

same here momshie. 8yrs kaming magbf/gf bago ni hubby bago magpakasal. 30 ako ngayon 29weeks preggy sa 1st baby namin. si huuby naman 36yrs old na. napapag usapan namin minsan sana pala maaga kami nagpakasal. naiinggit kami sa mga kapatid namin na mas bata pero ang lalake na ng mga anak nila. gayunpaman wala naman dpt pagsisihan. sabi mo nga may cons and pros. at least kami may mga aspects na stable bago dumating si baby. pag asawahin nalang namin ng maaga para magkaapo kami agad πŸ˜…

bakit ka naka anonymous? after mo ba mag post nyan mang hihingi kana din? hehe. baka namn ibig mong sabihin na madaming utang sa tindahan eh yong mga magulang ng mga batang ina na lalo nag hirap dahil sa pagkakamali ng anak nila. kasi ganyan sitwasyon ngayon nitong kapitbahay namen. sobrang haba ng listahan sa tindahan pati mga kapitbahay nya may utang din sila. ay pano ko nalaman? sya mismo nag kukwento saken habang umiiyak. tapos sasabihin nyong blessing? depende yan sa sitwasyon. hindi yan applicable sa lahat. kaya wag kayo magsalita na parang alam nyo lahat. at sa mga batang inang nag comment dito wag kayo umasta na parang di nahirapan magulang nyo sa pag taguyod ng anak nyo. maawa kayo sa mga magulang nyo. nag comment ako dito di para mang hingi, manager ang asawa ko at supervisor namn ako sa real estate company. napaaga lang pag reretire dahil nabuntis ako ulet matanda na medyo maselan.

Magbasa pa

when i read this kind of things i am really thankful for my mom on how the way she raise me.. instead enjoying your youth, here you are having the important reponsibility and experiencing it without a partner. sad youth. i have a 19 yrold sister mga pinoproblema lang nya mga school works nya and on how to maintain her dean lister.. when im 19 naman i just graduated in college.. pursude my career.. getting married at 26 and decided to get pregnant at 29 with a loving husband (currently 19weeks pregnant now). everything will go into plan naman bat ka nagmadali? wag ka makisabay sa karamihan ngayon na puro kapusukan pinapairal.. well your one of them na naman. just stay strong for your baby pa check up ka sa center may mga libreng gamot silang binigay and vaccine also if they cater free paanakan. bumawi ka sa parent mo once na naka ahon ka. godbless.

Magbasa pa

I was 15 years old when I got pregnant sa first baby ko and now 25 years old nako. Nag buntis ako at naka raos ako ng di alam ng side ng lalaki 4 months palang ang anak ko wala na kami ng father niya. Kahit nalaman ng parents niya wala kaming masyadong natanggap sa kanila sa pangangailangan ng bata. Ngayong 9 years old na ang anak ko medyo financial stable na. Mahirap na masaya habang kasama ko ang anak ko sa mga pagsubok na dumadating sa amin. Sana ipag buntis mo ng walang masyadong sama ng loob yang baby mo kasi madadala ng baby yan makikita mo sa pag laki niya matatakutin mahina ang loob. Mag focus ka sa inyo ng baby mo be strong po alam kung di madali pag dadaanan mo. At ng naka raos ako sa anak ko nag aral ako ulit at naka pag tapos ako hanggang 2 years course college. Di magiging hadlang si baby pag gusto mo ulit mag tapos.

Magbasa pa

Ibang comment dito akala mo perfect eh. Syempre, hindi talaga dapat suportahan ang teenage pregnancy. Nagkasala sya sa magulang nya, oo pero sa inyo, hindi. Nandyan na yan eh. Mas gugustuhin nyo ba na pinalaglag nya na lang? Sigurado mas marami syang negative na maririnig dito kung yun ang sinabi nya. Advice ko lang, dahil hirap kayo sa finances, ipa-barangay mo nangbuntis sa 'yo para marequire na mag-abot ng sustento. Kapalan mo mukha mo kasi may bata na involve. Ngayon, kapag nakaraos ka na, bumalik ka sa pag-aaral. Nagkamali ka na, bumangon ka ulit. Mahirap na competition ngayon, kahit tapos, hirap maghanap ng trabaho. Paano ka pa kaya di ba? Gawin mo lahat para masuportahan anak mo. Dahil wala syang kasalanan sa lahat ng nangyari.

Magbasa pa

ayos lang yan. at least habang maaga alam na hilatsa ng side ni guy. ngayon, panindigan mo na naging desisyon na putulin na rin conn sa mom ni guy. it's never too late naman girl. kayang kaya yan. basta ngayon mulat ka na at maging wais sa mga magiging desisyon mo dahil nakasalalay na rin dito ang future ng anak mo. whether you are a teen or not, yan maipapayo ko. move on with your life, grab the opportunities. kasi wala namang nagbago o nabawas sayo, nakatanggap ka pa nga ng blessing from God. so treasure your child ngayon pa lang. stay strong and stay out of negative energy sa buhay mo or community like this. di maiiwasan yang mga opinion nila. just take it as a lesson, wala sila sa sitwasyon mo para husgahan ka basta.

Magbasa pa

noong nabuntis ako way back 2014 i want to hear positive support too. Wala akong village na susuporta sakin or family. sayo sender. tapangan mo lang sa buhay at ayusin na mga disisyon sa buhay. wag na muna maglovelife. wag na asahan ang lalaki. nagkamali kana. wag na ulitin. kahit nabuntis ako na bata pa.., i do not support teenage pregnancy. nakikita ko ngayon kung difference na naibigay ko sa panganay ko versus sa sumunod kong baby after 8 years. ngayong kasal.na ko at may work. hindi ikaw ang kawawa kundi ang bata so take all the feedback and also take the positive response. kakayanin mo yan. Wala tayong choice at wala ring choice ang baby mo. call.out to God. he will never leave you.

Magbasa pa