How to confess to parents that ur pregnant
I am 23 years old and I am now 5 months pregnant and still hindi pa alam ng Family ko, alam na ng boyfriend's family ko and there waiting for me to tell it to my Family and still wala pa po akong idea how. Baka matutulungan nyo ako ng suggestions how to confess po sa family ko (walang parents only to my Grandparent Lola and Aunties)
woah same sis 23yrs old and 5mos preggy ako nung umamim kami, days before ako umakyan ng stage para tumanggap ng college diploma. seriously, the presence of your bf is really important lalo kung hindi mo kaya mag isa (knowing na some of filipino parents are strict diba). harapin nyong sabay at mag handa kayo ng lines nyo I know naman na may alam kayo kung ano sasabihin at itatanong nila. just be ready and wag kayo magagalit if mapagsasabihan at kakagalitan kayo, kayo mag papa kumbaba. In my case swerte pa ko kasi the day na naconfirm ko sa ultrasound si baby nung hapon, kinagabihan kinausap na ni bf (that time) mga tita ko para umamin at humingi ng tulong magpaliwanag sa mom ko. yun bang paralang may magpapakalma na " nanjan na yan tanggapin nalang" and other words na makakapag pigil sa sobrang galit ng mom ko. (she has problem in her heart so kailangan talaga may other opinions regarding sa situation, plus wala na dad ko kaya mom ko lang mag isa). kinabukasan ako naman mag isa umamin kay nanay na buntis nga ako, while my aunt's ay nasa labas, pumasok lang sila nung narinig na nila pag amin ko at malapit na magalit si nanay. after that, parents and tita naman ni bf ang pumunta sa bahay para makipag usap tungkol sa mga plano sa buhay namin dalawa (may tawag don nakalimutan ko lang)
Magbasa paAko din dko alam paano sabihin noon ...24 y.o. ako at Malaki expectations nila sa akn pati mga auntie ko kase nagtulong tulong sila para makapag aral ako ... Gusto nila makapagtrabaho muna ako ng permanente at umangat ng kahit konti sa buhay makatulong sa kapatid at magulang bago ako mag asawa . pero dkorin expect na nabuntis ako at 3 months na nong nalaman ko rin ... nung una may maririnig ka talaga kase nga disappointed sila at pati rin ako disappointed sa sarili ko kaya panay iyak ako noon na mag isa . sinasabi s sarili kung maibabalik ko ang oras d ko eto gugustuhin muna. kase dko alam future ng baby ko wala pa ako permanente trabaho kahit nakapag aral ako at board passer.. pati bf ko wala din pero masipag sya at responsable. Natanggap dn nila sa huli although kahit wala ka ng maririnig sa kanila pero i know deep down inside disappointed talaga sila. Kaya sabi ko after these itutuloy ko mga pangarap ko kase marami talaga ako pangarap for me for my family and for my future family. Mag isa ko lang pala nagsabi kase ldr kami ng bf ko.
Magbasa paTama po yung sabi na isama nyo po si partner pag confess. Ako po 26 yrs old na takot pa rin nung sinabi namin pero bago po malaman sobrang tago pa po ko pero yung partner ko po mismo nag sabi na sya mag sasabi sa mommy ko about my pregnancy, nag usap sila ng masinsinan na silang dalawa lang na until now di ko alam ano napag usapan nila hahaha. Since wala po yung daddy ko dahil nasa ibang bansa ako na lang po nag sabi ayun galit na galit till now pero atleast po nasabi na namin. Sobrang hirap po mag tago sa family jusko kahit nakakaramdam na. I’m on 32nd week na po and ngayon excited na po mommy ko kay baby pati po side sa side ni partner. Kaya nyo po yan basta mag kasama kayong dalawa. Trust God and everything will be alright para di rin po kayo mastress ni baby 🤍
Magbasa paI think mas maganda isama mo si partner mo sa pag confess na buntis ka.. mas ok yun kasi makikita nila na malinis ang hangarin at paninindigan kayo ni BF mo.. 23yo ka na rin naman means adult ka na.. kaya nasa stage na din na pwede ka na magka pamilya.. nauna ngalang ang pagbubuntis bago ang kasal.. kung mapag sabihan kayo normal lang yun.. tanggapin niyo at ayusin niyo ni BF ang buhay niyo para kay baby.. pakita niyo sakanila na kaya niyo panindigan pareho ang pagkakaroon ng sarili niyong pamilya. Godbless
Magbasa paYung sakin sis 24yrs old ako. 1month pa ata tiyan ko or 3wks sinabi na namin sa fam ko with my boyfriend. Tanggap naman nila kc yung bf ko nun na asawa ko na ngaun is may job na and ako din. Sad sila kasi syempre from religious fam ako mas gusto kasal muna. Pero kinasal kami turning 7mos tiyan ko sa Church talaga. Happy naman. Natatakot ako nun kasi yung mga ate ko early nabuntis. Pero now preggy with our 2nd baby na.
Magbasa paSabihin mo na. Magpasama ka sa bf mo. Sabihin mo in a right time and place. Mag set ka ng maayos na dinner sa bahay niyo and formal mong sabihin after niyo kumain. Tanggapin mo lahat ng maririnig mo. In the end, they will support you dahil nandyan na yan.
Sabihin mo nalang sa parents mo sa una hindi nila magugustuhan pero pag nakita na nila yung baby mo trust me, Worth it lahat