buntis po ako at last dalaw ko po is december pa, until now wala pa po akong check-up at vitamins.

19 years old palang po kasi ako, wala din pong alam yung parents ko kasi baka palayasin po ulit ako ng madrasta ko.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello. wag ka makikinig dun sa mga nagcocoment na sila wala silang ni isang checkup pero ok naman sila. tapos sasabihin ang sungit dun sa pinag anakan kasi pinagalitan e in the first place ung pupuntahang ospital/paanakan e walang idea sa kalagayan nung baby sa tiyan at nanay tapos kapag may nangyaring masama, isisisi sa ospital. 🙄 ang checkup para makasigurado ka na ok si baby sa tiyan, hindi gastos, hindi kaartehan. same as vitamins na bakit daw noon, wala naman nyan. iba ang panahon noon sa panahon ngayon. ngayon, in ur situation, consequence yan ng action mo kaya kailangan mong harapin. itago mo man yan, eventually, malalaman din naman nila, sasama loob nila and such so why bother na patagalin? lalo lang kayong magiging alanganin ng baby mo. masstress pa kayong dalawa. 19 kana, altho nasa teen pero alam mo na ang tama at mali. nung pumayag ka makipag sex, alam mo ng mali yang ginawa mo. since 19 kana, pilitin mo na sanang gawin ang mga tama like magpa check up kahit sa center. kung papairalin mo ung kesyo bata ka pa, walang mangyayari sayo. masakit ako magsalita pero kailangan mo yan para matuto ka sa buhay. mahirap ang buhay ngayon.

Magbasa pa

19yrs old lang din ako nabuntis last year and april nanganak ako. Buti sumakto na may pera kami ng partner ko at never ako nakamissed ng vitamins at check up ng baby ko hindi kami natakot magsabi sa parents namin dahil alam namin yun ang best way kahit meron naman kami hawak na pera inasikaso agad namin sss at philhealth thank god naka 70k at 10k less sa philhealth dahil 35k bill ko sa lying in. Mas okay na maaga palang itama mona. Nandyan na yan wag mo sana idamay baby sa kapabayaan mo. Alagaan mo sa check up at vutamins dahil hindi naman ikaw ang magsusuffer kapag nagkaproblem si baby kundi sya mismo.

Magbasa pa
1y ago

No, self employed ako and 2600 Binayadan ko in 6months so nakakuha ako ng 70k.

better tell ur parents first, accept mo lahat ng mangyayari.. magagalit sila of course.. parents sila ehhh.. but mas alam nila kung anu mkakabuti sayo... im sure they will not ask you to lose the baby.. but xempre there is a lot of things that they will come out from their mouth... their words might hurt you... but in the end.. sila p rin makakatulong sau... msarap dalhin ang baby ng walang parents na galit sau or may tampo sau.. pray first then tell them.. ❤❤❤

Magbasa pa
VIP Member

Pwede ka pumunta sa pinakamalapit na health center ng barangay nyo, pwede ka magpacheck up ng libre at bibigyan ka nila ng vitamins. Kailangan mo alagaan ang sarili mo para sainyonh dalawa ng baby mo. Pero kailangan mo pa rin sabihin ang kalagayan mo sa pamilya mo, sila ang makakatulong sayo lalo pa may mga laboratory at ultrasound na dapat ipagawa ang buntis.

Magbasa pa

Bili ka kahit folic acid with ferrous mi mura lang naman yun, need talaga ng vits sa pag buntis para sa development ni baby. Same din po tayo, 21 na ako na buntis din po takot din ako nun pero buti yung asawa ko ngayon sinamahan niya akong harapin to. Kaya mo yan mi, kung magalit man sila hayaan mo nalang ganun po talaga di natin mapipigilan galit nila.

Magbasa pa

Sà health center sis libre lang lahat wala kang babayaran doon basta mag tyaga kalang sa pila , last December papo yung dalaw nyo so ilang weeks napo yan? Wala manlang vitamins yung baby nyo hindi din po kayo matatanggap kapag nanganak na kayo sa mga public hospital kung walang records miski sa health center .

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miii .. Sa health center ng baranggay nyo libre ang check up & vitamins. They will guide you as well if necessary. Itry mong mag ask kung pwede ka sa dswd shelters para kahit palayasin ka sa Inyo may matutulugan at makakainan kayo ni baby mo. Alam ba ng father ng anak mo na buntis ka?

same tayo sis last mens ko December currently 27 weeks na ko ngayon, nag pa check up at ultra sound ako last week ok naman daw si baby, late ko na din kase nalaman akala ko kase mens ko yung spottings ko last few months, niresetahan ako ng ob ng vitamins at pinag papalabaratory nadin ako

HELLO PO, THANKYOU PO SA MGA NAGBIGAY NG ADVICE AND HINDI AKO JINUDGE. MALAKING TULONG NA PO YUNG MGA SIMPLE WORDS NA NABASA KO GALING SAINYO NA NAGPALAKAS DIN NG LOOB KO. I’M READY NA PO NA SABIHIN SA FAMILY KO BUKAS AFTER GRADUATION KO. THANKYOU PO ULIT AND GOD BLESS Y’ALL.

pwede Ka po pumunta sa health center nyo. tsaka mas mabuti na ipaalam mo po sa Parents mo na buntis Ka. nakakatakot talaga pero walang magulang ang tatalikod sa anak na ganyan ang sitwasyon.

Related Articles