Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

839 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy ayoko mag paka harsh sayo pero siguro naman po umpisa pa lang alam mo na may pamilya yung lalaki na bumuntis sayo diba at pangalwa ayaw mo naman pala mabuntis sana kung di kayang pigilan ang tawag ng laman sana nag condom kayo..nakakaawa naman ang baby sya ang mag ssuffer sa mga ginawa nyo..pagkatapos ng ligaya papatayin nyo ang batang walang kamuwang muwang maraming ina ang gustong magkaanak pero di mabiyayaan ikaw anjan na gusto mo naman kitilin..lahat ng tao may pagsubok sa buhay tatagan mo at malalampasan mo yan..anak ka parin nila at matatanggap ka ..ako nga nung sa unang baby ko 18 lang ako nag iisa akong anak nag aaral..gustong ipalalaglag ng ama ng anak ko yung baby ko pero di ko ginawa..nakipag hiwalay ako saknya binuhay ko mag isa ang anak ko nagalit magulang ko pero tinanggap parin nila ako..at mag 11 yrs old na ang anak ko ngayon..nakaya ko mag isa at makakaya mo din..aanhin mo ang sasabihin ng ibang tao hinde yun nakakamatay..isipin mo ang bata sa loob mo..

Magbasa pa
4y ago

hayysss kaya nga mommy alam nyang may matris sya dapat naisip na nya na magkakalaman yun pag nakipag sex sya jusme nakakaawa naman ang baby..sana sa mga mommy na lang na gustong magkaanak sila napunta..

I think you’re a very selfish and immature person that needs to grow up and suck up your responsibility. Naiisip mo ngayon paano na ang career mo and ang studies mo. Naiisip mo na magagalit sayo ang pamilya mo at makakarinig ka ng mga salitang masasakit. Naiisip mo ngayon na mahihirapan ka kasi single mom ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. Girl, I think you need to re-evaluate yourself. Naisip mo ba yung pamilya na masisira nung pumatol ka sa may asawa? Naisip mo ba yung pamilya/mga magulang mo na masasaktan dahil despite na pinag aral at minahal ka eh yan ang igaganti mo sa kanila? Naisip mo din ba ang mga babaeng gustong gustong mabuntis dito sa app na ‘to at mababasa ‘tong pinost mo? Higit sa lahat naisip mo ba ang long term effects ng pag inom ng kung anu anong pills jan sa bata sa sinapupunan mo? You need help. Hindi ang pagiging buntis sa lalaking may asawa na ang pinakamalaking problema mo ngayon kundi yang pagkamadamot mo.

Magbasa pa
Super Mum

Ngpapa advise kpa tapos uminom ka na ng aspirin, di kba natakot sa Diyos, pano kung my mangyari jan sa anak mo, oo nga gusto mo xang ipa abort pero pano kung di yan mkuha? Pglabas ng baby, wla lang snang annormalities yan or mga birth defects kung hindi pgsisihan mo yan hbang buhay.. blessing po yan, tanggapin mo nlng ung mga sermon. Normal lang na mgalit cla. Alangan nmn mging hapi cla sa ginawa mo? Tapos dun pa tlga sa my pamilya.. nung ginawa nyo yan di nyo ba naisip ung consequences? Palibhasa sarili nyo lng iniisip nyo. Panindigan mo yan. Be strong and have courage, if i were you sabihan mo yung parents mo sa situation mo and then hayaan mo na mgsustento nlng ung nkabuntis sayo and pwede ka nmng mgpatuloy sa mga pangarap mo, di yan hadlang. Di ka nmn nag.iisa mrami nmng gnyan ung sitwasyon. Anjan na yan so better face it. And pls humingi ka ng tawad sa Panginoon sa ginawa mo and wag mo ng ulitin yan. Godbless sa inyo.

Magbasa pa

Im also 20 yrs old. Im not ready to become a mother tapos iniwan pa ko ng boyfriend ko nung nalaman nyang preggy ako tapos always nyang sinasabi before nya ko iwan is palaglag ko kesyo wala daw akong maibibigay na magandang buhay.Pero tinuloy ko kasi alam kong kasalanan. kasalanan na nga mkipagtalik ng di kasal sa mata ng diyos tapos gagawa ka pa ng isa pang kasalanan sa diyos and hindi ka papatahimikin ng konsensya mo sis kung ipapalaglag mo sya swear. Isipin mo nalang kaya dumating yang baby mo is para magkaroon ka ng inspiration at maging matatag ka para lumaban sa hamon ng buhay My mom is also really strict nung una di ko alam kung pano ko sasabihin kasi alam kong madidisapoint sya sakin kasi sobrang taas ng tingin nya sakin pero nandyan mga pinsan at kapatid ko they help me to say. ngayon inaalagaan na ko ng mama ko. nararamdaman kong excited na sya sa baby ko. Matatanggap ka ng pamilya mo❤ Always pray🙏

Magbasa pa
5y ago

Very well said.. 👆

Think many times be 😊☺️ For now magulo isip mo dahil sa mga tao na nasa paligid mo at mga nakaka kilala sayo pero be, Ikaw, Ikaw ang makakatulong sa sarili mo magalit man ang parents mo it's normal reaction specially sa nangyare sayo ganon talaga. Pero pasa saan pat lilipas din ang galit nila. Lahat ng galit na ipapa ramdam nila sayo tanggapin mo. Kasi yun Ang kapalit ng mga ginawa mo. Pero one thing pakita mo na. Oo nagkamali ka pero maitatama mo ito pag pinagpatuloy mo ang pagiging ina at pag harap sa responsibilidad. Hindi mo pwede takasan ang katotohanan na magkakaanak kana ipalaglag mo man yan o Hindi. Madaming ka bataan ngayon ang humaharap sa ganyan problema. Madaming nasasabi ang iba pero Wala naman tayong magagawa diba. Pagpatuloy mo yan dahil ang batang nasa Tiyan mo ang siyang magiging inspirasyon at siya ang makakasama mo pag dumating ang araw naiiwanan kana ng lahat. 💕 Hugs and prayers

Magbasa pa

Once po kasi na nagpatusok po, kayo make sure na handa na po kayo sa mangyayari or atleast kaya nyo po panindigan ang consequences after magpajugjug, and sana din po sa single. Pero dahil andyan na po si Baby wag nyo pong ibunton ang pagkakamali nyo o pagiging careless kc di po yun kasalanan ni baby. Panindigan nyo po, alagaan at palakihin and since magpupulis po kayo, siguro po alam nyo na part ng mga karapatan ng mga bata ang mabuhay.... Pag may gnawa po kayong bad kay baby ngayon. Tatak nyo po sa isip nyo HABANG BUHAY NYO PO YANG PAGSISIHAN. And same po tayo i was 20 po ng nabuntis and that time po nag aaral pa po ako and now. Masayang masaya po ako with my Little B. And now part na po ng HAPPINESS ng bahay namin ang baby ko. Though ang pagkakaiba lang natin, ni minsan di pumasok sa isip ko na may gawing bad sa bata. Isip ka po ng mabuti☺. God Bless you.

Magbasa pa

Gago ka ba. itong comment ko ay hindi para icomfort ka ineng. Nagpaiyot ka SA MAY PAMILYA PA! di ka bagay mag pulis! Wag mo na dagdagan mga siraulong pulis, nahahaluan nyo mga matitino eh. Mas mabuti nalang na sabihin mo sa magulang mo yan at makarinig ka ng masasakit na salita, kasi ang salita at galit nila, sandali lang yan. Pero yung papatayin mo ang bata WALANG KAPATAWARAN YUN, HABANG BUHAY MO DADALHIN YUN. kung ako sayo wag mo na contakin yung nakabuntis sayo, oo, parehas kayo nasaktan ikaw at yung pamilya ng lalaki nasaktan, pero isipin mo kung magkakaroon pa kayo ng koneksyon ng lalaki na yun sa tingin mo ikatutuwa ng magulang mo na yung anak nila ay "kabit" sa tingin mo pag pinanagutan ka nung lalaki iiwan nya ang anak at asawa nya? Hindi. Babalik at babalik yun dun at ikaw lang ang masasaktan ng paulit ulit. Sabihin mo na yan sa magulang mo kesa maging kriminal ka pa.

Magbasa pa

Anak ako ng isang nanay na maaga nabuntis, hindi naging perpekto ang buhay nila pero hindi ako mabubuo kung hindi nangyare yun. My point is, walang perpektong sitwasyon . Kahit sa mga panahong handang handa ka na, kasal sa isang mabuting asawa, hindi ka nakakaguarantee na mabubuntis ka agad o kung mabubuntis ka pa. Sa ngayon hindi mo yan maiintindihan, pero there is always beauty in every distaster. Wag mong palitan ang isang pagkakamali ng isa oang pagkakamali. Ngayon, you took matters on your own. Pero kung magpapatuloy ang baby mo sa tiyan mo, please ituloy mo na. Ibig sabihin lang non isa siyang anghel na pinagkaloob talaga sayo. You take care of yourself, tao ka lang nagkakamali, pero yang baby mo hindi siya pagkakamali. Siya yung angel na maglilugtas sayo sa mga sins mo. Siya yung naging wake up call mo na stop mo na yung affair mo sa may asawa di ba? Marami pa siyang hatid na kabutihan para sayo.

Magbasa pa
5y ago

Tama.

kung takot ka sa family mo, umalis ka. humanap ka trabaho. kayanin mong magisa. kasi hindi rin naman ginusto ng parents mo na pumatol ka sa may asawa. that was purely your decision. sorry pero suck it up. face the consequences. 20 years old ka na. obviously hindi ka na bata kasi kaya mo ng gumawa ng bata. kung kaya mo naman harapin takot mo, di sabihin mo sa family mo and ask for forgiveness. pati sa Diyos. pati jan sa dinadala mo. kasi wala siyang kaalam alam, gusto mo na pala siya patayin. And advice lang, wag ka na mag pulis. protector dapat ng buhay ang mga pulis. makipagusap ka ng maayos kay Lord. na gabayan ka. na ituro sayo ang tamang daan. Pinairal mo na ang emosyon mo nung pumatol ka sa may asawa, ngayon naman pairalin mo ang isip mo. Kung hindi ka nga natakot kumabit sa may sabit, di dapat mas lalong hindi ka takot na akuin ang pagkakamali mo. Huwag mo ng idamay ang bata.

Magbasa pa

Ayaw mo nyan?? Pero bumukaka ka knowing na may asawa at anak yung lalakeng nilandi mo tapos ngyn na nagbunga gusto mo mawala na lang ang baby at ipapalaglag mo? Tanga ka ba? Kalandian lang ang alam mo? Alam mo iha dapat umpisa pa lang naisip mo na yang word na sinasabi mong "ayoko po nito" kung ayaw mo ng problema... nakakagigil ka alam mo ba yun? Pasensya ka na sa mga salitang ganito ha? pero kasama yan sa mga salitang matatanggap mo talaga mula sa pamilya mo at sa ibang tao... Pero, magpakatatag ka at magdasal. Kaya mo yan. Ituloy mo ang pangarap mo kahit na buntis ka ngyn. Walang kasalanan ang batang yan kaya wag mo sya ipalaglag. May dahilan ang Diyos kung bakit binigay nya sayo ang batang yan. Mahalin mo at alagaan. Walang perpekto sa mundo, harapin mo ang problema at darating ang araw na magiging maayos ang lahat. Maging matapang ka iha ginusto mo yan kaya panindigan mo. God bless you!

Magbasa pa