Ayoko po nito
Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??
Kaya mo yan sis , same situation here, sobrang strick ng parents ko at may anak na yung naka buntis sakin ,, pero tinanggap parin nila ko at matatanggap karin nila try mong sabihin sa knila agad yung situation mo kasi habang tumatagal lalo kang nagkakasala dahil sa pag sisinungaling,, siguro s una ma didissapoint sila sau pero kailangan mong tanggapin yung consequences nandyan na yan e, kailangan mong maging strong para sa baby mo, at wag masyadong magpaka stress kawawa si baby wag mong hahayaang may mangyari sa kanyang masama baka mag sisi ka sa huli. Naalala ko nung nalaman kong preggy ako sa sobrang depress ko iniipit ko sya pag natutulog ako pero pinagsisihan ko lahat ng yun at blessed parin ako kasi walang nangyaring masama sa kanya ngayon sobrang saya ko ππ try mong kausapin baby bump mo sobrang helpful no ask a mother , and dont forget to pray. Malalagpasan mong lahat yan ππ
Magbasa paI got pregnant @ 18. Kaka debut ko pa lang ng nalaman ko na buntis ako. 2nd year college pa ako nun. Nung nlaman ng nakabuntis sakin, nag alangan siya at nag offer na ipalaglag namin. Pero ni minsan hnd sumagi sa isip ko na kitilin ang buhay na ako mismo ang gumawa. Tinapangan ko sarili ko at sinabi sa tatay ng anak ko na wla akong pakialam kung ayaw nya o gusto ung magiging anak namin. His opinion won't matter. So ayun, natauhan. Sinabi namin sa parents ko na buntis ako at pinakasalan ako nya ako. Nakapagtapos din ako ng pag aaral sa tulong at suporta ng magulang at asawa ko. Registered nurse na ako ngayon. Mas nagkaroon ako ng direksyon sa buhay ng dahil sa pamilya ko. 8 y/o na ung anak namin and we are 7 weeks otw sa 2nd baby nmin. Sometimes, bad things lead to the best things in life. Sana makapag isip ka ng maayos
Magbasa pagood day! maaring nadala ka ng bugso ng damdamin kaya nagkababy kayo agad.. pero wag na wag mong iisipin na magiging hadlang si baby para maabot mo ang dreams mo.. if you really love your parents, they should be the one to know first.. maari silang magalit, pero tatanggapin ka rin nila, just explain everything and be honest to them.. wag ka na mag keep ng secrets at dun mo mararamdaman kung gaano ka nila kamahal.. ako rin unplanned pregnancy, todo ang pag iyak ko dahil sa takot na itakwil nila ako pero naging matatag ako, sinabi ko sa kanila agad once na malaman ko at puro yakap ang natanggap ko mula sa mother ko, napaka comforting nun sis.. sabi naman sakin ng tatay ko na malaki na raw ako kaya bahala na ako, harsh words pero tinanggap ko.. ngayon due ko na next month at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila.. pa check up ka agad sis, masama yang mga unprescribed meds na ininom mo
Magbasa paAdvice lang miss bilang Ate mo hindi man kita kilala pero sana pakinggan mo. Lahat ng nangyayari sa buhay natin tayo ang may gawa walang kasalanan ang Diyos, ibang Tao, lalong lalo na yung BATA. Kung iniisip mo na ipalaglag yan?! Wag mo ng ituloy. Palaging nasa huling ang pagsisisi. Maaaring sa maling panahon at dahilan dumating ang bata pero wala syang kasalanan. Alam mo ang ginawa mo nung pumatol ka pa lang sa may asawa isa ng kasalanan sa Diyos, dadagdagan mo pa ba? Hindi ka pinalo ng diyos sa halip biniyayaan ka nya. Pahalagahan mo ang biyaya na yan. Ako namatayan ng anak at napakasakit para sakin halos mabaliw ako maaaring di mo maintindihan pero sa oras na ipalaglag mo yan at dumating ang panahon na gusto mo na ng anak wala ng darating. Kaya manalangin ka sa diyos na gabayan kayong mag-ina at humingi ka ng tawad. Nasa tatagan mo ang sarili mo at wag kang gumawa ng mali
Magbasa paAte naiintindihan ko ang sitwasyon mo, pareho tayo, graduating student din ako at 20 years old. Hindi ko pa din nasasabi sa parents ko yung situation ko, pero nag papakatatag ako para sa baby namin ng bf ko, dapat pag gumagawa ka ng ganyan alam mo ang mga consequences, walang kasalanan ang bata. Tapos ayan uminom ka pa ng aspirin, pano na lang kung may may yaring masama sa baby mo o kung hindi yan healthy pag labas? Wag naman sana. Sana po ay iniisip mo ang baby mo, wag puro sarili ang iisipin. Ako naniniwala ako na matatanggap din to ng mga magulang ko. Mag pakatatag ka ate hindi lang ikaw ang may ganyang sitwasyon, maraming may mas malalang sitwasyon sayo. Yung friend ko ganyan din, may anak na din yung nakabuntis sakanya, at ngayon okay naman sila nung nakakasama nya. Pakatatag ka lang, sana walang masamang mangyari sa baby mo, sana healthy sya.
Magbasa pahindi ko maintindihan yung mga taong katulad mo na hindi pa nga ready sa mga responsibilities pero magpapabuntis. wag niyong sabihin na hindi niyo sinasadya kasi pareho niyong ginusto yan. you did it without protection tapos ngayong nakabuo kayo gusto mong ipalaglag? sana okay ka lang girl. nakakainis lang kasi na ang dami daming gusto magkaanak pero sila pa yung mga di binibiyayaan ng anak. tapos yung mga katulad mo gusto lang patayin. are you out of your mind? panindigan mo yan. kung alam mo naman in the first place na may family na yung jowa mo, bat pumatol ka pa? sana nag aral ka na lang. nag focus ka na lang sa studies mo. 20 rin ako nung nabuntis ako at nag aaral pa. pero ni minsan di pumasok sa isip ko na ipalaglag to kasi blessing to. walang kasalanan yung bata. di niya kasalanan na mabuhay. hindi ka pa pala ready pero ginawa niyo. hay nako. godbless you ate. nandyan lang ang karma
Magbasa paI am at the same age as you are. I am almost 21 weeks pregnant and I was on my 17 week pregnancy when I had the courage to tell my mother about it. I know the struggles, sissy. I won't deny thinking of having abortion at first pero pinigilan ako ng BF ko at kasi nga alam kong mali yun. You just have to pray for everything to be well going... Lakas ng loob lang talaga kailangan eh... I am an incoming 3rd year college but never did I thought of the baby being a hindrance to what I could achieve pa in the future. Tell your parents while it's not too late baka mauwi payan sa serious depression mo. Nagpapasalamat talaga ako kasi kahit na disappoint mama ko, hindi siya nagalit sa akin. She's even the one guiding me about how to take good care of myself while being pregnant eh.. I know even at my young age, I can be a great mother in the future like her too. π
Magbasa paHi, I'm 21 weeks and 5days preggy and hindi pa alam ng mga kasama ko sa bahay (relatives) na buntis ako, I'm scared din kase sila nagpaaral at nag alaga sakin. Pero graduate and board passer na, but still natatakot pa din umamin, i don't know what to do pero pray lang ako ng timing. I have no problem sa father ni baby kase suportado and we're in a relationship for almost 2years. My problem is paano lang umamin. Sa tuwing mag tetemp ako inuunahan ako ng kaba, balat sibuyas kase kaya siguro naduduwag. Pero anyways mamsh either unwabted or not no to abortion baka hindi lang doble karma mo. Malaking kasalanan yon sa Diyos, keep mo siya mahalin mo. Ipon ka ng lakas ng loob (kahit ako na duwag e nag aadvise haha) basta magdasal ka lang mamsh. Kapag kumapit si baby sa ininom mo meaning para sayo yan kaya wag mo na ulit subukang ipalaglag. Godbless!
Magbasa paSabihin nyo na po kesa sa patagalin mo pa lalo π ganyan din ako dati eh hanggang sa napansin na nila tyan ko at pinaamin ako ng mama ko tapos sobrang galit yung parents ko nung una pero habang tumatagal nagiging okay din hanggang sa natanggap nila yung nangyare saken. magagalit yan sila kapag matagal na pala bago sabihin kasi iniisip din nila yung development ng baby. ipon ka ng lakas ng loob, kasi di mo rin matatago ng matagal yan π
Yung ibang comment dapat daw intindihin nalang sya. E tatanga tanga sya paano mo iintindihin? Buti sana kung binata at walang pamilya yung lalake e. Sa post nya sabi nya, may baby narin sila ng legal ng gf/asawa -- isipin mo? Baby palang! Day 1 palang ng relasyon nila alam na niyang mali dahil may pamilya pero push parin sa kalandian at kalibugan si ateng. Kung iintindihin mo lang sya, hindi matututo yan! Mas iniintindi ko yung baby na nasa tiyan nya, kung pwede lang ilipat sa matres ko yang baby e para ako na magdala gagawin ko. Tang ina nya, iinuman nya ng gamot, alam ba nya kung anong nararamdaman ng bata sa loob ng katawan nya sa ginawa nya? Kayong mga puro pag intindi ang alam, nanghihingi ng advise para mailaglag nya yung bata, yun ang point nya sa post nya pero ipagtatanggol nyo pa? Baka gawain nyo! -Au
Magbasa pa-Au
Napaka maling idea na ipalaglag mo yung bata ako nga eh 14 years old palang ako ngayon buntis na eh pero di ko inisip yung sasabihin ng iba mas inisip ko yung baby na dala dala ko walang kamalay malay sa kagagahan na nagawa ko kaya eto pinaninindigan ko grade 10 na sana ko ngayong pasukan pero sinurrender ko muna para lang panindigan to si baby nung 1 to 4 months na nga tiyan ko pumapasok pa din ako eh nag JS pa nga ko hahaha 2 months palang si baby sinabi ko na agad sa parents ko kaya eto ngayon sila yubg tumutulong sakin :) bata pa man ako atleast proud ako kasi pinanindigan ko yung anak ko nakagawa na ko ng kasalanan na wag makikipag talik sa hindi mo asawa dasagdagan ko pa ba ng kasalanan na pumatay? Kaya kung ako po sayi panindigan mo yan :) i'm 7 months preggy naπGO KAYA MO YAN GINAWA MO YAN EH PANINDIGAN MO!
Magbasa pa
Hoping to be Pregnant