Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

839 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Me nd aq mgppka santa ok .. pero mkinig k ng mbuti nransan q din yan unexpected q dn n mbbuntis aq ng bf q that time im just 21 y/o working for my fmily bread winner kng baga den after a month n d aq ngk mens cnv q s bf q n bka nga buntis aq pero prehas p kming indenial that time kya umbot s point ngkkskit n q kng anu ano png gmot nainom q kc ngakala wla lng tlg pti gmot png ulcer npainom aq kc kala q ulcer lng kc always aqng cnckmura at nsusuka s umga though always dn nmn kc tlg q nlilipasan ng gutom gang dmting ung 2nd and 3rd month n wla prn aq mens dun n q ng decide tlg mgp.t after that n mlaman nmn n bntis nga tlg q cnb dn ng bf q n bt ngyon bt gnito sna s sunod nlng that time kng anu ano n pmsok s icp q n dp rn aq ready dhil aq lng dn inaashan s pmilya uminom dn aq ng gmot pra mwla xa pero no effect e umiiyak aq nung gnwa q un dhil rmdm q n auq xang mwala pero ung icp q kelngan xang mwla pero dhil nga wlang nangyri nrealize q n ayw dn nya qng iwan kya tnuloy q tnanggap q s srili q n kht ano mangyri lumbs man xang my deperensya ttnggapin q dhil kslanan q dun q cnimulan n svhn s nanay q n buntis aq w/ my bf xmpre grbe ang glit nya skn n halos arw arw kng anu ano nriring q sknya pero hnyaan q nlng lbas s kbilang tenga inalagaan q xa s ob checkup vit. S gatas lhat ng kelngan nya lhat ng bwal iniwasan q pra s anak q always dn aq ngddsal at ng ssory kay god at s anak q s ngawa q but yr 2014 nung pnanganak q 1st baby q ang sya q nung nkita q sya though cs aq sknya dhil d bumababa thnkful prn dhil wla xang kht anong deperensya at nd xa ng suffer s kgghan q and ok xa at d sakitin then nangyri dn n ngbuntis ung kptid qng mas bata shes just 14y/o that cguro ngng aral skn ung gnwa q s anak q aq nmn ang bumawi at cnb q s kptid q n tnggapin nya un kht ano mangyri n wg n wg nyang ggwn s anak nya gnwa q s anak q aq ngsilbing bntay nya at lakas at ksa ksma s pg sv s nanay nmn ng sitwasyon cguro un dn purpose ni god pra skn n mgng gabay s mga kgya m n ngiicp ng masma s baby s tummy nila bt then pls. Alm q s srili qng mhrp kc nrnsn q pero wg m ipasa sknya lahat ng hatred m blessing xa idaan m lhat s dasal ang tkot m at wg n wg m xang ssktan kht ano pang mangyri xa ang kaisa isang anghel n nd ndng mwawala sau at mgmmhal sau unconditionally love youself even ur baby mlalagpsan m yan kyanin m lhat at sbay kaung llgpsan lht ng criticism n iniicp m though 4 sure pglbas nya tyak n lhat ng nanghusga sau lht mtutuwa pg nkta ung anak m sna mliwnagan k s mga cnbi q wg pddla s kbg anu anong ssvhn ng iba blessed u and ur baby😇😇

Magbasa pa

You're already 20 at di ka na minor de edad. Alam mo na ang ginagawa mo. Di kasalanan ni baby kung nabuo siyang ayaw mo pa. Di rin niya kasalanan kung ang tatay niya ay may family na. It was YOU. That's your consequences and you should face it. Kung ayaw mo pa palang mabuntis, mas nag ingat ka sana. Alam mong sex can make you pregnant. Wag mong patayin ang sarili mong dugo't laman dahil lang sa kagagahan at katangahan mo. Ano naman kung graduating ka? 20 years old ka na! Marami sa members dto ang naranasangabuntis ng mas maaga pa kesa sayo pero piniling ipagpatuloy kahit pa hindi ready at natatakot sa pamilya. I was 16 years old nang nabuntis ako. Minor de edad na naloko ng 19 years old. Mas maiintindihan pa nga katangahan ko dahil minor de edad pako kesa sayo. But I chose to suffer and face the consequences. I was honor student (Top 3), graduating sa hs, mutya ng school at barangay, leader ng dance troupe at scholar. Naturingan akong talented at matalino pero nabuntis ng maaga. napakastrict ng parents ko. After malaman ni papa na buntis ako, never niya na ako sinustentuhan. Ni piso wala siyang binigay sakin. Buti nalang yung mama di kao pinabayaan. She helped me khit nasasaktan ako sa mga iyak niya dahil sa nangyari sakin. Pero di ako nagsising pinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko. I WAS JUST 16! YOU ARE 20! pero naging responsableng ina ako. After I graduated college, ako na ang gumagaatos sa lahat ng pangangailangan ko at ng anak ko. di nako umasa kay mama dahil gusto kong magtrabaho siya para sa sarili niya nlang. Pag-isipan mo yang desisyon mo girl! Kung ayaw mong magsisi sa huli. Mas nakakahiya ang babaeng lumandi at nagpalaglag kesa sa babaeng lumandi bago grumaduate. May mata ang langit. Konsensya mo yan hanggang sa hukay. Ang anak ko ang naging inspirasyon ko sa lahat ng dagok sa buhay kaya masaya akong ibinigay sa akin ang anak ko kahit unwanted preggy pa yun at kahit di pa pinaniwalaan ng tatay na siya ang ama. di ko na pinilit. Ngayon, hahabol habol siya, pero never ako humingi kahit piso dun. at never ko siyang pinakilala sa anak ko. di kailangan ng anak ko ng tatay na irresposable at walang bayag.

Magbasa pa

ganyan din ako nung una wala lahat sa plano and magulo ang family ko as in more thn 2 yrs na din kaming ndi ayos ng father ko .. im just 17 yrs old and yes bata pa ko but it doesnt mean na ndi pako pede maging nanay nalaman ko na buntis ako is 8weeks nako ndi ako naniniwala sa pt so nagpa check up kami ng patner ko una ayoko ko din namn pero that day na naultrasound ako una lumabas sa bibig ng doctor is may heartbeat n daw ang baby ko everything change iniba ko na focus ko .. yup nakakatakot umamin lalo na kung strick ang parents mo .. pero the day na nag bday ang tatay ko pumunta kmi ng ate ko kasma mga patner namin sa birthday nya para mapakilala na din sila .. ndi ko alam ano mararamdaman ko pag nagkita na kami ni papa then nung dumating sya ndi ko na nakayanan sarili ko .. i hug him .. wala na sya na gawa hinayaan nya ko na yakapin ko sya then nagmano si patner ko .. ps. bago ko makipagkita sakanila sinabi ko na sakanila sa chat na preggy na ko at kung ilang weeks .. kasama na dun lahat ng sorry and pls. ko sakanila .. then sila din po nag invite sakin na pumunta sa bday ng papa ko una ayaw ko pinilit lang talaga ko ng patner ko for the sake of our baby .. tulad mo din ako te may first family na din patner ko may 3 anak na sya 6 , 4 , 1 yrs old .. all i want you to do is be strong and brave enough sabi nga ng mommy ko after mo manganak palakihin ko lang daw si baby ng 1 yr old them balik daw ako sa pagaaral kung may pangarap pako para saamin mag ina at para mapagaan ko buhay ng baby ko in the future .. ate wala na po sila magagawa kundi tanggapin ka at ng baby mo they are still your parents kahit ano mangyare ... may matatanggap ka at maririnig na masakit just accept it your gonna be a mom be proud of it wala k dapat ikahiya .. biyaya po satin yan .. dahil kase sa baby ko natuto nako lumaban sa buhay hehe actually aminado ako na suicidal ako haha but since i have my baby i change a lot .. now im turning 8 months na waiting kaming laht kung sino kamukha hehe .. mas excited pa parent ko sakin makita hahah .. keep it up ate be strong enough to face it

Magbasa pa

Ako naman nabuntis at the age of 23, graduate na ako at 2yrs.na akong nagwowork sa private school pero nung umuwi na ako sa province para mag-aaply as public teacher tsaka naman ako nabuntis. Nagpakasal kami agad before mag 4mos.ang tyan ko. Nung una nagdoubt rin ako kung ready na ba talaga ako kasi 2yrs palang ako gumraduate and di pa ako nakakatulong sa kay mama para mapagawa yung plano naming bahay. Hanggang ngayon may kunting regrets kasi d ako nakatulong kay mama lalo na at daming chismosa sa lugar namin. Sinasabi nilang gumraduate lng daw ako para mag asawa at d nakatulong sa magulang. Hanggang ngayon naiisip ko parin yun. Di man ako nakatulong kay mama dahil nabuntis ako agad pero d ko pinagsisihan na nagkaanak ako 🙂ang baby ko ang inspirasyon ko, sya ang buhay ko, di man ako perpekto at marami man akong pagkukulang bilang anak sa mga magulang ko pero gagawin ko ang lahat para maging mabuting ina sa anak ko at sa mga magging anak ko pa. At di ko rin ipaparanas sa mga anak ko yung ganitong feeling na obligado silang tulungan kami kapag nakagraduate sila. Ayaw ko maramdaman nila na may utang sila samin dahil wala naman talaga. Obligasyon ng ina na paaralin, palakihin ang mga bata. Ayoko isipin nila na sila ang investment namin. Gusto ko yunt willing lang sila tumulong kasi magulang nila kami at hindi para ipamukha na kailangan kaming bayaran. Pero syempre ‘til now pinagppray ko na sana pasaganain pa ni Lord ang buhay ko para makatulong ako sa magulang ko at di na ako pagchismisan ng mga tao na wala akong kwentang anak kasi di ko natulungan mama ko. Sorry ma sa lahat and I promise na gagawin ko lahat makatulong sayo kahit may asawa na ako. Kaya mga mommies laban lng tayo para sa mga anak natin❤️May kanya kanya tayong battle in life. Pasensya na kung masyadong mahaba, this is also my way to express my feelings. Wala po akong mapaglabasan ng sama ng loob eh. Thank you for reading this.

Magbasa pa

Sis, unwanted pregnancy is a blessing. Wag mong ipalaglag ang bata dahil lang sa hindi ka handa at takot ka sa parents mo. Desisyon mu yan kaya panindigan mo. Di natin ma iiwasan na magalit at sumbatan tayo ng magulang natin kasi pinalaki nila tayo ng wasto pero nag iba tayo ng daan. Naranasan ko yung naranasan mo to tell you frankly same situation tayo. I was got pregnant by a married man at first pinakilala nya saakin na single at wala syang sabit pero yung may nabuo na ang tarantado dun na isiwalat ang lahat may anak at asawa pala. 2months preggy ako nun at graduating din. Iniisa-isahin ko yung mga plano ko pano sinumulan kausapin yung parents ko, si mami ang una kong sinabihan at yung kinakatakotan ko ay nag simula na. Di nila tanggap kung anong nagyari saakin kasi I still have to do my responsibility as a older sister but eventually nun lumabas na si Baby they accept, adore, care and love my baby. Tama lang kasi ang desisyon ko na buhayin ang batang akala ko ma bigyan ko ng kompletong pamilya. Wag mong ipa Abort ang baby do God sent you him to make the best in you. Lahat tayo may mga maling nagawa at sana isa kang halimbawa na isang matatag na babae para sa anak mo. Be responsible enough tobyour actions. Unwanted man o hindi still he/she has the right to live. Kaya mong maging ganap na Pulis balang Araw. Gawin mong inspiration ang magiging anak mo. Mapapakatatag ka at always Put God first above all. Pray lang po tayo sis. Wag na wag mo lang ipa abort si baby kasi may nagawa ka na ngang mali , dagdagan mo pa. Tama na, you had already know ang tama at mali. God bless sa iyong Journey. Nawa bigyan ng ginintoang puso ang Ama ng Anak mo at Magulang mo. Wag mong intindihin ang sasabihin ng Iba. Buhay mo yan, at kayang kaya mong malalampasan yan wag mo lang ipalaglag si baby. Kasi BLESSING yan!

Magbasa pa

Every baby is a blessings from God!! tandaan mo yan sis sa kahit anumang sitwasyon masama o mabuti man yan nung dumating sayo blessings yan.Hindi na kita sisisihin andyan na yan buhay na sa sinapupunan mo.Advice gusto mo ,sige bibigyan kita... alam mo bang swerte ka ??? bakit?? kasi binigyan ka ni Lord ng baby... marami kami ngayon na may mga dinaramdam.. yung iba hindi magka anak,yung iba matagal na humihiling na magka baby ,may nasagot na si God habang yung iba patuloy pa ring umaasa.... ako,sa wakas binigyan ulit ako ni God for almost 10 years.. pero hindi ganun kadali 8 weeks no hearbeat sobrang sakit sa pakiramdam pero im still holding on umaasa ,nananalangin para sa buhay ng baby ko... IKAW?? andyan pumipintig inaayawan mo bakit unwanted siya?? dahil ayaw mo ,natatakot ka,may pangarap kapa sabi mo... hindi ba pwedeng isama mo siya sa lahat ng laban mo ngayon sa buhay mo?promise sis ansarap nyan pag sinama at pinaglaban mo siya!! hindi kana bata alam mong may mga consequences yan una magsabi ka sa mga magulang mo anuman sabihin sayo iparamdm sayo tanggapin mo ng buong puso.. ipakita mong nagsisisi ka pero kaylan man hindi mo bibitawan baby mo.... later on i know matitibag din mga damdamin ng mga magulang mo pag andun kana... at sinuportahan ka ulit nila imsure mangyayari yun... hingin mo blessings nila na makapagpatuloy ka ng pag aaaral and please learned from your mistakes make it as your stepping stone to achieve your dreams love your baby more than your self lastly all your worries and fears... please leave it to God.. talk to Him then everything will be alright..hope nakatulong ako sayo. 🙏🙏sana Sana lang God wag mong hayaan na may masamang mangyari sa baby niya🙏🙏🙏im begging and praying for our babies(my baby too🙏🙏🙏😢)

Magbasa pa

Nakakainis lang na may mga kabataan na ganito. Sorry ha?! I was only 15 when i got pregnant sa 1st baby ko. Graduating pa lang ako ng highschool. Imagine ah?! 15y/o pero pinanindigan ko ung pagbubuntis ko! Nung nalaman ng parents ko, hulpi inabot ko. Pinainom nila ko ng mga pampalaglag pero nung di ko na natiis, di na ko umuwi sa amin. Sumama ko sa bf ko. Pina blotter sa brgy. Pinilit ako umuwi sa amin. Pero ayoko na. Kasi paglalaban ko yung baby ko. Nag march ako sa graduation na 3mos pregnant na ko at walang ibang nakakaalam sa mga kaklase ko. After nun nakuha na rin tanggapin ng magulang ko. Wala naman na silang choice. And that time alam ko naman na di pa nila ko pag aaralin ng college. Nanganak ako 16y/o na ko. Tapos nasundan baby ko 8months pa lang sya. After ilang years naghiwalay kami ng tatay nila. Natuto magbisyo kaya naman ako mag isa ang nagtaguyod sa mga anak ko. After nun may nakilala akong guy na minahal ko, nabuntis rin ako. After 4yrs naghiwalay kami. Nasa akin pa rin anak ko. Ginawa ko silang inspirasyon ko. Oo malas nga siguro ko sa mga lalaking napili ko mahalin, pero hinding hindi ko pagsisisihan na binigyan ako ng mga anak na halos parang mga kapatid ko lang. Ngayon meron na kong 3 anak na pinag aaral. Kasabat nun. Nag aral din ako. And im proud na sabihin na 3rd year college na ko ngayon. Wala akong pinagsisihan na maaga akong nabuntis. Gusto ko balang araw ipagmalaki ako ng mga anak ko na kahit maaga ko nagbuntis sa kanila e pinagpatuloy ko pa rin yung pangarap ko. Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo. Kaya kung ako sayo, mag isio ka. Ipagtapat mo sa magulang mo yung totoo. Natuto maglandi, matuto rin maging responsable.

Magbasa pa

Kaya moyan ate :) keep it up anak moyang nasa tiyan Mo hndi yan sa ibang tao mahalin Mo sya katulad ng pagmamahal Mo sa sarili Mo. Let go the man iniwan kalang sa ere pagkatapos ng lahat tapos ikaw ang kawawa at wag mong hayaang pati bata kawawa. Super dami ng single mom dito but I really admire them 😍 be the one of them :) maraming daan para sa pag asa depende kung San ka dadaan at kung ggustohin mobang hanapin ang Pag as a. But I will assure to you kung sisipagan mo lalo with ur baby in the future you will be successful :) Wag masyado madepressed God give you a situation kung San lalabas ang pagiging matibay mo 🙂 wag kang matakot sa family Mo dahil bago mopa naranasan yan naranasan na ng iba. Hndi ka nmn nila papatayin eh pagagalitan Lang o maddissapoint sila or magkakasamaan ng loob but don't think about that may buhay sa sinapupunan Mo. Balang araw matatanggap din nila ang anak Mo kahit anung klase Pa ang ugali ng pamilh Mo pag once na nakkita nila in the future ang anak Mo maaaliw din sila. Think before decision walang magandang solusyon kung takot ang paiiralin mo. I'm from Muslim pinakasal ako sa diko mahal and I'm pregnant but I'm still here I accept all everything kesa sa maging duwag tadhana na mismo ang gumalaw sa buhay KO mahirap ou pero mahal kona rin sya ngayon. Kung pinalaglag kotong bata for sure ikakamatay kodin dahil sa konsensya. Hindi naging maganda ang takbo ng buhay Ko pero gusto kung ibigay lahat ng makakaya Ko sa mgging anak Ko lahat ng magagandang bagay na pwede kung maibigay 🙂 be strong and love your child before ur self :) God bless I hope mailabas mo sya sa mundo :)

Magbasa pa
5y ago

I'm 18 years old 25 weeks in monday :)

Sana basahin mo ng maigi yung mga comments namin about sa peoblema na hinaharap mo ngayon. alam mo na nga na mali yung ginawa niyo dadagdagan mo pa ng panibagong mali. wag mo ipa abort yung baby kung ayaw mo sa kanya dahil lang sa graduating ka or what. may mga babae na nahihirapan magkaroon ng anak kasi may problema sa matres nila. pwede mo naman ipa adopt yung baby kung hindi ka pa ready. but first, kausapin mo muna ang parents mo. natural sa una pagagalitan ka talaga pero syempre wala naman na magagawa e kasi anjan na ang kailangan na lang talaga is iaccept. pero sinasabi ko sayo pag narinig mo ang heartbeat ng baby mo baka magbago ang isip mo at ikeep mo ang anak mo. I'm also 20 years old tapos ko na lahat ng academics ko bale ojt nalang ang kulang para makagraduate ako. at first ayaw ko pa hindi ko tanggap kasi hindi pa ko ready at wala akong alam sa pagaalaga ng baby pero nung narinig ko yung heartbeat ng baby ko tumulo luha ko hindi sa lungkot kundi sa saya. syempre pinagsabihan ako ng parents ko at tinanggap ko lahat ng mga sinabi nila sakin. kung namomorblema ka dahil walang tatay ang magiging anak mo pwede mo siya kasuhan kung hindi siya magbibigay ng sustento sa anak mo R.A 9262 check mo yan sa google wag ka din matakot or panghinaan ng loob sa mga sasabihin ng nasa paligid mo porket ba nabuntis ng maaga wala nang pangarap? ganun na ba agad? Dedma ka lang sis ganern. ako nga pumapasok ako ng college buntis ako. Good vibes lang at dedma sa paligid ko. kung ako sayo pagisipan mo ng mabuti bago ka gumawa ng panibagong pagkakamali na baka sa huli pagsisihan mo.

Magbasa pa
5y ago

hi sis. hindi po pwede. makakapagintay naman yung ojt e. tska bka mapano ka pa. ako nga ineenjoy ko muna pagaalaga sa baby ko, kasi gusto ko masubaybayan yung paglaki niya.

Momsh hindi madali ang sitwasyon mo pero hindi matatama ng mali ang isa pang pagkakamali. Mali na nagmahal at nagpabuntis ka sa taong may pamilya na lalo na't bata ka pa pero tao ka lang nagkakamali at padalos dalos pa sa buhay. Momsh may chance ka pang itama ang lahat at yun ang panindigan ang consequences ng nagawa mo. Walang kasalanan ang baby para buhay nya ang maging kapalit ng pagkakamali mo. Hindi nya din ginustong mabuo sa sinapupunan mo. Choice mo yan. Hindi magiging katapusan ng mundo mo kapag nagkaanak ka o hindi ka naka graduate. Baka yan pa ang magbigay sayo ng lakas at inspirasyon para lumaban sa hamon ng buhay. Habang maaga pa magpa check up ka na kahit sa center lang sabihin mo sa ob mo na nainuman mo na ng gamot ang baby baka magawan pa ng paraan para maisalba ang anak mo. Importante ang mga vitamins ng buntis lalong lalo na ang folic acid sa 1st trimester ng pagbubuntis. Normal na magalit ang pamilya mo sayo kahit sino namang magugulang hindi matutuwa na nabuntis agad ang anak nila at may pamilya pa yung nakabuntis. Tanggapin mo yung galit nila at panunumbat. Maiintindihan mo din yung dissapointment nila balang araw lalo nat magiging magulang ka na din. Hindi madali magpakamagulang. Mas madami dyan mas bata pa sayo nung nagkaanak pero mas pinili magpakamagulang kesa tumalikod sa responsibilidad. Kung kailangan mo ng makakausap mahihingan ng sama ng loob o kahit mga advice andito kami momsh hindi ka nag iisa. Please wag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli. Seek God at all times para magabayan ka nya sa mga desisyon na gagawin mo sa buhay. Praying for you as well momsh.

Magbasa pa