advice please

hello po! I'm only 20 yrs old 34 weeks pregnant. papa advice po sana ko. yung father po kasi ng dinadala ko super iresponsable tapos immature yung tipong buong 9 months na imbis sya ang nag aalaga at umiintindi sakin ako pa yung umiintindi sa kanya, wala rin po syang work at wala po natapos. pero independent naman at masipag kaso di po talaga ganun ka mature isip nya unlikre sa ibang hobby . at yung bisyo inom yosi barkada di na talaga sya nag bago. komo ang sabi nya sakin kaya sya ganun gawa ko ayoko po kasi umuwi sa kanila kasi I still want to continue my study 4thyr college tourism po ko. at sobrang gusto ko pa makabawi sa parents ko sa lahat ng sakripisyo nila at the same time mabigyan ko ng magandang future baby ko kahit na ako lang mag isa. tama lang ba na iwan ko ama nung bata at kalimutan at focus muna sa mas mahalaga. ayoko po kasi mag sisi sa huli. pipiliin ko nalang na maging broen family kesa dagdagan pa ng isang pag kakamali ang mali. I deserve better naman di ba at ganun din sya ?????

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Virtual hug mommy! Kung ganyan ang tatay ng anak mo na sa pagbubuntis mo pa lang wala na mapakinabangan at mukhang hindi pa sawa sa barkada at pagkabinata nya, it's better to leave. Lalo na at handa naman ikaw suportahan ng parents mo. Though i understand na mas maganda na kumpleto ang pamilya habang lumalaki ang baby, pero kung ganyan naman katoxic at walang kinabukasan, di bale na lang. Kaya mo at ng family mo na ibigay lahat ng pagmamahal sa anak mo na di kayang ibigay ng tatay nya. Kung darating naman ang araw na magbabago sya at maipakita nya sayo na kaya na nya kayong buhayin mag - ina, bigyan mo sya ng chance. Pero kung ganyan mommy, at walang sign ng pagbabago? Naku wag na lang. Kayo lang ni baby ang magsasuffer. I salute you for actually pursuing your studies kahit na ganyan ang sitwasyon mo. Kaya mo yan mommy! Bless you! And wag ka na magpastress, malapit ka na manganak. Congrats ❤❤❤

Magbasa pa

Pag-usapan niyo ng boyfriend/partner mo ang sitwasyon. Once and for all, ilatag mo lahat ng concerns mo, ang plano niyo for the baby. Si baby ang priority, naiimagine mo pa ba ang future na kasama si hubby? mahirap kasi din hulaan kung sa future e magiging mas maayos siya o ganyan pa din kayo. Walang kasiguraduhan at walang kayang ipangako ang panahon, nakasalalay sa inyong dalawa ang pagbuo ng mga pangarap niyo. Ipagpray mo kay Lord ang lahat ng plano mo for the baby at sayo. Wag kang magstay kung para lang kay baby. Kailangan magkapartner kayo sa lahat ng bagay para maiayos yung plano niyo sa future ng bata at sa pamilyang gusto mo sana e buo.

Magbasa pa

Ipaliwanag mo sa kanya desisyon mo, kung tlagang mahal ka nyan susuportahan nya yung pangarap mo makatapos para sa family mo at lalong lalo na sa baby mo, tska baka mas mabuksan isipan nya na dapat na din sya magsikap para balang araw kapag stable na kayo pareho pwede na kayo magsama, yun ay kung nagbago sya at mas nging family oriented na pagiisip nya, pero for now kasi hindi ko nakikita sa knya yun kaya go with your instinct sis., kung sa tingin mo di sya makakabuti for now, hiwalayan mo nlng

Magbasa pa

Sa akin, kausapin mo Bigyan mo ng ultimatum. Ipaintindi mo sknya na hindi puro pa sarap lang cya sa Buhay. Sabihin mo na iiwan mo kung hindi nagbago. Sabihin mo na hindi na cya ang priority at ang Buhay mo. Mag kaka anak ka na. Kung supportado ka ng parents mo financially and emotionally mas maganda kasi hindi ka mahihirapan, at kung hindi nagbago yung bf mo, Iwan mo. tapusin mo pag aaral mo. Mas makakabuti para sayo at sa magiging anak mo. :)

Magbasa pa

Magfocus ka sa pangarap mo para din yan sa magiging anak mo.. pero kung mag istay ka sa lalaking iresponsable pagsisisihan mo bawat minuto na sinayang mo sa kanya.. Sundin mo, gawin mo kung ano ung alam mong makakabuti para sa anak mo. lakasan mo loob mo.. Ang hirap pag ikaw lang bumubuhay sa anak mo tapos ung asawa mo pa eh pabigat pa sayo kaya mas mabuti na lang maging single parent kesa makisama sa walang kwentang tao.. Opinion ko lang nmn po.

Magbasa pa
VIP Member

hugs, sis! hanga ako sa yo kasi mahirap maging student habang buntis. suwerte ang baby mo kasi mommy niya may ambisyon. kausapin mo ng masinsinan ang daddy. explain mo kung ano ang mga expectations mo sa kanya bilay tatay ng anak niyo at bilang partner mo sa pagpapalaki ng bata. kung hindi pa rin tumino, mahirap ang ganyan kasi sign yan ng future niyo - na palagi ka na lang disappointed. so isipin mo ano ang best for you and your baby

Magbasa pa

Nakakainis lang yung sabi mo na ok lang sau magkaroon ng broken family, alam mo ba posibleng maging epekto nyang habang lumalaki ang bata. Sya yung sobrang kawawa. And isa pa sana bago ka nagpabuntis, inisip mo muna yan. Nagpabuntis ka knowing na ganyan yung partner mo tapos hahayaan mong ang bata ang maaapektuhan. Hindi easy tagay ang broken family, dami ko nakikita dito na bata ang nagdurusa sa desisyon ng magulang.

Magbasa pa
4y ago

panget ng mindset mo. Nandun na tayo sa point mo na "Alam mo ba epekto nyan sa bata" pero ikaw di mo ba naisip yung long term effect sa bata kung ganyan ka irresponsible yung tatay na kikilalanin nya. Babae ka at ina rin you should be proud na mas naiisip nyang itama yung pagkakamali nya by focusing sa mas importante na bagay kesa magtiis sa wala naman kasiguraduhan. Kung ganto mindset ng lahat ng nanay naku kawawa lang talaga anak nila

VIP Member

Hello mommy nasa age pa talaga si guy na di pa gaanong ramdam ang responsibility niya. Pag usapan niyo muna is the best advice I can give you. Maganda alam niyong dalawa ang priority niyo at kung pareho ba kayo ng priority sa buhay. Pero parang ikaw momshie mas leaning towards ka sa priority sa parents? Siguro pag labas ng anak niyo magbago pa ang isip niyo at mahimasmasan kayo pareho. Good luck 😊🍀

Magbasa pa

pag usapan nyong dalawa Yan.. kng hndi sya mgbabago .. wag ka Ng magstay sa knya. alagaan mo sarili ko para ky baby pag nanganak kna alagaan mo muna c baby tska kna magpatuloy kng malaki laki na sya.. tsaka mo ituloy magschool para sa Future nyong dlawa. narinig ko na gnyang story. Gawing inspiration Ang little one mo.

Magbasa pa

nagkamali ka pero wag mo nang dagdagan pa. ako mas gusto ko rin na maging broken family nalang kesa namn ganyan na ako ang hubuhay sa lalaki .. .mahirap kung sa mahirap para sa bata pero mas magiging mahirap pag lumaki xang irresistible ang tatay nya . habang bata pa itama na ang mali.