Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

840 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im also 20 yrs old. Im not ready to become a mother tapos iniwan pa ko ng boyfriend ko nung nalaman nyang preggy ako tapos always nyang sinasabi before nya ko iwan is palaglag ko kesyo wala daw akong maibibigay na magandang buhay.Pero tinuloy ko kasi alam kong kasalanan. kasalanan na nga mkipagtalik ng di kasal sa mata ng diyos tapos gagawa ka pa ng isa pang kasalanan sa diyos and hindi ka papatahimikin ng konsensya mo sis kung ipapalaglag mo sya swear. Isipin mo nalang kaya dumating yang baby mo is para magkaroon ka ng inspiration at maging matatag ka para lumaban sa hamon ng buhay My mom is also really strict nung una di ko alam kung pano ko sasabihin kasi alam kong madidisapoint sya sakin kasi sobrang taas ng tingin nya sakin pero nandyan mga pinsan at kapatid ko they help me to say. ngayon inaalagaan na ko ng mama ko. nararamdaman kong excited na sya sa baby ko. Matatanggap ka ng pamilya mo❤ Always pray🙏

Magbasa pa
6y ago

Very well said.. 👆