Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

840 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung takot ka sa family mo, umalis ka. humanap ka trabaho. kayanin mong magisa. kasi hindi rin naman ginusto ng parents mo na pumatol ka sa may asawa. that was purely your decision. sorry pero suck it up. face the consequences. 20 years old ka na. obviously hindi ka na bata kasi kaya mo ng gumawa ng bata. kung kaya mo naman harapin takot mo, di sabihin mo sa family mo and ask for forgiveness. pati sa Diyos. pati jan sa dinadala mo. kasi wala siyang kaalam alam, gusto mo na pala siya patayin. And advice lang, wag ka na mag pulis. protector dapat ng buhay ang mga pulis. makipagusap ka ng maayos kay Lord. na gabayan ka. na ituro sayo ang tamang daan. Pinairal mo na ang emosyon mo nung pumatol ka sa may asawa, ngayon naman pairalin mo ang isip mo. Kung hindi ka nga natakot kumabit sa may sabit, di dapat mas lalong hindi ka takot na akuin ang pagkakamali mo. Huwag mo ng idamay ang bata.

Magbasa pa