adik sa games

Hello po! Ask ko lang sa mga misis jan. Ano po ginagawa niyo sa mister niyong adik sa online games? Grabe na kasi yung asawa ko pag uwi galing work laro agad. Kahit off day laro din pag lalabas kami mag dinner nag lalaro pa din. Sinabi ko sa kanya sumosobra na siya sa pag lalaro niya. Nagagalit siya lagi niya sinasabi na eto na nga lang daw time niya para mag laro kasi busy siya sa work.

adik sa games
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang naadik asawa ko sa ML dati to the point na ang free time niya ay nilalagay niya sa paglalaro ng ML. Pati kasi coworkers niya mga promotor, nag aayaan sila mag-ML. Naglalaro din ako ng ML dati but I stopped kasi tinamad ako dahil sa tuloy tuloy kong lose streak. Pero etong March, nagbalik loob ako at sinamahan ko na siya maglaro kasi kaysa mastress ako, sasamahan ko at papabuhat ako sa kanya HAHAHAHA Eto ngayon, ako ang mas trip mag-ML, kasi nawawalan na siya ng gana at sinasama niya ako dati sa rank game ng coworkers niya. Tinatrash talk ko kaya nawalan ng gana. Pano ko hindi, ttrashtalkin??? Ginagawa akong alay. Anyway, lesson here is... Samahan niyo. Mawawalan yan ng gana promise HAHAHAHA Ngayon, mas balanced na. Mas hatak ko siya sakin. Maglalaro lang kami kapag trip lang namin ๐Ÿ˜Š lilipas din yan pero yung pagkaexcessive na, kaya pa yan gawan ng paraan katulad ng ginawa ko. P.S. Marunong na ako maglaro at di na ako pabuhat. ๐Ÿ˜Tamang pili lang ng item build yan ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

May time po na naiinis ako kasi hindi nya ako pinapansin kaya HINDI KO DIN SYA PINAPANSIN KAHIT TIGNAN DI KO TINITIGNAN๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚.... Minsan naman iniintindi ko na lang kasi yun na lang po ang libangan nya at ginagawa nya lang naman po yun kapag nakakauwi na sya sa work... Saka na siguro ako magagalit pag sa tingin ko ay sobra na sya... At pag di nya ako tinulungan mag alaga kay baby namin pag lumabas na๐Ÿ˜‚๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™โค... Ngayun kasi kapag sinasabi ko na masahiin nya naman ako kasi kadalasan nasakit likod ko at mga binti kahit ma afk pa sya nag i stop naman... Responsible naman po sya alaga din sa pasalubong si baby manggang hinog... Ewan ko po ba mag 5months na po ako pero gustong gusto ko pa din ng manggang hinog๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

Same situation din tayo sis before. Ganyan din si hubby, and same yung reasoning niya na yan na nga lang daw yung time nya para makapag relax etc. But nainis na ako sakanya ng sobra. Sinabi ko sakanya na sumo sobra na siya and need niya na tumulong sa bahay. Pag usapan niyo sis. Sabihin mo gusto mo ng quality time as husband and wife and also mag deligate kayo ng ano pwede niya I tulong sa bahay. Kahit isa nga lang for me okay na. Or set ka ng limit for example sa gabi lang sya mag laro or something. Ngayon ok na si hubby, hindi na masyadong nag lalaro. And lagi na ako tinutulungan and we have our quality time together na ulit.

Magbasa pa

hinahayaan ko lng #ML...yun lng kasi libangan nya ngayong naka ecq/gcq at habang nag aantay kung kailan na pde makabalik ng work (ofw si husband)... Anyways, kahit adik sya sa ML anytym need ko ng help like babangon s higaan,mag masahe ng paa or any alalay to the rescue naman sya kahit maisturbo pa yung laro nya...and s mga gawaing bahay inaako nya naman lahat kaya keber si misis de bale ng adik sa ML reyna reynahan pa rn ang feeling ko ngayon hehe...lubos lubusin ko naโ€™t paglabas ni baby, babawi ako sa kanyang pag asikaso sa akin ngayon...

Magbasa pa

Binibigyan ko ng time si hubby maglaro hangga't gusto niya. Since sobrang stressed din siya sa work niya bilang sundalo gusto ko ma-enjoy niya parin free time niya. Pero once na nangailangan ako ng tulong especially sa gawaing bahay, madali naman siya pakiusapan kasi nga nabigay ko naman yung time na kailangan niya para sa paglalaro niya. ๐Ÿ˜… Ngayong may baby na kami, nagbago naman din lahat kasi siya na mismo nag-limit sa sarili niya sa paglalaro. Kung maglalaro man siya aba nagpapaalam pa sakin hahaha

Magbasa pa

Hinayaan ko lng sis. Ginagawa ko n lng mga gusto ko gawin like mag surf din sa net, sumagot ng tanong dto, magbasa ska maglinis. The more n pipigilan mo kasi lalong Hindi kayo mag kakasundo besides parehas din kc kming gamer at ganun ko n siya nakilala.. Minsan siya n kusang titigil tpos kakausapin na kmi. Minsna siya n din nagtatampo KC hidni ko napansin Ako n pala kinakausap Niya.. gawin mo lng dpat mo gawin. Tpos paalalahanan mo lng siya ng need niya tapusin. Ayun

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din ung hubby ko #MLpamore but we both set some rules about it. Because i too could be stuck on something online.parang same lng rin nyan to us using facebook,instagram or any online shopping app. to somewhat relieve stress. hahahaha Ganon din mga hubby natin. give them an outlet too.Kesa sa iba at sa labas ang outlet.hirap din un. hahaha pero set some rules din. meet halfway so that your time together is more meaningful. Hang in there momma!

Magbasa pa

Mr. Ko din naglalaro ng MOBILE LEGENDS kajit din nmn ko nag dodou kami pero minsan naboboring ako ,pero may limit si mr. Kagaya ngaun hanggang alas dose lang kasi late kami nakatulog kagabi nalsing ksi sya kunti, pero sabihan Molang ng pakalma momshโ˜บpero ko minsan pagalit na haha. Sumusunod nmn mr. Ko kaso dikonmn sya laging pinagbabawalan. Pag sa inum namn pag may umaya sa kanya at may occasionโ˜บ

Magbasa pa

Ako naman po mamsh kahit mahilig maglaro yung asawa ko ng mga online games sinasabayan ko lang pag may free time ako. Bonding time na din namin yun kasi hindi naman kami mahilig lumabas. Kung di naman po kayo mahilig sa online games. Intindihin nyo na lang po, iba din kasi ang stress sa work. Sa online games lang sila nakakapag relax at nakakapaglibang kesa sa ibang bagay ang paglibangan nila.

Magbasa pa
VIP Member

Ako binibigyan ko sya ng oras kung kelan lang sa pwedeng maglaro, pero pinaka kota nya ay 5games lang, minsan nga 3games lang naayaw na sya, saka bago sya naglalaro tapos na mga gagawin, buntis pa lang kasi ako at maselan magbuntis kaya sya ang gumagawa ng mga gawain na ako dapat ang gumagawa, ๐Ÿ˜ pero di yun sy mag play as long as na walang go signal ko โ˜บ

Magbasa pa