Asawa kong pasaway

Ap approved po admin. Mga mamsh palabas po ng sama ng loob. Asawa ko kasi adik na sa online games halos tuwing restday nya hindi na sya natutulog pag gabi palagi syang puyat. Ang akin lng naman pag rest day nya eh tumulong sya sa pag aalaga ng baby namin. O tumulong man lng sa gawaing bahay. Hindi na sya nakakatulong sa pag aalaga kasi tulog sya boung araw dahil pag gabi gising sa kakalaro ng online games. Nag away kami kasi bakit di ko daw sya supurtahan sa pag lalaro nya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hala suportahan talaga sa paglalaro . siguro pag sakin yn uwi kna sa inyo haha

Kausapin mo sya, momsh. Try to let him realize his priorities.