Palabas labas lang ng sama ng loob😭

Ito kasing Lip ko adik sa laro na COD halos pag uwi galing sa trabaho o di kaya weekends puro laro na lang ang inaatupag, di naman lang tumulong sa pag aalaga sa 2 yrs old naming anak kahit naman lang maglaan siya ng oras sa bata kasi napapansin ko di siya masyadong close sa baby namin. Kahit nga kami di masyado nakakapagusap kasi puro lang laro. Sinabihan ko na di ako magpapakasal sa kanya pag di niya bawasan yung time niya sa paglalaro. Wala pa ring effect😭 at ngayon gabi gusto ko na matulong kasi antok na anto na ako.ito namang katabi ko panay laro at salita edi na wala ang antok ko. Kay bwesit na bwesit ako sa kanya.. Ayoko na talaga magpakasal..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy mag usap kayo mabuti totoo mga lalaki minsan may pagka isip bata talaga mahilig pa rin sa laro.. Ganyan din naman mister ko pero mainit dugo ko skanya kaya wala siya nagagawa dalawa anak namin tig isa kami ng inaalagaan since wala kami yaya sakanya eldest akin yung nagbbreastfeed 3mos old. Pwede kasi yan lang ang relax time nila galing trabaho.. Kelangan lang ng mister mo time management may oras dapat lang siya sa laro at iba sa time sa bata. Kung iisipin ok na din yan kaysa mambabae sila pero nakakabwisit lang talaga din ano hehe. Pag kinausap mo siya seryoso at dapat di siya nagppindot para nakikinig siya sayo

Magbasa pa
2y ago

Yun naman talaga gusto ko na mag usap kami. Kaya lang puro nalang kasi laro eh.. Nakakairita na.. Ngayon lumayas siya sa bahay kahit di ko naman pinapalayas. Tinanong niya ako nung tapos na siya maglaro kung bakit ako galit sabi ko "eh sino ang di magagalit na nawala yung antok ko dahil sa ingay niya" ayon tinapon niya cp niya at sabay impake at umalos sabahay, tas sabay sabi na bakit di mo nalang ako diretsohin na gusto mo ako palayasin. Sabi ko naman na "ang sabi ko sayo kanina kung pwede sa labas kana lang mag laro kasi di ako makatulog sa ingay niya. At ang ginawa lang niya nag ear phone lang. Edi nakakairita sabay pa itong mode swing ko kasi palapit na akong datnan.